Dumaan ang pagsasabi ng vows at ang pagsusuot ng rings. Mataman ko lang na pinapanood ang lahat. At dumating na sa pinakaiintay na, "You may now kiss the bride." And they kissed. Napatayo ang lahat at nagpalakpakan. I found myself clapping for the them too.
They both deserved this, after everything they've been through.
***
We drove to the Reception Area na ginanap sa isang Hotel na medyo malapit sa church. Hawak ko lang ang kamay ni Eleanor pagpasok sa venue. Andun na halos ang lahat.
"Come on, let's talk to my parents." I tugged at her arm at sumunod lang siya sakin hanggang sa makalapit kami sa parents ko. I saw mom's face lightening up when she saw me, her eyes focused on our intertwined hands.
"Mom," I planted a kiss on her cheek at tumango lang kay Dad. Hawak ko pa rin ang kamay niya.
"Chance," Mom was very delighted. "Care to introduce me to your date?"
"Right. Mom, this is Eleanor. You know her right? She's the daughter of Mr. Gonzales." I stated.
"Hello po." Eleanor greeted.
"Ikaw na yan, Kai? My God, you're so gourgeous! You look so much like your Mom in her younger days." Bahagyang natigilan si Eleanor pero ngumiti din naman siya.
"Thank you po." Her voice was slightly distant. May ilan pa silang pinag-usapan bago kami naupo sa sarili naming table. Mukhang grabe ang saya ni Mom na may kasama akong babae at ipinakilala ko sa kanya.
I hope she doesn't get the wrong idea. Magkaibigan lang naman kami ni Eleanor. She's with me when I'm insane or not.
Kumain lang kami ng konti then nagproceed na sa mga messages mula sa mga taong malapit sa newly-wedded couple. Nagbigay ng message ang parents at ilang mga kaibigan ng dalawa. Si James, si Gabe, si Fier at yung ilan pang college friends nila.
"Hindi ka ba magbibigay ng message?" tanong ni Eleanor.
I looked at her, "Wala naman akong masasabi. Masaya lang ako para sa kanila."
She made a face, "You could at least say Congratulations."
"Madami na ata ang nagsabi nun sa kanila."
"And so? At least you know full well you're sincerely saying it." She rolled her eyes. Hindi na ako umimik at tumingin na lang sa harapan. Kanina ko pa naman talagang pinag-iisipan ang tungkol dun pero hindi lang alam ang sasabihin ko. Hindi rin naman ako sinabihan ni Lourd na maghanda ng speech. Alam ko namang presence ko lang ang hiningi nila sakin sa araw na to.
Ano namang mapapala ko kung Congratulations lang ang sasabihin ko?
"Okay, meron pa po bang may gustong ipahatid sa ating couple? Tumayo na lang po kayo." Tahimik lang ang lahat at ramdam ko ang titig sakin ni Eleanor. I swallowed hard before taking a deep breath.
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
General Fiction[For my beloved Chance Lucas Sandoval] Chance Lucas Sandoval meets Eleanor Kai Gonzales in the most unlikely place, and you can guess that the most unlikely thing happens. He agrees to date other women, as Eleanor has stated, to help him move on wit...
-11-
Magsimula sa umpisa
