Chapter 7

7 1 0
                                    

Chapter 7

JM's POV

So, yun, after nilang magtawan ay natulog nalang po kami. Bali yung dorm room nila kuya, talbog pa ang simpleng bahay. Dalawa yung rooms, si Kuya Ren at Alex sa room ni Kuya Ren tapos kami naman ni kuya ko sa room niya. May couch din sa loob ng room ni kuya kaya ayun, dun nalang daw siya matutulog ayaw niya naman daw na di ako maging comfortable sa pagtulog ko. Ang bait talaga noh? Hahahaha. Pero, seryoso, si Kuya kanina? Parang di lang siya. As in, parang The Other Side ba. Hahahaha.

Marami pala akong hindi alam kahit sa sarili kong kuya. Alam kong mabait siya, napakacaring, napaka-understanding, napakalambing pero di ko pa nakikita si kuya na super makulit tapos kanina parang naiinis na siya tapos parang magagalit na pero si Kuya Ren, di umaawat sa pagjo-joke. Hahahahaha. Ang kulit lang eh.

"Jeeeem, tulog ka na?" Biglang nagsalita si kuya. Haha. Akala ko nakatulog na to. Mapagtripan nga.

"Opo. Tulog na." sabi ko sa boses na parang nakatulog na talaga. Hahaha.

"Loko ka 'incess. Hahaha." Incess kasi tawag niya sa akin minsan. Ako daw kasi yung younger princess niya tapos minsan, binabad-trip ko yan. Basta sinasabi niya na ako daw yung younger princess niya, tinatawag ko siyang elder princess. Kaya ayun, sinasabi niya na di daw princess, dapat daw prince. Pero, siyempre, bata pa ako nun. Hahahaha.

"Nasira beauty sleep ko kuya. Tulog naaa. Ta mo yang orasan oh. May bukas pa at may klase pa bukas." kasi naman eh. Napasarap usapan namin tapos yun nagdecide nalang sila kuya Ren na dito na muna kami magpapalipas ng gabi tapos bukas na daw namin hanapin yung dorm rooms namin ni Alex. Tutulong nalang din daw sila. Kaya ayun, dito nalang muna kami and since bago lang din kami ni Alex, makukuha lang namin yung school uniform namin sa locker namin.

"Okay lang ba talaga sa'yo Jem na magpanggap ka? I mean, di parang naha-harass mo sarili mo niyan?" concern could be traced on my brother's voice. Kahit na kasi alam niya na nabu-bully ako sa old schools ko, may expectation pa rin siya na someday talagang matatanggap ako, but, unfortunately that never happened.

"Okay lang to kuya. Atleast, kasama kita tapos may kaibigan na rin ako, si Kuya Ren tapos si Alex." pero, di pa talaga officially friends ni kuya Ren pero sa mga napag-usapan namin kanina, maco-consider ko na rin naman siya diba? Kasi para sa akin, that conversation earlier is a friendly talk and I badly need someone like kuya Ren din eh. Yung nakaka-intindi sa mga feelings ng iba, yung nagco-consider muna sa ibang tao bago gawin ang isang bagay.

"Oh nga naman. Kahit na gustuhin ko man na matanggap ka sa mixed society pero naman kung palagi ka lang maapi dun, mas p-prefer akong dito ka na lang sa tabi ni Kuya para mabantayan kita, maalagan at mapagtanggol. Tapos, tama. Andyan na rin si Ren at si Alex, mga tunay mong kaibigan. By the way, paano pala kayo nagkakilala ni Alex? Ang alam ko kasi sa'yo, di ka masyadong nagsasalita o nakikipag-usap lalo na sa di mo kakilala pero, nalaman ko lang na may kaibigan ka na? Type mo ata yun eh!" kita mo tong kuyang to. Mang-iinis yan, klaro na.

"Di kuya. Siya yung lumapit sa akin nung umupo na ako sa seat ko sa room namin. Bigla siyang lumapit tapos nagpakilala tapos yun na, friends na kami. Kinuwentuhan niya ako kung gaano ka karespetado dito sa Cifford tapos lahat-lahat na. Hahahahaha. Wala ka kuya! Buking kaaa! Ang sama mo ah! Di mo ako shini-share-ran niyang mga yan." kasiiiii. Nakakapagtampo ho yun! Pero, onti lang, as in onti, yun bang parang ATOM lang sa kaliit, swear! Di ko yata kayang magalit ng sobra sa kuya ko eh.

"Ahh...ehhh.. Diba nga, di ako nakakauwi sa atin, lagi nalang tayong nagtatawagan simula nung pumasok na ako dito, this summer nga lang ako nakauwi ng medyo may katagalan sa atin kasi magfo-fourth year na ako at busy na rin sa mga agency na gustong kumuha sa akin. Alam mo na, parang show business dito imbis na maging skwelahan kaya yun. Tapos, di rin pwede umuwi palagi baka kung ano ang mangyari, maraming hostage-taking ang nangyayari na ang mga hino-hostage ay mga students ng Clifford, mahirap na, mabuti nang sigurado na safe palagi. Tight ang security ng campus kaya di madaling mapasok ng mga kung anu-anong gangs. Safe kami lahat dito." kaya naman pala. Mabuti na nga lang din at dito nalang para sigurado, hhmmm. Tama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All Boys School's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon