"Anak, kanina pa kita tinatawag" nilapitan ako ni Mama.

"Lori? Gusto mo ba kwentuhan kita? Noong bata ka pa sa tuwing malungkot ka ay nagkukwento ako para maibsan ang lungkot mo."

Hindi ko na matandaan iyon dahil bata pa nga ako nun. Natuwa ako sa sinabi ni mama kaya naman agad akong humarap sa kanya.

"Sigi po Mama"

"Ano ba ang gusto mo anak?"

Napaisip ako saglit.

"Kuwento nyo ni Papa" abot tainga ang ngiti ko nang sabihin iyon.

Natigilan si Mama sa paghaplos nang buhok ko. Bagkus ay ngumiti pa siya sa akin.

"Noong limang taon pa lamang si Kuya Herron mo umuwi ako dito sa Pilipinas, kami pa noon ni Ben. Binigyan nya akong tatlong buwan para asikasuhin ang mga business namin dito." pagkukwento ni Mama.

Lumabas na kami sa kwarto ko para maghanda nang kakainin.

Nanahimik lang ako habang nilapag ang mga plato na gagamitin namin. Umupo na ako dahil mukhang seryoso ang ilalahad ni Mama kaya nakinig na lang ako.

"Mayroon na kaming hindi pagkakaintindihan ni Tito Ben mo noon. Alam naman niya na sa anim na taon naming pagsasama ay hindi ko sya minahal, sapagkat iba ang mahal ko. Iyon ay ang Papa Faustino mo" tumigil si mama sa pagkukwento tila ba ay inaalala nya ang lahat nang nangyari sa nakaraan. "Noong umuwi ako rito sa Pilipinas ay muli kong nakita si Faustino. Nagkaroon kami nang relasyon kahit na alam nyang may asawa na ako at alam kong mali ang ginawa namin. Sa dalawang buwan naming pagsasama ay may nangyari sa amin, at ikaw ang naging bunga nang pagmamahalan namin." nakangiting tumingin sa akin si Mama habang hinahawakan ang kamay ko.

Kapag talaga mahal ninyo ang isa't-isa ay handa kang sumugal, tama man ito o mali. Atleast sinubukan mo, hindi ka natalo.

Sa katunayan walang mali sa pagmamahal. Gaano man ito ka-mali sa mata ng ibang tao, mananatili itong tama basta't ito ay gawa ng pag-ibig.

"Mama, si tito Ben ba mahal ka?" curious ako ih.

"Oo naman anak. Noong kami pa ni Faustino ay may gusto na sa akin si Ben. Kaya sakanya boto sina Mommy at Daddy dahil sya ay mayaman, iniisip nila na mas maganda ang kinabukasan ko kapag sya ang pinakasalan ko." malungkot na sinabi ni Mama

Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit galit sa akin si Tito Ben. Marahil ay iniisip nya na nagkaroon nang dahilan si Papa para makuha ulit si Mama sakanya.

Ang sakit naman pala talaga nang dinanas nila nang dahil pagibig. Si Mama ay napilitang sundin ang gusto nang mga magulang nya tapos si Papa naman ay nagparaya para sa ikabubuti nang taong mahal nya.

"Bakit naman sinabi ninyong walang kwentang Ama si papa gayong mahal na mahal mo sya?" iyan ang tanong na matagal ko nang gustong masagot.

"Nang malaman ni Faustino na buntis ako, at ikaw ang dinadala ko noon. Bigla nalang syang umalis. Alam kong natakot siya noong oras na iyon kaya inintindi ko. Agad kong sinabi kay Mommy at Daddy na dinadala kita kaya naman inilayo nila ako kay Faustino. Hindi naman daw niya kayang sustentuhan ang isang katulad ko dahil hindi siya nakapagtapos." tumingin sya akin "Kaya ko lamang nasabi sa iyo na wala siyang kwentang ama dahil hindi pa ako handang ikwento sa iyo ang lahat na sakit na dinanas namin" batid kong sobrang nasasaktan pa rin si Mama sa bawat letrang binabanggit niya patungkol kay Papa Faustino.

Tahimik lang akong nakikinig sa bawat detalyeng sinasabi ni Mama.

Napabuntong hininga si Mama."Tuwing gabi ay mayroong ingay sa labas na sinusuway nang Lolo at Lola mo. Isang gabi naisipan kong silipin kung sino iyon, nakita ko si Faustino na nagmamakaawa sa magulang ko. Batid kong sakanya nanggagaling ang mga bulaklak, gamit at sulat na natatanggap ko. Umabot nang halos isang buwan iyon. Ayon sa mga sulat nya ay naghahanap siya nang trabaho, pero wala syang mahanap kaya naman daw ay humingi siya nang tulong sa mga Borromeo ang mga kaibigan namin na mag-asawa na noon." pagpapatuloy ni Mama

Sa bawat salita na binibitawan ni Mama ay may lungkot na makikita sa kanyang mga mata.

Madalang nalang ang mga kaibigan na tutulungan ka sa oras nang kagipitan katulad nang mga Borromeo na sinabi ni Mama. Parang ganyan din si Iza sa akin.

"Hindi ka ba nag-abalang bumaba o lumabas man lang para makausap si Papa, Ma?"

"Sinubukan ko, Lori. Kaso nga lang ay naka-lock ang pintuan sa kwarto ko. Ang lolo't lola ay sobrang istrikto. Ang mga bintana naman ay masyadong maliit ang espasyo kaya hindi ako magkakasya. Kaya ang tanging nagawa ko nalang noon ay ang umiyak." maluha-luha na si Mama habang naglalagay ng kanin at ulam sa plato ko.

Nagsimula kaming kumain, ngunit hindi pa rin tapos ang kwento ni Mama patungkol sa pagmamahalan nila ni Papa.

Nang matapos kaming kumain ay sinabi ko kay Mama na ako na lang ang maghuhugas nang mga plato para maipagpatuloy nya ang kwento nila ni Papa.

"Lumipas ang 3 linggo, ganoon pa rin ang ginagawa niya. Kaso nga lang ay hindi man niya ako nakikita o nakakausap man lang." my mom sighed heavily. " It was the saddest night anak. Nakita ko syang naglalakad papunta sa bahay namin habang nilalabanan ang malakas na ulan. He was holding a flower, sobrang naawa ako dahil hindi ko man lang siya matawag o makausap. I really love him that much. I love your Father so much. Sa gabing iyon ay ang araw nang pag-alis ko dito sa Pilipinas, kasi nga diba tatlong buwan lang ang binigay na panahon ni Ben. Sa gabi na ding iyon ay hindi na kami nagkita pa."

Hindi na napigilan ni Mama ang sarili nya. Niyakap ko siya habang humahagulgol sya sa balikat ko. I tapped her.

I think that was the most painful part.

Kung sino pa yung minamahal mo ng sobra, yun pa yung malalayo sa'yo. At ang masakit pa, magkakalayo kayo dahil sa gusto ng ibang tao.

That was the saddest story I've ever heard. The lovestory of my Mom and Dad.

****************************************

A/N: Hindi sila broken family. Sadyang nalayo si Lori sa Father niya.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now