31. Same Old Love

1.3K 33 0
                                    

Before I could embarrass myself in front of him, my phone rang. That brought my senses back. I silently thanked it for the timing, tho. I almost revealed myself!

How stupid of me? I miss him that much and I am that crazy for him. He just looked at me in the eyes and I'm drowned. When our skin touched, I gasped for air, saving my dear life. Ridiculous.

"Rico." I answered.

I was gripping my phone tightly like my life depended on it.

I heard his heavy breath before his soft voice. "Beca.."

"Yeah?"

"I miss you." I was stifled for a moment.

Rico was never clingy. We both know we have this bond but we aren't really vocal about it. Never did he say that he misses me. When he confessed that he likes
me, that's it, and he never pressured me about him courting me.

Him calling right now, saying he misses me surprised me a little. Maybe because it's our first time not to see each other for months. Maybe he's just not used to it. We have been seeing each other for three years.

"May problema ba?" I sincerely asked.

Hindi naman kasi talaga siya ganito. Pero ngayon lang din talaga siya nawala rito sa San Vicente ng higit sa isang buwan. Dati ay uwian lang siya galing sa trabaho dahil may sarili namang sasakyan. Every weekend ay umuuwi siya ng San Vicente galing Puerto Princesa.

"Nothing. Naho-homesick lang yata ako." He chuckled.

I looked at the man eyeing me. He's still in front of me, but with enough distance now.

"Nami-miss ko na kayo, sila Melo.. Miss na kita."

I puffed a breath. "I.. miss you, too."

I looked away when I said that. Bigla akong hindi naging komportable na nakikinig lang si Gleizen sa amin. Hindi na kayang makipagtitigan pa sa kaniya, tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo. Pero hindi pa tuluyang nakakaalis sa harapan niya ay napatigil na ako. Hawak niya ang aking palapulsuhan. Hindi man nagsalita, tila naintindihan ko ang guso niyang iparating.

Hinayaan ko siya. Hindi ako umalis sa harap niya at mali man ay hinayaan kong makinig siya sa pag-uusap namin ni Rico, kung naririnig niya man ang sinasabi nito sa kabilang linya.

Hinayaan kong makinig siya sa mga sinasabi ko. Hindi niya rin binitawan ang kamay ko at mahigpit parin siyang nakahawak doon.

"Hindi na ako makapag-antay na magpasko." Si Rico sa kabilang linya.

"Konting panahon lang iyon, Rico. Huwag mo lang masiyadong pagtuonan ng pansin, hindi mo mamamalayan ay bakasyon mo na naman."

"Dinaig ko pa ata ang high school na first time mag-boarding ah."

Natawa ako.

"Isipin mo nalang nasa kabilang bayan ka lang, nagbo-boarding." I giggled.

He also laughed from the other line. "Pauwi ka na ba?"

"Mmm" I nodded like he could see me.

"Mag-iingat ka."

"Oo naman. Ikaw rin diyan."

"Siyempre. Uuwian ko pa kayo."

I shook my head grinning. "Sige na, tapos na rin trabaho mo 'di ba? Umuwi ka na rin, huwag mong kalimutang mag dinner mamaya."

"Yes ma'am."

"Tss."

Nagpaalam si Rico at ako pa ang gusto niyang magbaba ng telepono, ginawa ko nalang para hindi na kami magpilitan pa.

He's TerritorialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon