Ikadalawampu't Tatlo

6 0 0
                                    

Hindi matigil ang malakas na hangin sa buong sala. Marami nang mga larawan ang nahulog. Marami nang nabasag!

"S-si Tanya!" ani Tunner.

Wala sa sarili siyang tumakbo papunta sa ibabaw! Umakyat siya sa hagdan! Nag-aalala siya sa kanyang anak! Alam niyang may nangyayaring masama sa kanyang anak sapagka't nanggagambala na naman ang mga elementong nasa loob ng kanilang bahay!

"Tanya! Tanya!"

"Tunner! Saan ka pupunta?" sumunod sa kanya si Ella.

"Ang anak ko! Kailangan kong puntahan ang anak ko!" hindi na hinintay pa ni Tunner na sumagot pa si Ella. Mabilis siyang tumakbo paakyat.

Sinundan siya ni Ella. Wala din sa sarili si Ella. Ang nais niya ay ang sundan si Tunner. Dahil kagaya lamang ng lalake ay nag-aalala din siya sa kalagayan ng bata.

Tumakbo si Tunner patungo sa kanyang kwarto ngunit, wala doon si Tanya. Tumakbo din siya patungo sa ibang kwarto! Padarag niya itong binuksan ngunit, wala ang bata. Hindi niya ito matagpuan!

"Tunner." napalingon si Tunner kay Ella at mabilis itong niyakap.

"Ang anak ko... Hindi ko alam kung nasaan ang anak ko.."

Habang yakap-yakap ang binata ay napatingin si Ella sa sahig. Napako ang kanyang tingin sa isang bagay!

Isang rosaryo...

"Ang rosaryo.."

Mabilis na kumalas si Ella kay Tunner at dinampot ang rosaryong nasa sahig. Saglit niya lamang iyong tinitigan bago binaling ang tingin kay Tunner.

"Magagamit natin ito. Magagamit natin ang rosaryo."

Humakbang ang dalawa patungo sa pintuan. Ngunit, nang makaharap doon ay hindi nila inasahan ang kanilang makakasalubong!

"Don Raul.."

Hindi nila maintindihan ang postura nito. Ang mga braso at mga paa nito'y parehong nakatukod sa sahig na animo'y gagamba! Napakapayat ng Don at ang mas nakakapagpanindig ng kanilang balahibo ay ang baligtad nitong ulo.

Napaatras silang dalawa nang bigla na lamang umikot ang ulo nito at umayos ang mukha. Lumagutok ang mga buto nito habang siya'y unti-unti nang tumatayo.

Ilang saglit ay nakatayo na ito at maayos na ang kanyang tindig. Kagaya lamang ng normal na tao. Halos hindi sila makatingin ng doretso sa Don.

Sapagka’t wala itong saplot...

"Tunner, anak.." napasinghap si Tunner nang magsalita ang Don.

Puno ng sakit at pagtitiis...

"Tulungan mo ako... T-tulungan mo ako, anak..."

"D-dad..."

"Anak.. Iligtas mo ang s-sarili mo... Iligtas mo ang mama mo.."

"Daddy, b-bakit ka naging ganito? Anong n-nangyari sa'yo?" isang luha ang tumakas mula sa mata ni Tunner.

Humakbang siya papalapit sa kanyang ama. Naaawa siya sa kanyang ama, hindi niya alam kung ano ang sinapit nito. Ngunit, alam niyang nahihirapan ito. Mula sa kanyang payat na katawan hanggang sa puting mga labi na may mga sugat na sa sobrang tuyo. Nabubulok ang ngipin nito at ang kanyang mga mata'y nandidilaw at lumalalim na..

"T-tuluyan na niya akong nakuha, a-anak.."

"Nakuha? Sino? Sino ang kumuha?"

"S-si... Si..."

Halos kapusin ng hininga ang Don nang pilit niya iyong sabihin.

"D-dad.. Dad!" agad na dinaluhan ni Tunner ang kanyang ama ngunit, napatigil siya!

Ang ama niya ay nanghihina. Kita niya kung paano ito namayat lalo na parang hinihigop ang buong laman. Nangingitim ang katawan nitong unti-unting bumabagsak sa sahig!

Nabubulok ang kanyang ama!

"Daddy! Dad! Fuck! What's happening?"

Hanggang sa tuluyan na itong nabulok! Bumagsak sa sahig na parang taong sinunog. Napakapayat at hindi na makilala kung ito ba ang Don.

Anong nangyari sa kanya?

Lumabas ang dalawa sa kwarto ng mabilis. Napahinto na lamang sila nang madatnan ang Pari, ang Donya at sin Joseph at Santi.

"Nasaan si Tanya?"

"Hindi namin siya nakita." sagot ni Ella sa tanong ng Pari.

"Sinasabi ko na nga ba! Hindi dapat natin pinapunta si Tanya dito! Ngayon ay nawawala na siya!" hindi mapigilang mapasigaw ni Tunner sa pinaghalong galit at pag-aalala.

"Hindi! Wala na tayong oras para mag-away at magkagalitan. Kailangan na nating tapusin ito!"

***

Nagmulat ng mga mata si Tanya at namalayan niya ang kanyang sarili na nakahiga sa isang kama. Madilim ang buong kwarto at tanging liwanag lamang mula sa labas kung saan naroon ang buwan ang tanging naging dahilan ng pagkaaninag ni Tanya sa iilan sa mga bagay sa kwarto.

Isa lang ang nasa isip ng bata. Hindi akin ito.

Maayos ang lahat at walang kalat. Parang inayos pa nga ang mga ito at base sa kanyang pagtingin-tingin ay kwarto ito ng isang batang babae.

Napadako ang mga bata ni Tanya sa parador sa kanyang harapan. Nakaupo lamang si Lilith sa kama dahil kagagaling lamang nito sa pagbalikwas ng bangon. Tambad agad sa kanyang mga mata ang katapat ng kama na isang aparador. Luma at malaki ang parador na iyon.

Pero ang varnish nito ay hindi pa natatanggal. Parang bago kung pagmasdan pero kung tutuusin ay napaglipasan na din ito ng panahon.

Natutop si Tanya nang makita ang unti-unting pagbukas ng aparador. Ang langitngit ng pinto nito ang naging dahilan ng paggapang ng kanyang takot sa buong katawan.

Nang tuluyan na itong bumukas ay tumambad sa kanyang paningin ang isang pamilyar na bulto. Bulto ng isang....

Manika...

"Lilith?"

Umalis si Tanya sa pagkakaupo sa kama at umapak agad sa malamig na sahig ng kwarto. Hindi na siya nag-abalang suotin pa ang tsinelas na naroon.

Walang pagdadalawang isip siya na lumapit ng dahan-dahan sa kinaroroonan ng manika. Agad siyang naglakad hanggang sa makarating siya sa tapat nito.

Napakadilim ng loob ng aparador. Walang mga damit na naroon at ang tanging laman lamang ay ang manikang si Lilith.

Hindi niya pa maaninag masyado si Lilith dahil masyado namang madilim. Mukha lamang nito ang kanyang nakikita.

Dahan-dahan ay nilapit niya ang dalawang kamay sa manika. Dahan-dahan lang...

Hanggang sa maglapat ang kanyang mga kamay sa balikat ng manika. Akma na niya itong hihilahin nang siya ay nagimbal sa nakita...

Gumapang ang takot at panginginig mula sa kanyang mga kamay nang makita ang nabubulok na mga kamay na kumapit sa kanya!

Nag-angat siya ng tingin at doon tumambad sa kanyang mukha ang hitsura ng taong nagmamay-ari ng mga nabubulok na kamay!

"AAAHH!!!"

***

LilithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon