Ikadalawampu't Dalawa

6 1 0
                                    

Mabagal ang mga hakbang ni Tanya nang siya ay makarating na sa ikalawang palapag. Binalot ng katahimikan at kadiliman ang buong paligid.

Naninindig ang kanyang mga balahibo. Nararamdaman na ni Ella ang presensya nila. Nararamdaman niyang nasa paligid lamang sila.

Patuloyna naglakad si Tanya hanggang sa siya'y makarating sa pasilyo ng mga kwarto. Huminto siya at tinanaw ang nasa dulo ng pasilyo.

"H-hello?"

Humakbang si Tanya nang marinig ang tumatangis na boses ng babae. Nanginginig siya habang pinagtaasan naman ng balahibo. Kumurap si Tanya at muling pinakatitigan ang madilim na dulo ng pasilyo.

Napahinto siya nang may naaaninagan. Kulay puti. Nakatayo. Umiiyak.

"S-sino ka?" nanginginig si Tanya. Natatakot siya.

Hindi sumagot ang babaeng umiiyak...

"B-bakit ka umiiyak?"

Patuloy na umiiyak ang babae..

"M-magdasal ka..." nanlaki ang mga mata ni Tanya sa narinig.

Iyon ang boses na napakapamilyar sa kanya. Narinig na niya ito dati. At ngayon, muli na naman niya itong narinig.

Kinikilala niya ang babae, alam niyang kilala niya ito. Kanya lang kinakalkal ang kanyang memorya para maalala ang bulto ng taong nakatayo sa kalayuan.

Hindi niya man ito naaaninag ay alam niyang babae ito base sa kanyang boses.

"Bakit ka umiiyak? S-sino ka?"

Katahimikan...

Tumigil sa pag-iyak ang babae. Tumahimik ang buong paligid! Hindi na umiiyak ang babae. Nakatayo na lamang ito at hindi na nagsalita.

Humakbang ng dahan-dahan si Tanya papalapit dito. Natatakotman ay hindi niya ito hinahayaang lukubin siya. Sa ngayon ay naiiisip niyang mas kakailanganin ng babaeng nakatayo ang tulong niya.

"B-bakit hindi ka nagsasalita?" tanong pa ni Tanya. "Halika.."

Humakbang pa siya ng paunti-unti. Nilalamin na ng dilim si Tanya habang siya ay naglalakad papalapit sa kinaroroonan ng babae.

"Sige, abutin mo ang kamay ko." inilahad ni Tanya ang kanyang kamay.

"C'mon. Take my hand.."

Hindi pa din gumalaw ang babae. Napapalunok na lamang si Tanya.

Yabag lamang ng mga paa ni Tanya ang maririnig sa buong pasilyo. Wala nang iba...

Hanggang sa isang tunog ang nagpatigil sa kanya...

Tunog ng tila lumalagutok na buto...

Napasinghap si Tanya at nanginig habang nakatitig sa babae. Gumalaw ang mga balikat nito maging ang ulo. Nagmumula doon ang paglagutok ng buto!

"H-hey.."

Tumigil ang babae sa paggalaw. Hindi ito nagsalita. Nanginginig si Tanya habang nakatitig lamang sa kinaroroonan ng babae.

"Hali—"

Natigil si Tanya at nanigas!

Ang babae!

Humakbang patungo sa kanya!

Ang mabibigat na hakbang nito ang nagbigay ng ingay sa buong pasilyo! Para bang iyon ay mga bakal na inihahampas sa sahig ng pasilyo. Dahan-dahan ang paghakbang nito papalapit sa kanya.

Dahan-dahan din ang pag-atras ni Tanya...

"W-wag..."

Ang hakbang nito.. Mas lalong bumibigat...

LilithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon