Chapter 5 - Dark Plans

1.5K 45 13
                                    

Nagmamadali ako sa may kusina nang makarating ako. Panay ang lingon ko sa likod at sa paligid. Naniniguro akong wala si Diego. Lalayuan ko si Diego katulad ng gusto ng ng Kuya niya. At mahihirapan akong ignorahin siya kapag nandiyan siya. Napabuga ako ng malalim na hininga nang mapagtantong wala pa si Diego. Mabuti naman.

"Oh, ang aga mo yatang nagdala ng itlog?" puna ni Mama.

Malamang aagahan ko kasi alam kong hindi pa nakakarating si Diego no'n dito. Nasa sa school pa 'yon tiyak.

Agad kong inilapag sa counter top ng kusina ang basket ng itlog. Napansin kong abala at tila wala pa sa sarili si Ate Detas. Nagbabalat ito ng sibuyas.

"Marami na 'yan, Detas. Dalawang bola lang ng sibuyas ang sinabi ko sa'yo," si Mama na sinilip ang ginagawa ni Ate sa may sink.

"Ay! Dalawa lang ba? Naku! Sorry, sorry." Napasapo sa noo si Ate Detas.

Napapailing si Mama. Kumuha ako ng tubig sa poso para uminom at kalmahin muna ang sarili. Kagagaling ko lang sa nakakapagod na pagtakbo para lang makarating agad dito sa mansion. Hindi na ako sumakay sa mabagal na kariton ng kalabaw kanina, kaya hiningal talaga ako.

"Yan kasi. Pinagdala ka lang ni Senyorito Damien ng pagkain sa taas naging ganiyan ka na. Isumbong kaya kita sa Mama mo?" Pinanlakihan pa ni Mama ng mata si Ate.

Namilog naman ang mata ni Ate sa gulat. "Ate naman. 'Wag naman gano'n!"

"Ay naku! Sinasabi ko sa'yo. Sabi nang tigil-tigilan mo na ang 'pagpapantasya kay Senyorito Damien. Tama ang mama mo. 'Wala kang mapapala do'n. Katulong lang tayo rito dapat na'ting ilugar ang sarili na'tin. Huwag na tayong mangarap ng imposible." Mahabang lintanya ni Mama na parang anak niya ang pinapangaralan niya.

Napatingin ako kay Ate Detas. Natahimik si Ate dahil sa sinabi ni Mama. Halatang nasaktan siya sa sinabing iyon ni Mama. Siguro ganoon niya nga kagusto si Senyorito Damien.

Akala ko ako lang ang nasa ganoong sitwasyon. Sa tingin ko ay pareho kami ni Ate ng sitwasyon. Gusto ko rin makipaglapit kay Diego pero bawal. Kung bakit kasi bawal makipaglapit ang mga mahihirap sa mga mayayaman? Hindi ko maintindihan.

Bumaba ako sa highstool at hinugasan sa sink ang baso na ininuman ko. Saka ako nagtungo sa pinto tungo sa likod.

"Sa likod ka na ulit maghintay, Inneya." Si Mama.

Nilingon ko si Mama. "Pwede bang mauna na ako ngayon, Ma?"

Kunot noong nilingon ako ni Mama. "Ha? Hindi ka na maghihintay?"

"Opo."

"Makikipaglaro ka na naman sa gubat? Ay naku! Ang tigas talaga niyang ulo mo. Sabi 'kong hindi ka na ulit maglalaro doon."

Bahagya akong umiling. "Mag-aaral po ako."

Doon parang nakarinig ng kung ano si Mama dahilan para manlaki ang mata at nilingon ako. Kung magulat naman siya diyan dinaig pang nanalo siya ng lotto.

"Mag-aaral ka? May sanib ka ba? Bilog ba ang buwan?"

Napabusangot ako sa sinabi ni Mama. Napansin kong pinipigilan ni Ate ang tawa niya habang naghihiwa ng kamatis.

"Opo," ani ko sa mahinang boses.

"Oh... hala ikaw ang bahala." Medyo alanganin pa si Mama. "Maaga kang magbukas ng ilaw sa sala at labas, ha. Alam mo namang madilim sa daan malapit sa bahay."

Tumango lang ako at nagtuloy na sa paglabas. Mula sa garden ay dadaan ako sa kwadra at dadaan din ako sa maluwag na patakbuhan ng mga kabayo na may nakapalibot na kahoy na bakod.

Dark Obsession / Dark Plans - tagalog (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon