"Okay, sorry na Fauz. Hindi ko naman nga intensyon na saktan ka meron lang tayong hindi pagkaka-" hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita dahil nagsasawa na akong marinig ang walang kwentang paliwanag nya.

He is Joaquin Bisley my ex. Almost 3 yrs kami. Nakilala ko siya sa US noong lumayo kami ni Mama kina tito Ben. Nag-ipon muna kasi si Mama bago kami umuwi dito sa Philippines, kaya nung March lang kami nakauwi dito.

=====*****FLASHBACK*****=====

Matagal na kaming lumipat nang bahay ni Mama. Simula noong naghiwalay sila ni Tito Benjamin, pero sa US pa din kami tumira doon sa bahay nina Mommy at Daddy. Tanggap naman nila ako, sabi nga nila na, sa una lang ang galit nang magulang pero kapag nakita na nila ang apo nila ay mag-iiba ang hangin.

Highschool kami noon ni Iza nang makilala namin si Joaquin. He's a Badboy and sabi nila romantic daw kapag Badboy lalo na kapag napabago mo ito.

Gwapo sya, mayaman, matipuno at makikita mo sakanya ang pangarap mo sa isang lalaki.

He courted me for almost 1 year. Of course I'm not that easy to get. May motto kaya ako na 'You need to do the GTKEO"

Kaso noong college na sya ay bumalik na sila dito sa Pilipinas kaya naging LDR kami. May tiwala naman ako sakanya dahil sa 1yr naming pagsasama ay inakala kong kilalang-kilala ko na siya.

Pumunta ako sa Bahay nila nung pagkadating ko dito sa Pilipinas, balak ko siyang i-surprise. Dahil mag two years kaming hindi nagkikita.

I thought I was the one who will surprise him, but He surprised me!

Nakita ko siyang nakahubad kasama ang babae nya! Napako ako sa kinatatayuan ko at kitang-kita ko sa dalawang mata ko na si Joaquin may kahalikan na iba.

Nang makita niya ako ay lumapit sya kaagad sa akin.

Inamoy ko sya, baka kasi lasing lang diba? Pero lalo akong naiyak nang makita kong maayos sya at hindi amoy alak

Nakatingin lang siya sa akin, siguro nagulat siya dahil nandito na ako at nakita ko ang kababuyan nila!

"Lori, let me explain."

My knees trembled at what I saw. I didn't even notice that my tears were falling.

Nakatingin lang ako sakanya habang umiiyak.

"Lori, hindi ko lang talagang matiis eh, nakakaputangina kasi yang LDR na yan!"

I don't know what to do. But the only thing I did that time is to slap him.

"Kailan mo pa ito ginagawa?" kalmado kong tanong

"Lori ikaw lan-" I slapped him again.

"KAILAN PA JOAQUIN!" gigil kong tanong

"S-since I went home" unti-unti siyang namaos sa pagsasalita.

Napasabunot ako sa buhok ko..

"Can't you wait for me? All these years ikaw lang ang mahal ko Joaquin, pero bakit nakayanan mo akong ipagpalit, habang ako sa US nagdadasal na sana ayos ka lang, sana makita na kita and sana....sana wala kang iba! Pero putangina!!! Akala ko nagbago Kana pero kauwi mo pala dito pinagpatuloy mo yang gago mong ugali!" galit na galit ako sakanya.

It was painful.

He cheated on me.

All I have felt is pain.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now