Ikalabing-siyam

5 1 0
                                    

Sumapit ang gabi, binalot ng dilim ang buong kabahayan. Napansin din ng lahat ang biglaang pagkulog at pagkidlat saka bumuhos ang malakas na ulan sa labas. Kita nila ang naglalakihang butil ng ulan na dumadausdos pababa sa bintana ng bahay. Maiging isinara ni Ella ang bintna ng salas nang sa ganoon ay hindi makapasok ang tubig ulan. Tinatangay din kasi ng malakas na hangin ang kurtina.

"Akin na," wika'ng Padre, inilahad niya ang kanyang kamay saka ibinigay ng kanyang alalay ang holy water. Ang isa nama'y binigay sa kanya ang isang makapal na libro. Nakatingala ang padre sa hagdanan at pinagmasdan ang madilim na ikalawang palapag. Tanging ang salas at ang kusina lamang ang may ilaw. Hindi na nabuksan pa ang nasa ikalawang palapag.

Muntikan na g mapatili si Ella nang biglang gumuhit sa langit ang makapal na hibla ng kidlat na talaga namang nagpalundag sa kanya! Kasabay noon ay ang pagkawala ng ilaw sa sala at maging sa kusina!

"Ngayon pa talaga!"

Mabuti na lamang at nakuha ni Tunner ang lampara sa coffee table ng salas. Sinindihan niya ito upang magkaroon sila ng ilaw. Madilim na madilim ang buong bahay at tanging ang ilaw lamang ng lampara ang naroon.

"Saan ang silid ni Tanya?" tanong pa ng pari, agad na kumilos si Tunner na may dalang lampara upang manguna. Sumunod naman ang Pari at maging ang iba pa.

"Ngayon lamang ako ulit nakasabak sa ganito," biglang anang Pari. Npalingon naman sa kanya si Ella na katabi lamang nito.

"Ano ho ang ibig niyong sabihin, Padre?" si Ella.

"Matagal na panahon na simula noong ako'y nagpaalis ng demonyo. Ngayon ay hindi ko inaasahang gagawin ko ulit ito." anang Pari bilang sagot sa katanungan ni Ella, hindi naman na nagsalita ang dalaga matapos maintindihan iyon ng Pari.

Matagumpay silang nakarating sa ikalawang palapag. Mas lalo lamang binalot ng takot si Ella dahil sa kaisipang baka nandidito lamang ang Don Raul sa paligid. Hindi nila alam kung nasaan ito, hindi naman ito nagpakita..

Hindi naman nila alam na nakatingin lamang ito sa kanila...

"Dito ang kwarto ni Tanya.." si Tunner, gumayak sila sa kwarto ni Tanya. Nakasara pa din ang pinto. Napakatahimik sa loob.

Nagkatinginan pa sila habang si Tunner nama'y napapalunok sa titig ng Pari at ni Ella sa kanya. Mukhang alam nito ang ibig sabihin, kahit na lalake siya'y natatakot pa din siya.

Shit! Paano ko nagawang matakot sa sarili kong anak? Bagay na naitanong na lamang ni Tunner sa kanyang isipan. Hindi naman na siya tumanngo pa at hinawakan ang siradura ng pinto, dahan-dahan niya itong pinihit at nakakat'wang bukas ito...

Langitngit ng bumubukas na pinto ang maririnig habang patuloy na tinutulak ng lalake ang pinto pabukas. Dahan-dahan na sumilip si Tunner upang makita ang kalooban ng silid ng kanyang anak.

Tuluyan itong bumukas. Nanguna naman sa pagpasok ang Pari sa kwarto at binaybay ang maikling pasilyo. Nakasunod lamang sa kanya sina Ella at Tunner, maging ang Donya at dalawang alalay ng Pari. Napahinto ang Pari nang namataan ang bata na nakaupo sa kama, nakatalikod sa kanilang gawi at kumakanta-kanta pa.

"Bakit iniwan niyo ako, daddy?"

Biglang nagsalita ang bata na kanila lalong ikinatahimik. Si Tunner ay nabato-balani sa kanyang linatatayuan. Hindi siya makagalaw habang nakatitig sa nakatalikod na anak.

"A-alam mo bang napakahirap, Daddy?"

"T-Tanya.."

"Ikaw, a-ate Ella.. akala ko b-ba babantayan mo ako?" tila nabibiyak ang boses ng bata dahil sa napapansin nilang pag-uga ng balikat nito. Umiiyak si Tanya. "Iiwan mo din pala ako, ate E-Ella.."

"Tanya—"

"Sino sila? Bakit sila nandito?"

Nahinto si Ella sa pagsasalita nang marinig ang diretsong tanong ni Tanya, nagbago ang tono ng pananalita nito na animo'y galit. Mula sa umiiyak na bata kanina ay bigla na lamang nag-iba. Parang hindi niya pagusto na may panauhin gayong iyon naman dinang gusto niya noon.

"Nais ka naming makausap, Tanya.." nagsalita na si Father John, ang pari'ng noo'y nagmimisa kung kailan natagpuan ni Tanya ang bangkay ng isang madre. "Nais naming malaman ang iyong nararamdaman at kung bakit ito nangyayari sa'yo.."

Hindi nagsalita ang bata at nanatiling nakayalikod. Humakbang si Father John at tanging ang kanyang mga yabag lamang ang maririnig. Tumutunog ang sapatos nito sa tuwing humahakbang siya sa kahoy na sahig.

"Tanya, alam naming nahihirapan ka. Nais ka naming tulungan."

"Hindi ko kailangan ng tulong niyo."

"Tanya, kailangan ka naming tulungan mula sa paghihirap na 'yan."

"Sinabing ayaw ko, e!"

Napaatras ang Pari sa biglaang pagtaas ng boses ni Tanya. Ilang saglit lamang ng katahimikan ay humakbang na din si Ella upang makalapit kay Tanya. Siya ay naglakad patungo sa tabi nito. Dahan-dahan siyang umupo saka tumabi kay Tanya. Nakayuko lamang ang bata at hindi siya nilingon. Dahil sa dilim ay hindi na niya makita ang mukha nito.

"Tanya, ayos ka na ba? Anong nangyari sa'yo, Tanya? Bakit gano'n?" si Ella.

Nakita niya ang dahan-dahang pag-angat ng tingin ni Tanya. Lumuluha ang bata na nakatingin sa kanya ngayon. Si Tanya ay nakakaawang tingnan. Mugto ang kanyang mga mata at pawis na pawis. Namumutla na din ang kanyang labi. Ano ang nangyari sa kanya?

"Ate Ella..." niyakap ni Tanya si Ella na agad namang ginantihan ng yakap ng dalaga. Maging si Ella ay napaiyak na din.

"Anak.."

"D-daddy.."

Kumalas ng yakap si Tanya kay Ella at napatingin sa ama'ng papalapit. Maging si Tunner ay napaluha nang mapagmasdan ang anak. Niyakap niya ito ng mahigpit at inayos ang buhok nito, pinahid ang mga luha na tumulo mula sa kanyang mga mata.

"Anak ko, anong nangyari sa'yo?" si Tunner. "Patawarin mo ako, natakot ako, anak. Natakot ako."

"D-daddy," lumuha pa si Tanya. "Napakarami nila. Napakarami nila, daddy. Pinaglaruan nila ako. Binababoy nila ako, d-daddy ko. Natatakot ako sa kanila."

Nawala ang lungkot sa mukha ni Tunner at napalitan ng pagkagulat na may halong pagktataka. Napasulyap siya kay Ella na ganoon din ang reaksyon.

"S-sila, anak?"

"O-opo, daddy, a-ate Ella." pinahid ni Tanya ang kanyang mga mata. "Natatakot ako sa kanila... Napakasama nila.."

"Tell me.." matigas na ani Tunner habang nakatitig sa kanyang anak. "Sabihin mo sa akin, nakikilala mo ba sila?"

Umiling ang bata...

Naoabuntong-hininga na lamang si Tunner dahil sa pagkadismaya. Ngunit, agad ding nabuhayan ng loob nang muli itong nagsalita..

"P-pero may naaalala ako.." napaiwas ng tingin si Tanya sa kanyang ama na nakatitig lamang. Iniisip ni Tanya ang nangyari sa nakaraang gabi. Iniisip niya ang tao'ng kanyang nakita noong pilit siyang inaangkin. "H-hindi ko maalala ang kanyang pangalan.. p-pero... D-daddy, may bata.."

"B-bata?" si Ella na ang nagatanong.

"O-opo, ate Ella... Bata.."

"Kilala mo ba siya?"

Napayuko si Ella. Naging interesado si Ella at Tunner sa batang sinasabi ni Tanya. Nakinig ang pari at ang Donya sa bata dahil sa alam jilang ito'y makatutulong sa gagawin..

"Hindi.." pag-iling ng bata..

***

Ayaaann! Mas lalong naging lame HAHAHAHA!

LilithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon