Ikalabing-apat

12 0 0
                                    

Ngumiti ang batang si Tanya sa dalawa nang siya ay makalingon dito. Nakahinga ng maluwag ang dalawa matapos makita ang maningning na ekspresyon ng bata.

"Sino ang kausap mo, Tanya?" malambing na ani Ella sa bata nang kanya itong lapitan.

"Si Lilith po. Sinasabi ko lamang po ang kanyang mga binubulong sa akin." nawala ang ngiti sa labi ni Ella nang sabihin iyon ni Tanya.

Napaisip siya...

Binubulong?

Paano namang nakabubulong ang isang manika sa bata? Ano naman ang binubulong ni Lilith sa bata? Imposible iyon! Hindi kaya ay pinaglalaruan lamang sila ni Tanya.

Nagkatinginan naman si Tunner at Ella. Pareho naman kasi silang hindi makaintindi sa sinabi ng bata. Sino ba namang manika ang walang buhay ngunit, nakabubulong, 'di ba?

"Uhm.." si Tunner, hinawakan niya sa magkabilang balikat ang bata. "Gusto mo ba'ng kumain na tayo? Ipagluluto ka ni ate Ella ng favorite mo'ng adobo."

Nagliwanag naman ang mukha ni Tanya sa sinabi ni Tunner. Napatingin siyang kaagad sa kanyang ate Ella.

"Talaga po, ate Ella? You're gonna cook for me?"

"Yes, Tanya. Kaya halika na sa baba. Ipagluluto kita ng gusto mo'ng adobo."

"Yehey!"

Tuwang-tuwa ang bata sa sinabi ni Ella. Sabay naman silang nagtungo pababa ng hagdan.

***

Kasalukuyang hinahalo ni Ella ang mga sangkap nang biglang sumulpot si Tunner sa kanyang likuran. Napatingin naman siya dito.

"Oh, Tunner." anito at ibinaba muna ang sandok bago humarap sa gwapong binata. "Si Tanya?"

"Nasa sala siya. Abala lang naman kasi 'yon sa panonood ng telebisyon." natatawang anito.

"Ano pa ba ang aasahan mo sa isang bata? Malamang ay mahilig 'yan sa palabas." sabay silang napangiti.

Ilang saglit na katahimikan. Napatitig si Tunner kay Ella, natutuwa siya sa tuwing nakikita niya itong nakangiti. Para kasi sa kanya ay mas lalo lang itong gumaganda. Iba ang tama sa kanya ni Ella, hindi naman sana ito naka-makeup pero ang natural nitong ganda ang nagpapamangha sa lalake.

Marami na siyang nakakasalubong na magaganda sa syudad. Karamihan pa dito ay kanya nang nakakasama sa gabi at nakikipagtuwaan, kinabukasan ay aaktong tila walang nangyari. Gano'n naman si Tunner, e.

Hangga't nag-iingat siya ay hindi siya mapapahamak. Lalo na't may anak na siya. Ginagawa niya lamang iyon para sa tuwa at sandaling sarap at saya.

Maganda ang kanyang mga naikakama. Karamihan dito ay galing pa sa bar. Ngunit, wala na siyang iba pang maramdaman kundi ang pag-iinit lang. Kay Ella kasi, kakaiba. Pag-iinit na may halong pagrespeto at paghihintay. Aniya'y ayaw niya itong igaya sa ibang babae na nakakasama niya sa gabi.

Ang nais niya lamang ay.....

Mapasa-kanya ang dalaga.

"Ah.." si Tunner, nagkamot siya ng batok. "Tungkol doon sa......."

"Saan?"

"Sa....k-kiss..."

Namula ang dalaga nang sabihin 'yon ni Tunner. Hindi naman kasi din iyon nawala sa isip ng dalaga.

LilithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon