Kabanata 23

15.4K 418 42
                                    

Nanlalaki ang mga mata ni Fionna habang pinagmamasdan akong naglalakad sa aisle ng restaurant. I give her my small smile while iginigiya ako ng staff ng lugar. Para namang hindi kami nagkausap sa Skype niyan kung maka-react siya diyan.

Nakaawang pa rin ang labi ni Fionna habang pinagmamasdan ako sa malapitan na parang hindi ako totoo.

“For almost four years, really?” namamangha niyang sabi habang pinagmamasdan ako. Hanggang sa biglang tumulo ang luha sa mga mata niya at agad akong niyakap.

“Fionna..” naiiyak na rin ako habang gumaganti ng yakap.

“Na-miss kita bruha ka! Halos mamatay ako sa pag-alala, tapos malaman-laman ko pa nakipagtanan ka lang pala sa Harvoc na 'yon.”

Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakipagtanan? Saan niya nalaman na nakipagtanan ako? Gusto ko sanang itama ang akala niya pero baka maungkat na naman ang nangyari noon kaya mas mabuti nang itahimik na ito.

We continued our girls talk after the crying scene over our breakfast. Patuloy akong nakikinig sa mga lintanya niya.

“Tito told me about your wedding. And it’s after the college at may tarbaho na no'n si kuya Ervien pero ayon kayo umalis kayong dalawa at nakipagtanan ka sa kaniya!” her lips twitch “Hindi talaga kayo marunong maghintay, ano? And Juden, hinabol niya pa kayo bago kayo maaksidente, alam mo bang halos mamatay ako kakaalala sa 'yo habang nasa ospital ka?”

Napanganga ako sa mga sinabi ni Fionna. Nagbago na pala talaga ang kwento.

“Ano lang ba si Juden? A-Alam niya rin ba ang tungkol sa relasyon niyo-- ni Kuya Ervien, kasama ba siya sa drama niyo para itago ang relasyon niyo? Ako lang ba ang walang alam, at bakit kailangan pa na itago?” her eyes are shocked.

Agad akong umiling. “Hindi, w-wala siyang alam.”

“Kaya pala parang wala kang pakialam kung may nag-f-flirt kay Juden dahil hindi naman pala talaga kayo, at nakakatampo lang, I'm your BFF pero hindi mo nagawang sabihin sa 'kin ang tungkol doon. Akala mo ba huhusgahan kita, gano'n ba talaga tingin mo sa 'kin?” tapos umiyak na naman siya kung kaya't nataranta na ako.

We should change the topic. Hindi ko expect na naging drama queen ang isang 'to pagbalik sa Pinas. Nagka-boyfriend lang naging madrama na. Hindi naman talaga siya ganito noon.

Mabuti nalang at nagawa kong kunin ang atensyon niya para sa bagong topic. Kahit pa bumabalik pa rin kahit papaano ang topic sa mga Harvoc.

“Juden is now in Miami Florida, nagpatuloy siya sa pag-aaral ng college. Ikaw? Wala kang balak magpatuloy sa college?”

Ngumiti ako. “Wala pa sa ngayon. N-Nagkausap pala kayo?”

“Yeah, we chatted for almost a year. He look exhausted, ang laki ng pinagbago niya.”

Tumango ako, I feel guilty knowing that ako ang dahilan kung bakit siya napasok sa gusot na ito.

“How about kuya Ervien? May problema ba kayo kaya umuwi ka?”

Napakurap-kurap ako at alanganin na umiling saka bahagyang ngumiti. Kunot noong tumutig siya sa 'kin na tila binabasa ang emosyon sa mukha ko.

“Are you sure?”

“Ayos lang kami. N-Na-miss ko lang kayo, lalo na ang parents ko. A-At nag-alala kayo so I should do this para mapanatag kayo.”palusot ko.

Kumurap-kurap siya at nagpatuloy na kami sa pagkain. The truth is, I don’t know kung nasaan na ngayon si Ervien. Hindi ko rin alam kung ano na ang mangyayari sa amin ngayon, we have a son but we are not married.

Tiningnan ko ang relos matapos kaming kumain. Sakto lang para puntahan ko na sina Mommy sa simbahan, siguradong tapos na silang magsimba ngayon. Nagpaalam na kami sa isa't-isa pagkatapos but she set another meeting again.

“Dalhin mo ang pamangkin ko sa susunod.”aniya pa bago pumasok sa sasakyan niya.

I laugh a bit and nod. Busy ako this few days and maybe sa susunod na araw pa kaya hindi ako nangako ng araw. Depende na lang din kung kailan kami pwede ng anak ko.

Dumeretso ako sasakyan kung saan naghihintay ang driver ko but I stopped when I notice someone. My driver is now talking to a guy. Nanlaki ang mata ko nang makilala ang kausap niyang lalaki.

It’s Huston!

He's Ervien's body guard. Hindi ako nagkakamali at malinaw pa sa sikat ng araw ang nakikita ko. And why is he talking to my driver, magkakilala sila? Imposible!

Litong-lito na lumapit ako sa dalawa. Napansin kong natigilan ang dalawa sa pag-uusap medyo distansya palang ako no'n pero napansin na nila ako. I noticed how my driver gulp after I throw a questionable look at him.

Hanggang sa humarap nga sa 'kin ang matangkad na lalaki. At tama nga ako, it’s Huston. He's not wearing his formal attire instead he wore his black hoody jacket and jeans.

Unti-unting sumilay ang kakaibang ngiti sa labi niya. “Hello ma'am.”

Natulala ako. Napuno ng katanongan ang utak ko hanggang sa sumagi sa utak ko ang isang lalaki. Si Ervien!

“Why are you here? Does Ervien send you here, where is he?” lumapit pa ako.

Tinitigan niya pa ako gamit ang malamig niyang tingin bago nagsalita.

“He’s not here, and I'm here to do my duty again while he’s not around.”seryosong sagot niya.

“He’s not here? So where is he?”hindi ko maintindihan kung bakit ba nakakaramdam ako ng ganito, bakit gusto ko siyang makita?

Bakit nga ba, Saonna?

Biglang nag-ring ang phone niya sa bulsa na agad niyang binunot para sagotin. Panay ‘yes, okay' lang ang nagiging sagot niya sa kabilang linya bago siya bumaling sa 'kin at iabot ang cellphone.

“He want to talk to you.”

Tulala na napatitig ako sa cellphone na hawak niya. Ilang segundo ko munang tinitigan iyon bago kinuha habang palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko.

“Hello.”aniya nang iumang ko na ang cellphone sa tenga.

Hindi ko napigilan ang luha na dumaloy sa mga mata ko. Isang hindi pamilyar na pakiramdam ang sumalakay sa 'kin at habang tumatagal ay palala nang palala. Tila may ibang bagay na komokontrol sa sarili ko para maramdaman ito.

“I miss you..”

Napanganga ako nang marinig ko iyon sa kaniya.

“If you want to stay away from me, i'll respect that. But you can’t insist if I want to put surveillance on the both of you. I need to do that.. at least just this.”

Binaba ko ang tawag dahil bumubuhos na ang masaganang luha sa mga mata ko. At hindi ko na makaya ang sikip ng dibdib dala ng pamilyar na pakiramdam na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mabigyan ng pangalan. Wala na si Huston sa harap ko, umalis na at iniwan ang cellphone niya.

Hindi ako kumain kinagabihan. Pinatulog ko lang si Damian at magdamag na akong tulala habang nakasandal sa dingding ng kwarto hawak ang cellphone ni Huston.

Ano itong nararamdaman ko? Bakit may parte sa puso kong gustong-gusto na makita si Ervien, ang lalaking sumira ng buhay ko?

Ini-open ko ang cellphone at hinanap ang number ni Ervien. Kailangan namin mag-usap, gusto kong bigyan ng kasagotan ang lahat.

Walang pag-alinlangan na itinapat ko ang cellphone sa tenga. Ilang ring lang at sumagot agad siya.

“P-Pwede ba tayong mag-usap?” kinakabahan na sabi ko.

D.O.

Dark Obsession / Dark Plans - tagalog (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon