Kabanata 33

19.1K 439 70
                                    

“W-What do you mean, Juden?”kinakabahan ako at tila hindi agad nag-sink in sa utak ko ang sinabi ni Juden.

“Listat James. He's a beast, Saonna.”

It’s impossible! Listat is just an Elementary student that time. He just wrote the story and nothing more, baka malawak lang talaga ang utak niya at nakaya niyang ibigay ang kumpletong detalye ng pagkamatay ng ama nila. Iyon nga lang ba 'yon? Sinulat niya lang ba talaga?

Bakit ang hirap paniwalaan ng mga sinasabi niya? Mahirap paniwalaan na kayang pumatay ng isang Elementary student ng sariling magulang.

“He knew the whole story dahil siya mismo ang gumawa ng mga sinulat niya. Huli na no'ng malaman ni Listat Floyd ang lahat. Kaya sila malaya ngayon dahil sa ginawa ni Listat James.”

Natulala ako.

“Kaya please, Saonna. Be careful, 'wag mo masiyadong ilapit ang sarili mo sa kanya. He is not the Listat James that you think he is, magkaiba sila ni Floyd.”

Napaisip ako. All my life si Listat Floyd lang ang nakilala ko. Kahit kailan hindi naikwento ng kahit sino sa kanila ni Ervien o kahit si Floyd pa mismo ang tungkol sa kapatid niya. Kahit ang tungkol kay Damian ay hindi ko rin naman nalaman.

“Sonna, about your cousin. I think we can’t do anything about it,”aniya at bumuntong hininga. “Hawak na siya ni James ngayon, ang magulang niya na lang ang may kayang magpalaya sa kanya. Kaya 'wag mo na hayaang ma-involve ang sarili mo dito, isipin mo na lang ang anak mo kung ikaw naman ang pupuntiryahin ni James.”

Napanganga ako. Oh my God! I’m so reckless, ni hindi ko man lang naisip iyon. I’m so thankful na pina-alala ito ni Juden sa 'kin ngayon.

Hindi na ako makatulog pagkatapos ng pag-uusap namin na 'yon. Wala na rin akong magagawa kung ayaw pa ako patulugin ng mga mata ko, kaya nagtungo muna ako sa kinalalagyan ng anak ko. Katabi niya si mommy sa kama nang maabutan ko. Sa bilis ng takbo ng panahon hindi mo mamamalayan ang paglaki ng mga bata.

My Damian is a Harvoc. Naibigay ko sa kanya ang pangalan na may puwang na sa isipan at puso ko. Dahil sa pangalan na 'yan nagsimula kaming magkaroon ng koneksyon ni Ervien. I cry whenever he used to call me that name.

Naging malapit ako sa kanya at kay Juden. Kahit palaaway siya noon ay madalas akong bumuntot sa kanya dahil alam kong safe ako sa kanya, na walang kahit sinong kamay ang pwedeng humawak sa 'kin kapag nasa paligid siya. Naging object ako ng mga bully noon sa school, naging password ko ang pangalan niya upang hindi nila ako lapitan at saktan.

Kaya noong nawala ang ala-ala ko at namuhay kasama si Juden, nakaramdam ako ng kakulangan. Tuwing tatakas ako sa mga bully sa school, may tila bagay na bumabalik sa sentido ko na hindi ko kayang alalahanin. Pero alam kong maalala ko iyon balang-araw, babalik ang lahat.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang anak ko. Kung ano at sino man ang pinanggalingan ng pangalan ng anak ko. Sisiguradohin kong hindi siya magiging tulad ng mga 'yon. Harvoc ang anak ko, but he will never be a psycho.

Biglang tumunog ang phone ko. As usual, isa na namang unknown number. Naka-ilang save na ba ako ng number ni Ervien? Tapos biglang magbabago na naman.

Tinapat ko iyon sa tinga ko. Unang narinig ko ay ang buntong-hininga niya. Kahit magkalayo kami, may natatandaan ako sa mga gestures niya na dahilan kaya ko siya unti-unting nakikilala.

And this heavy sigh. May something dito, something that familiar to me. Ginagawa niya ito tuwing may desisyon siyang nahihirapan siyang i-handle.

“Ervien,”I called his name dahil matagal itong hindi nakapagsalita.

Dark Obsession / Dark Plans - tagalog (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon