Ikalabing-walo

6 1 0
                                    

Mabilis ang pangyayari! Kaagad na umatras si Ella nang makita ang pagbabagong-anyo ni Tanya. Mas lalo lamang silang nangilabot nang nagsimulang umuga ang mga gamit sa loob ng silid ni Tanya!

Ang aparador, mga lamesa, maging ang kama. Lahat ay umuuga!

"Tanya!" si Ella, pilit na tinatawag ang pangalan ng alaga sa pag-asang babalik ito sa dating anyo.

"Ella, tara na—"

BLAG!

Napatili si Ella nang biglang tumilapon sa kanyang direksyon ang isang silya! Mabuti na lamang at nailagan nila ito at tumama lamang sa pader kung saan naroon ang larawan ng bata!

"Hali na kayo!" sigaw pa ni Donya Emilia!

Agad na tinakbo ng tatlo ang pinto ng kwarto at binuksan ito. Lumabas ang tatlo, nauna si Tunner, kasunod naman si Ella!

Sa pagsunod naman ni Donya Emilia ay biglang pahampas na sumara ang pinto kung kaya't tinamaan ang likod ni Donya Emilia! Napasubsob siya sa sahig!

Napaatras si Tunner at Ella at akmang tutulungan ang matanda sa pagtayo nang sila'y napatingin sa pasilyo'ng madilim. Wala silang makita sa kalayuan ng makipot na pasilyo kundi itim.

Tumayo ang Donya at kagaya lamang ng dalawa'y napatitig sa madilim na pasilyo. Napalunok ang tatlo nang makarinig ng tila lumalagutok na mga buto mula doon!

Umakyat ang kaba sa kanilang dibdib at dahan-dahang napahakbang paatras.

"Diyos ko.." bulong ni Ella habang napapatakip sa kanyang bibig.

Maya-maya pa'y sa dilim, lumitaw ang isang pares ng mga mata. Halos mapamura na si Tunner sa kanyang nakita at tila silang tatlo ay napako sa kanilang kinatatayuan.

Hanggang sa....

"SHIT!"

Tumakbo patungo sa kanila ang nilalang na nagmamay-ari ng mga matang iyon!

Mabilis silang tumakbo paalis sa pasilyo at nagtungo sa hagdan pababa! Nagmamadali at habol-habol nila ang kanilang mga hininga! Hindi na maipaliwanag ang namumuong takot sa kanilang dibdib matapos ang kahindik-hindik na mga pangyayari!

Mabilis silang tumakbo patungo sa kusina! Nang makarating roo'y agad na lumingon sa pasilyo patungo sa sala. Malalalim ang kanilang hininga habang pinagmamasdan ang pasilyo patungo sa sala.

"Sa kusina tayo." ani Donya Emilia at naglakad patungo sa kusina.

Sumunod naman ang dalawa. Nang sila'y makapasok ay agad na isinara ni Donya Emilia ang pintuan na ikinataka naman ni Ella. Mayroong pinto ang kusina?

Nakasara na ang pinto. Ngayo'y nasa kusina na sila namamalagi. Pare-parehong pagod at nag-iisip kung ano ang mga nangyayari. Hindi nila inasahan ang ganito, paanong dumating sa ganitong klaseng kababalaghan?

"Tunner.." si Ella, nilapitan niya ang lalake na nakaupo sa mismong lamesa.

"My daughter. What happened to my daughter?" naiiyak si Tunner, ngayon niya lamang ito nakitang lumuha. "Bakit gano'n? Anong nangyayari? Bakit nangyari iyon sa kanya?"

Walang nagawa si Ella kundi ang yakapin ang lalake. Maging siya ay hindi niya din alam kung bakit nangyari iyon kay Tanya. Ang alam niya lang naman ay may kakaibang espiritu ang umiikot sa buong bahay. Ngunit, paanong naging ganito kalala ang mga espirito'ng ito?

"Donya Emilia."

Tahimim lamang ang Donya habang nasa lababo at nakaharap. Hinuhugasan nito ang kanyang kamay na napaso sa paghawak niya sa nagbabagang rosaryo.

LilithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon