20

7 0 0
                                    

"Nicole, kunin mo nga yung-" natigilan ako ng bigla siyang tumayo at todo ngiti pa.



"Good morning, Engr. Sebastian!" naka ngiti niyang bati kay Paul.



"Good morning" binati rin siya ni Paul na naka ngiti pa. "Good morning to you Ms. Zamora" naka ngiting bati niya sakin. Tumingin naman sa akin si Kelsey at Miles na papunta dapat sa office ko. 



"Mukhang maganda mood natin ngayon, Engineer!" hirit pa ni Nicole na akala mong close sila.



"Engr. Sebastian! Welcome back!!" sigaw ni Lawrence na nakatingin rin sa akin. "Iba ngiti natin ngayon boss. Happy birthday!" my eyes widened when he greeted Paul.



"Hala! Oo nga! Happy birthday, Engr. Sebastian! Baka naman! Saan tayo mamaya?" binati rin siya ni Nicole. So, wala siyang balak sabihin sa akin na birthday ni Paul today? Paano niya naman nalaman na birthday ni Paul eh ako ang boss niya hindi si Paul?! 



"Mamaya. Sagot ko dinner. May party rin ako with my colleagues and staff. Sama kayo." he invited them at tuwang tuwa naman yung dalawa.



"Kayo rin Miles. Join us. Inform your friends. It's on me." nakita kong nanlaki ang mga mata nila Miles sa sinabi ni Paul pero pumayag din naman sila. "You're also invited Lia." he looked at me. 



I gave him a nod. Bumalik na rin siya sa office niya at lumapit na rin sila Miles sa akin. Si Nicole naman bumalik na rin sa table niya na tuwang tuwa pa.



"Bakit mo alam na birthday ni Engr. Sebastian?" tanong ko sa kanya. Nakatingin kaming tatlo nila Kelsey sa kanya.



"Hala, Ms. Lia? Seryoso ba? Hindi mo alam na birthday niya?" gulat na gulat na tanong niya.



"Magtatanong ba si Lia sayo kung alam niya?" sabi sa kanya ni Kelsey.



"Friends kasi kami sa facebook ni Engr. Sebastian." maikling sagot niya.



Pumasok na kami sa loob ng office ko at umupo ako sa swiveling chair ko. "Birthday niya today. At wag ka ininvite pa tayo mamaya. Sabihan ko na sila Kazel tinatamad akong bumaba sa department nila. You're also invited Lia." Kelsey tried to mock Paul habang kinikilig.



"Nicole!" sigaw ni Miles.



"Po?" agad na pumasok si Nicole.


After AllWhere stories live. Discover now