11

10 0 0
                                    

From: Babe
Baby, boarding na.

To: Babe
I miss you na agad. :( I love you.

From: Babe
I'll call pagdating namin. Mahal kita.

To: Babe
Please come home soon, baby. Miss na kita agad.



Ngayong araw ang alis nila Paul papuntang US. Kasama niya ang buong family niya. Ako naman, next week pa ang uwi ko ng Bulacan. Gusto ko sanang umattend sa Paskuhan, pero wala naman si Paul.



"Sad si Baby, umalis na si bebi boy." pang aasar ni Kelsey habang nakain kami.



"Kailan balik ni Paul?" tanong ni Valerie.



I pursed my lips at tumingin kay Valerie "January na. Ang tagal nga, eh."



They all smiled at me na parang nang aasar, "Ano?! Tawa tawa kayo dyan."



Napailing si Ganiel at Kazel habang nakatingin sakin, "Lia, hulog na hulog ka na." Kazel added.



"Alam ko. Talong talo na nga ako." iniisip ko lang lagi yung sinasabi nilang tsaka ko na isipin ang bukas. Mas importante ang ngayon. "Hindi ko na nga iniisip si Daddy. Pag di ko siya nakikita, feeling ko kaya ko mag stay kay Paul."



"Get pregnant." sabi ni Miles na may seryosong mukha.



"Siraulo ka ba?" my brows furrowed not expecting she'll say that.



Ganiel nodded na paran agree siya sa sinabi ni Miles, "May point siya. Get pregnant. Pag buntis ka, wala ng magagawa daddy mo."



"That's not the solution, Lia" pag singit ni Kazel, "The way we know your dad, getting pregnant is not the solution."



Kilala nila si Daddy, alam nila ang kakayahan ni Daddy.



"And dahil mahal mo na siya, di mo kakayanin kung ano man gawin sa kanya ng dad mo." dagdag pa ni Kelsey.



"I'll try talking to my mom first." yun lang ang naisip kong solusyon sa ngayon. Ayoko rin nung suggestion ni Miles, dahil alam kong hindi pa ready si Paul.



Ready na ako sa Christmas Break, uuwi na ako ng Bulacan mamayang gabi. Lagi kong kausap si Paul pag gising pa siya sa umaga at sa gabi naman, pag may ginagawa ako tumatawag siya.

After AllМесто, где живут истории. Откройте их для себя