Chapter 10 - Dark Plans

1.6K 53 18
                                    

Para akong sinilaban nang marinig ko iyon. Tila pakiramdam ko, kialangan kong iwasan siya sa pagkakataong iyon. I went to the town just to get away, feeling like I was hiding from something, even though I didn't know why I was avoiding him. Hindi ako nagdalawang isip na talikuran siya at mas piniling huwag nang pakinggan ang iba niya pang sasabihin.

Tulala na pinagmasdan ko ang mga batang naglalaro sa maalikabok na kalsada. Hindi nila alintana ang init. Parang ang saya-saya ng nilalaro nila. Tipid akong napangiti sabay simsim ng softdrinks sa straw ko. Naalala ko ulit ang mga katagang sinabi ni Diego.

Ako ang dahilan kung bakit niya nagawang tumagal sa ibang bansa. Nabanggit niyang nagtiis siya. Bakit siya magtitiis? Di ba at iyon ang pinangarap niya simula noong bata pa kami? Bakit sasabihin niyang pagtitiis ang ginawa niya? Hindi niya ba nagustuhan ang ginawa niya sa ibang bansa kasama ang kapatid niya?

Wala naman ako doon. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya sa ibang bansa no’ng nandoon siya. Posible ba na magbago ang mga gusto niya sa buhay? Posible ba na ang dating mga gusto niya’t pinangarap ay ayaw niya na ngayon? Napabuntong hininga ako. Maging ako ay hindi ko masagot ang katanungan kung bakit kailangan ko siyang layuan ngayon. Kaya’t papaano ko nagagawang isipin pa ang mga pangarap niya?

Inubos ko ang softdrinks ko at ganoon din ang tinapay. Balak kong magtungo sa playground ngayon. Iilang bata ang naabutan ko doon. Malapit iyon sa malaking ilog ng Nieves. Naupo ako sa gutter at pinagmasdan ang unahan. Inubos ko ang natitirang oras ko sa paglilibot. Ngayon ko lang nagagawa ito. Madalas akong nasa mansyon lang ng mga Harvoc.

Gabi na nang makauwi ako. Sinakto kong mga bandang 9 ng gabi na ako makauwi para hindi maghinala si Mama. Kaarawan ni Madam Saonna ngayon kaya magtataka siya kung bakit ang aga kong nakauwi gayong siguradong magiging abala ang lahat ng tauhan sa ginagawang kasiyahan.

Paniguradong ini-expect niyang mas gabi pa sa alas nwebe ang uwi ko. Magdadahilan na lang ako pagkarating na umuwi ako ng maaga o nauna na sa mga kasama ko. Ganoon naman ako madalas, e. Hindi ko kasi tepong magtagal sa mansyon kung hindi naman kailangan.

Nasa daanan na ako pauwi sa amin. Tahimik at madilim na sa parteng iyon. Kung hindi lang dahil sa ilaw sa labas ng bahay na abot hanggang doon sa daan ay baka hindi ko na maaninag ang daan.

Sanay na ako sa dilim doon at medyo namemorya ko na. Natigilan lang ako nang makarinig ng halinghing ng kabayo. Agad na sinalakay ng kaba ang dibdib ko sa napansin. Mula sa kadiliman ay humakbang palapit sa liwanag sa daan ang bulto ng lalaking pamilyar sa akin.

“D-Diego...”mahinang usal ko. Namamangha na pinagmasdan ko siya.

Nakasuot ng long sleeve na bukas ang bandang dibdib. Nakatupi ang sleeves hanggang siko. Matikas na tumayo siya sa harapan ko. Agad na sinalakay ako ng mamahalin niyang pabango.

“Inneya.” Mahina ang banggit niya sa pangalan ko pero umabot pa rin sa pandinig ko.

Bakit nandito siya? Hindi ba siya nagpunta sa kaarawan ng mama niya? Kanina pa ako nakaalis at iniwan siya doon sa ilalim ng puno. Tapos hanggang ngayon maabutan ko pa rin siya dito hanggang ngayon. Sa gitna ng kadiliman. Halatang nag-aabang sa akin na makauwi.

“Bakit nandito ka? Paano ang birthday ng-”

Natigilan ako nang humakbang siya palapit.

“Pumunta na ako. I greeted her and go. Maintindihan niya.”

Napanganga ako. “Pero importanteng nandoon ka.”

“But you're more important, Inneya.”

Mas lalo akong natigilan. Anong importante sa pagpunta niya dito? Wala namang emergency. Walang kahit na anong dahilan para mag-stay siya dito ngayon at hintayin ako.

Dark Obsession / Dark Plans - tagalog (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon