Chapter 6

503 17 6
                                    

Chapter 6

JM's POV

Badtrip talaga yun eh. Kakainis yung tao kung sino man yun. Natakot po talaga kami sa sunod na nangyari. Yun nga, si kuya yung unang multo tapos may sumunod pa po. Di ko alam kung sino, may pa takbo effect pa kasi yung multong yun eh. Pero tingin ko, yun yung may kagagawan sa lahat ng kamalasang nangyari sa first day ko dito sa Clifford. Kung sino ka man, magpakita ka na! Okay, OA na po ako. Nasobrahan sa horror. Kasi naman, ang magaling kong kapatid eh. Next time talaga, di ako tatakbo, hahampasin ko talaga yung mananakot with special kick, special punch, special batok, special halo-halo, special bulalo, special adobo, special linaga, special------. Tama na, naging pagkain na eh. Ang sarap naman pag ganun gawin ko, busog yung mananakot. AYSH! Gutom na'ko! UGH! GUTOM LANG YAAAN! Kain na nga muna kami.

Nandito kami ngayon sa dorm room ni kuya. Ang gara nang dorms dito, parang bahay na rin. Da-dalawa din yung kwarto sa loob ng kwarto. Ohdiba? Ang gulo. Pero, yun nga, tapos parang may sala pa tapos may kitchen pa talaga. Ang gara ho! Sila na talaga. Sana ganito rin yung dorm room ko. Speaking of, MYGAD, di ko pa alam san hahanapin yun.

"Kuya, di ko pa pala alam san hahanapin dorm room ko." sabi ko sabay kamot ulo. Kasi naman eh. NAWAWALA PO YUN! At YUN! Ang dahilan ba't kami na-lock up sa classroom namin. at YUN! Ang dahilan kung bakit nalaman kong nawawala na din pala ang cellphone ko. At YUN! Ang dahilan ba't kami tinakot ni kuya. At YUN DIN! Ang dahilan kung bakit may tumakot sa amin kanina. Tsk. Talk about a whole day widely-opened eyyes nightmare. Ang saya po. Try niyo kung may chance! Para naman ma-experience niyo yung na-experience kong saya.

"Ba't ba kasi nawala yung form mo?"

"Malamang may kumuha nun. Napagdiskitahan." opinyon naman netong si Alex. Ang takaw kumain ah.

"O baka naman, nakalimutan mo talaga JM?"

"Kuya naman! Alam mo namang maingat ako sa mga gamit ko lalo na yung mga importanteng bagay diba?"

"Nga naman. Hahaha. Pero, ang ulyanin mo rin si---, I mean bro noh?" MUNTIKAN! whoaaaa! Nubayan! Muntikan na naming makalimutan na di lang kami nandito sa dorm room ni kuya. Andito si Alex tsaka si Kuya Ren Monteverde, dormmate ni kuya. Ang bait niya. Praamiiiiiis! Nakaka-amaze. Gwapo siya, swear, at marunong siya magluto. Siya nga nagluto netong kinakain namin ngayon eh. Nilaga! Special Nilaga! Ay hindeeee, Super Special Nilaga! Ang sarap talaga! Sarap i-uwi netong si Kuya Ren! :D sana ganun din kabait ang ibang students dito.

"Nawala na nga files ko may time ka pa manlait kuya? Ambait mo naman kapatid! Whooo! Clap! Clap!" nag-slow clap pa ako na nilapit ko sa mukha niya. Tumawa lang naman siya. Grabe naman tong kuya ko. Linait pa po talaga ako. Sige, ako na ulyanin, ako na. Ay hindi, kami na ni Alex, kami na.

"Oh nga! Ang ulyanin mo, ano ba ginawa mo after mo makalimutan ang files mo sa principal's office kanina?"

"Binalikan ko sa loob."

"Tama, tapos?"

"Lumabas ako, tapos, hinatid mo ko sa room ko..." -ano pa nga ba ginawa ko? San ko ba Yun nalagay? Sino ba yung may dala nun? WAIT! 'Sino ba yung may dala nun?' TAMA!

"Ang magaling kong kapatid ang may hawak-hawak nun at nakalimutan niyang ibigay sa akin dahil sa kanya ko na-mana ang pagka-ulyanin ko! TAMA! Yun, yun! Kuya, asan na?" Akala niya ha? Laitan gusto ng kuya ko? Sige, laitan! Magaling ata ako sa ganyan! Lagi ko nga yang naririnig yang mga lait na yan eh, kasi lahat patungkol sa'ken. Ba't naririnig ko? Malamang kasi humina na pag-iisip ng mga tao at kung maka-lait ngayon ng pabulong, harap-harapan na at naririnig pa rin ng taong nilalait. (Aysh, tama na nga tong panlalait na to. Pati ako, nanlalait na eh.)

All Boys School's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon