"I'm Jason Vaughn Borromeo, it's Vaughn not Von" si Loureene ang pinaringgan ko roon.

Papalapit na siya. Tapos na kasi akong nagpakilala.

"Don't stare too much, Loureene" I teased her with a lower voice.

Nakita ko siyang natigilan, pero hindi na siya nagpatinag. Siya na ang nagpakilala

"Hi. I'm Loureene Faustina Philips. Call me Fauz and Lori if we're close." diin niya na may panlilisik nang mata sa akin.

UWIAN NA.

Nagsabay-sabay kaming magkakaibigan na lumabas. May sari-sarili naman kaming sasakyan kaya hanggang sa parking lot kami nagkakasama.

Naisipan kong ibalik kay 'Fauz' kuno ang ID niya. Alam ko naman ang address niya dahil sa Village din namin siya, nakalagay sa ID niya.

Malapit na ako sa bahay nila nang makita ko siyang umiiyak, sinundan ko siya kung saan siya makararating at mabuti nalang sa playground lang. Kinuha ko ang jacket ko, lagi naman akong may dala.

Bumaba ako para siguraduhin kung ayos lang siya.

Nadatnan ko siyang nakatitig sa mga bituin. Naalala ko tuloy ang bestfriend namin nina Caleb at Gabby.

"I wish I was a star. Even in my darkest days, I still shine." dinig kong tugon niya saka umiyak ulit.

"Kasing ganda mo naman ang bituin eh" wala sa sarili kong sambit.

Hindi ko din alam kung bakit ko nasabi iyon. Siguro nadala lang ako kasi umiiyak siya para patahin ito.

Nabigla siya na naging epekto nun ay nahulog siya sa swing. Gusto kong matawa kasi baka magalit siya.

"Eto pala ang ID mo. Pinuntahan kita sa bahay ninyo kaso bigla kang tumakbo palabas kaya sinundan nalang kita" pagpipigil kong tumawa.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa akin.

Tinulungan ko siyang tumayo para maayos ang upo niya sa swing.

"Thanks" nahihiya niya akong tinignan

"Bakit ba kapag nakikita mo ako kundi ka natutumba, nahuhulog ka naman" natatawa kong sambit.

Tumawa siya sa biro ko. Para bang narealize na din iyon

Habang tumatawa ay napawi naman agad ito , sapagkat napalitan nang lungkot ang ngiti ay nawala. Napansin ko iyon kahit na ikaila niya pa.

"Dapat pala hindi ID ang ibinigay ko sayo." seryoso kong sabi habang paupo sa tabi niyang swing.

Nagkunot-noo naman siya "Bakit naman?"

Ramdam kong nakatingin siya akin, abala ako sa pagtitig sa mga bituin.

"Kasi mukhang malungkot ka" simpleng sagot ko.

"I don't have any handkerchief here but you can use this jacket. Malamig na din" pagpapatuloy ko, seryoso kong inabot sa kanya ang jacket ko.

"Ah hindi, ayos lang ako Vaughn. Baka lamigin ka pa." pagtanggi nya.

"Nope. Please just accept this" pagpupumilit ko. Kaya tinanggap na niya.

Sakto naman sakanya hindi ganoon kalaki. Napansin ko ang bandang siko niya.

"Okay na ba yang siko mo?" -ako.

Napalingon din sya sa siko niya na may band aid.

"Ah eto? Oo. Wala lang to, medyo mahapdi lang" tapang ah. Pero iyakin.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now