25

7 1 0
                                    

"Hoy! Ang ganda naman dito. Bibili ako maraming tsinelas!" excited na sabi ni Nicole. Sa Arabela kami kakain ng lunch. Kasama rin namin si Peter. Sa kanya naka sakay si Nicole at Lawrence. Sila Miles naman sa kotse ni Kazel, kaya kami lang ni Paul ang magkasama.





Amazed na amazed sila pagpasok namin sa Arabela. Natatawa na lang kami ni Paul sa kanila. Magkasama kaming nag order ng food. We ordered for everyone. Pagkatapos ay sinamahan niya ako para mag restroom at sabay kaming bumalik sa table.






Inabot niya sa akin ang phone at wallet niya para ilagay ko sa bag ko. "Ms. Lia, saan ka natulog kagabi? Di kita nakita sa kwarto kanina." sabi ni Nicole.





"Late na siya pumasok ng kwarto." sabi ni Kazel






"Ha? Eh nagising ako ng dalawang beses para mag CR, wala naman siya." confused na sabi niya.






"Hindi ako natulog." sabi ko na lang sa kanya. Kinuha ko ang phone ko, naisipan ko magpost ng IG story. "Picture-an mo kami" sabi ko kay Paul. Kinuhanan naman niya kami picture nila Miles. "Picture tayo." lumapit ako sa kanya at idinikit naman niya ang pisngi niya sa pisngi ko. We took a selfie at pinost ko yun sa IG story ko.





"Parang nabubuo na yung puzzle sa utak ko." sabi ni Lawrence na nakatingin sa amin ni Paul. Kumuha ako ng tissue at tinupi ko yun para ibato sa kanya.






Dumating na yung mga inorder naming food and busy silang lahat kuhanan ng picture ang food. Instagrammable naman kasi talaga ang place na 'to pati ang mga pagkain nila. Pagkatapos namin kumain isinerve na rin ang dessert. Blueberry cheesecake ang inorder ko, as usual, di nag order si Paul ng para sa kanya.






Susubuan ko sana siya pero ayaw niya talaga, "Isa lang, please?" sabi ko sa kanya. Pumayag naman siya at agad uminom ng tubig. "Ayaw mo talaga ng sweets 'no?" tuloy pa rin ako sa pagkain ng cheesecake.






"I don't have sweet tooth." he whispered.






Sunday ngayon pero di siya nawawalan ng kausap sa phone. Sobrang busy niya 24/7. After namin kumain lumabas na kami para mag ikot. Pumunta rin kami sa pulang simbahan na pinuntahan namin noon.






"Picture tayo dito!" hila hila ko siya sa same spot na nagpicture kami noon. Kinuha niya ang phone niya at nag picture kami. Sobrang nostalgic ng lugar na 'to para samin. Natatawa kami habang pinapanood sila Nicole at Lawrence. Mukhang naglalandian silang dalawa pero ayaw lang nila umamin. Naka akbay sakin si Paul, naka hawak naman ako sa waist niya. Sila Miles naman nag eenjoy mag picture.





"Pawis ka na. Palit ka na kaya ng damit or later na lang sa kotse?" I told him habang pinupunasan ko ang pawis niya.






"Mabaho na ba ako?" he gestured na amuyin ko siya. Inamoy ko naman siya sa dibdib, sa neck, pati underarm niya.






"Hoy! Get a room! Nasa harap kayo ng simbahan." sigaw ni Kelsey. Natawa lang kami ni Paul sa kanila. After sa Liliw, nagpunta kami sa Nagcarlan at San Pablo. We stayed sa Sampaloc lake. Pumasok kami sa isang kainan, Cafe Lago.





"Hindi mo ako dinala noon dito." sabi ko sa kanya.






"We never had the chance to go back." maikling sagot niya. Medyo calming ang view dito. He never fails to bring me in places na nakaka amaze. It is starting to get dark. We all agreed na bumalik na ng Manila dahil may pasok pa kami kinabukasan.





After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon