Chapter 4

308 13 1
                                    

Chapter 4

JM's POV

My first day went well. Alex is such a funny friend, lagi siyang nagpapatawa pero minsan nagiging seryoso yan pag may naririnig na bulung-bulungan especially yung topic na kino-compare ako kay kuya. They're expecting something from me too. Pero, di naman ako war freak at di din ako masyadong vocal kaya I'll be probably simple here.

School's over for this day. It's not tough naman, probably simple pa rin para sa akin. I made one friend today. Well, that's very helpful din. At least I know someone who knows a lot about the school.

"Em, JM, anong number ng dorm mo?" tanong sa akin ni Alex.

"?" dorm number? Diba uwian na? Susunduin naman ako para makauwi ah?

"Dorm number! Di mo pa alam?"

"Ay nga pala. tsk. nakalimutan kong tingnan. Teka." Aysh. Oh nga pala. Clifford student na nga pala ako ngayon. Nakakaligtaan ko pa rin eh. Di pa ako masyafong sanay. Dali-dali kong kinuha yung form na kinuha ko dun sa principal's office kanina. Nakalimutan ko talaga. Haay. Nubayan.

Hanap.

Hanaaaap...

HANAP.

HANAAAAAAP!

Ay sa na yun pumunta?

"Di ko mahanap form ko."

"Ayhala. san mo nilagay?"

"Di ko alam. Basta ang pagkaka-alala ko, nilagay ko lang dito sa bag ko yun kanina after akong hinatid ni kuya sa room natin. Balikan na nga lang natin sa room."

"Sige. Pero, bilisan natin kasi sinasarado yung room at 6."

Bumalik na kami sa room. Nagmamadali kasi baka nga masaraduhan pa. Lagot. San ako matutulog pag di ko nakuha yun?

Nakarating na kami sa room. Pero, wala sa seat ko eh. San kaya? Hinalughog namin yung room. Sa trash can, wala. Sa broom stand, wala. Sa teacher's table, wala. Sa ilalim ng mga desks, wala. AAAAAAAAAAAAAAH! Kinakapa-kapa namin sa ilalim, nagbabakasakaling andun. Pero, wala.

"Wala talaga JM eh."

"Oh nga eh."

"Pano na yan ngayon?"

"Di ko alam. Baka makikitulog na lang muna ako dun sa room ni kuya."

"Hala. Pero, may dormmate din siya eh."

"Baka sa banyo na lang ako matutulog."

"Grabe naman. Di ka naman papabayaan ng kuya mo. ambait kaya nun."

"Well, maybe. Malamang. Di ko alam. Pero, alam kong mabait yun si kuya. :) "

Biglang may nagpatay ng ilaw, tapos sunod naming narinig ang pagsara at pagtarangka ng room door. Hala patay. Nasarhan ata kami.

We rushed into the door. Sinubukan naming buksan pero, wala talaga eh. Pano na yaaaaaaan? It seems like dito na KAMI matutulog ngayon. Imbis na ako lang yung namo-mroblem kung san matutulog, nada,ay pa tuloy si Alex. Tsk. Whattaday. Akala ko pa naman simple lang ngayon.

"Em, tawagan mo kuya mo."

"Yeah, good idea."

Dali-dali kong hinalungkat yung bag ko in search for my phone. Madilim eh. Pero, sa ilaw ng phone ni Alex, at least, may naaaninag ako ng konti sa mga gamit ko. Pero, wala dun ang phone ko. San na ba nagsi-alisan ang mga gamit ko? tsk

All Boys School's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon