Chapter 2 - Dark Plans

1.6K 46 6
                                    

Gaya nga ng sabi ko kay Diego, sasama ako kina Botyok kinabukasan. Hindi na rin ako nakabalik sa mansyon pagtapos no’n. Abala na ako sa paglalaro. Parati kaming nakatambay sa gubat pagkatapos ng klase. Madalas na rin akong pagalitan ni Mama.

“Ano ka ba naman, Inneya? Hindi na kita mahagilap parati dito sa bahay. Saan ka ba parati nagsususuot?” reklamo ni Mama nang madatnan niya ako sa bahay Linggo ng umaga. Hindi na kasi ako masiyadong nakikita para utusan sa mansyon.

“Diyan po,” ngumiti ako kay Mama at dumukot ng kakaunting bigas sa lagayan namin.

Ibibigay ko ‘to sa ibon sa gubat. May mga inahin kasi doon na ibon na pinapakain namin nina Botyok. Sina Botyok din nagdadala rin sila ng bigas para sa mga ibon sa gubat. Kaya lang pinalo si Botyok ng Mama niya no'ng nakaraan, e. Kaya ako  na lang muna ang magdadala ngayon.

Pinatapos ko muna si Mama sa pagsasalita at nagtungo na agad ako sa gubat.

"Buti nakarating ka kaagad!" Nakangisi na sabi ni Tuto. Siya ang pinakabatang kaibigan namin nina Botyok. Kapit-bahay lang siya ni Botyok. Isang beses lang siyang sumama sa amin sa gubat at nagustuhan niya. Sunod no'n ay parati na siyang sumasama sa amin. Hanggang sa naging magkaibigan na kami.

"Tara na!" Tapos ay hinila ko na siya.

Tutungo kami sa maliit na sapa. Ngingiti-ngiti pa kami sa pagdating namin pero naglaho 'yon nang makita namin si Botyok na nanlalaki ang mata at tumatakbo.

"Botyok-"

"Takbo!"

Hinila niya ang parehong kwelyo namin ni Tuto. Halos magkandapatid pa kami sa pagtakbo. Nabitiwan ko rin ang bigas na nasa palad ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero tatakbo ako ng mabilis. Dahil kakaiba rin ang pakiramdam ko rito. Parang may hindi maganda. Humahangos na ako at malakas na ang kabog ng dibdib ko.

"Botyok bakit?!" Habang tumatakbo ay nagawa pa ni Tuto na magtanong.

Tsaka sa aming tatlo, si Tuto ang mas mabilis tumakbo. Sa katunayan si Tuto pa nga ang nasa unahan namin ngayon. At si Botyok ang nasa hulihan samantalang siya ang mas malaki ang pangangatawan sa aming tatlo.

“May... may...” Hindi magawang sumagot ng matino ni Botyok. Kita namang humihingal at nahihirapan na rin siyang tumakbo.

Ang magsalita pa kaya?

Nilingon ko ang likuran. At pinagsisihan kong tiningnan ko iyon. Dahil sa likuran namin. May nakasunod na baboy ramo. Mataba at malaking baboy ramo!

Kaya't pikit-mata kong mas tinulinan pa ang pagtakbo.

Parang pinagsisihan ko tuloy na iniwan ko si Mama sa bahay. Ilang beses niya na akong sinabihan na delikado ang kagubatan pero tumutungo pa rin ako dito.

Habang tumatakbo ako ay nagdarasal akong sana hindi kami abutan ng baboy ramo na iyon. Tiyak na lalapain kami at gagawing tanghalian ng baboy na iyon. Mataba pa man din si Botyok. Kaya nga hirap na hirap siyang tumakbo.

At tungkol nga pala kay Botyok. Ayon! Natumba!

“Naku po!” Namimilog ang mata na nakatingin ako kay Botyok na nakahandusay sa damuhan at papalapit na ang baboy ramo sa kaniya.

Kaibigan namin si Botyok, kaya dapat hindi namin siya pabayaan. Hindi napansin ni Tuto ang pagkatumba ni Botyok kaya tuloy-tuloy lang ang takbo niya. Kapag tinawag ko naman si Tuto ay tiyak na tatlo kaming malilintikan ng baboy ramo na iyon.

“Naku naman!” Hirap na hirap ang kalooban na binalikan ko si Botyok.

Sa takot ay hindi na siya makatayo. Nanatili na lang siyang gulat at namumutla habang nakatanaw sa baboy ramo sa unahan.

Dark Obsession / Dark Plans - tagalog (on-going)Where stories live. Discover now