All Boys School's Princess

1.3K 24 0
                                    

Babae nga ako, pero, bakit parang palagi nalang akong kinakalaban ng mga babaeng mga kaklase ko? Tssss. Babae nga ako, pero, bakit palagi na lang akong nagiging cast out? Babae nga ako, pero, bakit mga lalaki ang nakaka-intindi sa'ken? Babae nga ako, pero, bakit parang hindi ako tanggap ng mga babaeng mga kaklase ko? Babae nga ako, pero, bakit? Bakit mas gusto ko na lang magpakalalaki? Tsss. Mundong umiikot, sana'y wag mo akong pabayaan.

~

Ako nga pala si Jed Merlyn Scott. JM for short. Babae ako. Oo, BABAE NGA AKO. Ang epic ng mundo ko. Pangalan pa lang, ay, hindi, pati palayaw pa nga, panlalaki. Pero, sa tingin ko, hindi lang yan ang dahilan kung bakit ayaw sa'ken ng mga babae. Sa tingin ko, mama ko na lang ang hindi umaayaw sa'ken eh. Epic diba? Tss. Kung ganito lang din ang mangyayari, sana nga naging lalaki na lang ako. Ako na yata ang taong bitter, cold, at inis na inis sa mundo. Tsk. Di ko naman ginusto ang ganito eh? Di naman sa pagmamayabang ah? Pero, maganda naman ako?? Nakakasabay naman ako sa uso ng mga babae ah?? Pero, bakit parang hindi nila ako matanggap?? Ano bang iba sa'ken? tsk. At lilinawin ko lang ah, hindi po ako half. Di ko po alam kung bakit 'Scott' ang apilyedo namin eh ang parents naman namin ay Pilipinong-Pilipino. At kahit 'Scott' apelyido ko, imbis na magmukha akong foreigner na blonde yung buhok, ay nagmukha akong Koreana sa features ng mukha ko. Masisisi niyo ba ako? Lumaki ako sa Korea eh hanggang Grade 3 at walang pinagka-iba ang mga babae dun sa mga babae dito. Ansusuplada. Ako lagi ang api. Ako lagi nabu-bully. Nagtiis din ako ng ilang years dito sa Pilipinas na binu-bully'bully palagi.

Kaya naman, napagpasyahan kong pumasok sa isang exclusive school for boys dito sa Pilipinas na pinapasukan ng kuya ko. Si Jayden Renz Scott. Ang pinaka-caring na tao na talagang pino-protektahan ako. Taka kayo kung bakit ako papasok sa school niya? Kasi mas mabuti ng nandun ako kesa api-apihin ako sa schools na mix yung students. Ba't hindi sa girls school? kasi nga mga lalaki nga lang umiintindi sa'kin di ba? Tingin nga sa akin nung iba ay tibo eh. Ay hindi, scratch that thought, tingin nila sa'kin ay tomboy. Baka nga yung iba, lalaki na tingin sa'ken eh. Psssh. Kaya dun na lang ako sa exclusive school na yun dahil nakakasiguro naman ako na matatapos na ang pag-rereject sa akin sa society kasi nga all boys school na papasukan ko. Atleast, dito, hindi na ako mapupunta sa sulok ng society diba? Papasok ako sa school na yun gamit ang tunay kong pangalan, panlalaki naman kasi kaya bagay lang. :) ang magbabago lang ay ang anyo ko. Wala namang problema sa katawan kasi plain ako. As in plain talaga. Flat-chested kasi ako. Kaya mas madali sa akin ang pumasok na lang sa school ng kuya ko.

Sana maging mabuti ang pakikitungo ng mga magiging kaklase ko at pati na rin schoolmates, lalong-lalo ng roommate ko.

~~~~~~~~

Paano kung may maka-alam na nagpapanggap lang si JM na lalaki? Pa'no niya ipapaliwanag sa mga students ang dahilan ng pagpasok niya? Baka ang angkang tanging nakaka-intindi sa kanya ay hindi na maniwala sa kanya dahil sa pagpapanggap na gagawin niya.

~~~~~~~~

ano kaya ang mangyayari kay JM sa school na papasukan niya? Tanggapin kaya siya tulad ng inaasahan niyang mangyari o baka naman pahamak lang ang dulot ng pag-transfer niya sa all boys school na pinapasukan ng kuya niya? Lagot siya pag nagkataon, naka-dorm pa naman ang mga students dun. Good luck JM. Fighting! :)

Editing. 

All Boys School's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon