"I'm sorry. What do you want? let's replace that" I apologized

"You can have this" sabay-sabay kaming napalingon kay Gab. Wow, he's thoughtful huh?

"No, I'm fine Gab. You can have it, it's yours." nahihiyang tugon ni Fauz.

"I'm not hungry. Please accept it"

Nakuha nilang dalawa ang atensyon namin.

"Thank you, Gab" aniya.

Tumikhim si Iza.

"Pasensya na kayo ah. Marami kasing hindi kinakain si Fauz. Kaya mabibigla ka nalang na hindi siya iimik dahil ayaw niya ang pagkain" si Iza. Talagang kilalang-kilala niya ang kaibigan niya.

Ganun pala.

"It's okay" Gab and I answered

Nagkuwentuhan kami nina Iza and Alexine. Etong si Gab nananahimik, baka nagutom. Pero maya't maya ang tingin niya kay Faustina. Si Faustina naman ay parang lutang.

"Mag GTKEO tayo!!"

Ako lang ang sumang-ayon kay Iza. Maybe wala sila sa mood.

"Vaughn, anong paborito mong part nang umaga? tanghali, hapon at gabi?" si Alexine nagtanong. "I know walang sense tanong ko pero, if ever lang" mahina siyang tumawa.

"Sa umaga ay yung sunrise, sa tanghali...wala naman. Sa hapon noong bata ako paborito kong part yun dahil makakapaglaro na kami nang mga kaibigan ko" sagot ko.

"Pre, kamiss maging bata" halakhak ni Caleb.

"Gago, ikaw nga takot ka sa Clown eh" tinawanan namin siya except kay Fauz.

"Pero sa gabi, ang mga bituin ang paborito kong parte" pagpapatuloy ko.

Inalala ko ang mga pagsasama naming magkakaibigan sa ilalim nang bituin. Our friendship was witnessed by the stars

"Kami rin ni Fauz, hilig namin iyon eh!" masiglang sinabi ni Iza.

Sign number three.

"Anong mga hilig niyo? Like cartoons, SpongeBob ganun" I asked

"Si FAUSTINA" nakita kong natigilan siya.

Sign number four.

Napatitig ako sa kanya.

"Alin?" Takang tanong niya, sabi kona hindi talaga siya nakikinig.

"Tinatanong ni Vaughn kung sino daw yung mahilig sa SpongeBob" pag-uulit ni Iza.

"Hindi naman eh. Diba ikaw may hilig dun?"

So it was Iza? Hindi hilig ni Fauz iyon? Ugh. Ang gulo.

Err. Wala pang sign number four.

Lumingon muli ako kay Fauz, this time may dumi siya sa gilid ng labi niya. Kumuha ako nang tissue.

Tinitigan niya lang ako hanggang sa makalapit ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko naging dahilan iyon para mailang siya.

Tumayo siya para raw mag-cr. Isinama niya si Iza.

First time kong gawin yon sa isang babae. It's embarrassing.

Nang bumalik sila, nanahimik na kaming lahat.

Ilang oras palang ay nagpaalam na si Iza and Fauz sa amin. Emergency raw.

"Sorry talaga. But we have to go. Siguro pagusapan nalang natin bukas or next Saturday. Hindi pa naman need diba?" nagmamadaling tanong ni Faustina

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now