"Damn! You're crying again." napalingon ako sakanya dahil tumayo sya.

Bigla naman nyang binato ang isang panyo sa akin.

"Aray ko naman!" reklamo ko.

"Please stop crying." kinuha ko ang panyo, ginamit ko iyon at humarap na sya sa akin.

"So you're Lori?" maikli nyang tanong.

"Bakit ba kilala niyo ako?" nakakapagtaka na talaga "Famous ba ako sa MU?" I assumed

"Not really. Pero usap-usapan ay ikaw lang ang sineryoso ni Joaquin. That's all"

"Paano nila nalaman yun? Ganoon na ba talaga sa MU maraming chismosa at chismoso?" tumingin ako sakanya.

"Nope. Narinig ko lang naman iyon kanina. And I saw him chasing you."

Iniwas ko na lamang ang tingin ko dahil nagsawa na ako na buong araw pinag-uusapan yung walang kwenta kong EX.

"Just to clarify things, I don't love him anymore" pagmamayabang kong sinabi.

Baka kasi nagseselos siya eh. Kawawa naman.

"Who's asking?" tumatawa nyang tinanong.

I rolled my eyes.

"Just kidding. Well good for you." tumango tango sya.

"Hirap kayang mag-move on, tapos kapag nakapag-move on kana, babalik siya. Ang gago diba?"

"I know right. That's Joaquin. His perspective in love was just for fun."

"Accurate" pagsang-ayon ko.

Sabay naman kaming tumawa.

"You're prettier when you're wearing that"

Sinabi niya iyon habang tinititigan ang mga labi ko.

"What? This jacket?"

"No. That smile, please always wear that"

Tumalikod ako sa gawi nya dahil naramdaman kong nag-iinit ang magkabilang pisngi ko.

Awkward!!!

"Ikaw naman, Vaughn. Baka may gusto Kang ibahagi sa akin" pinipigilan kong hindi mautal.

"Ano ba ang gusto mong malaman?" mukha naman siyang handa magkwento.

Mukhang magiging mahaba ang kwentuhan ah.

"Lovelife?"

"I don't have a girlfriend" mabilisan niyang sambit at nag-iwas tingin.

"Crush? Nililigawan?"

"Meron"

"Nililigawan???"

"Wala"

"Huh? Ang gulo mong kausap! Isang tanong isang sagot" gigil akong tumayo akmang aalis na.

He held my arm.

"Sorry" he chuckled.
"I have a crush. Hindi ko alam kung crush lang, but I think I love her already."

"She's my bestfriend" pahabol nyang sabi

"Niligawan mo?"

Nanatili kaming nakatayo na para bang sobrang seryoso nang pag-uusapan.

"Nope. Baka hindi naman niya ako gusto"

"Where is she? I thought she's your bestfriend?"

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now