Chapter 5

352 13 0
                                    

Chapter 5

JM's POV

Alam mo yung ilang oras kang naghintay para ma-rescue sa pagkaka-locked up sa isang room ng isang napakalaking building ng isang napakalaking campus? Kainip eh. Kanina pa namin sinubukang i-contact si kuya pero di sumasagot. Anong kabulastugan ba ginagawa nun ngayong oras na to? Monday pa ah. First day of school tapos busy na agad siya? Nubayaaaan? tsss.

"I guess dito na talaga tayo matutulog ngayon." matamlay kong sabi sa kay Alex. Grabe namaaan. Ang malas. Tsk. Grabe naman kasi. Kung sino man yung nagsara ng room! Di man lang chineck kung may tao pa ba o wala na. Pero, mas grabe yung nagtago sa documents ko! Ansama nila! Pero, wala na eh. Ako si tanga na pinabayaan ang gamit niya. Kaya, balik din sa akin yung sisi. tsss.

"I guess so. What a long day for us, new faces of Clifford. Hahaha." nakitawa na lang din ako. Totoo naman kasi. This has been a long day, a long first day. For US. Dinamay ko pa talaga siya. tsk. Hay nakoooo, konsensiya.

"Okay lang ba sa'yo na dito sa room lang matulog? Ni walang maayos na mahigaan dito oh. Ang kalat ng room. Andaming dumi. " Eh totoo naman eeeh. HALOS mapuno nga ng dumi tong room eh. Tsk. Ano ba yan? First day oh. FIRST day. Pero, tingnan mo andaming nangyari. First, muntik ko ng makalimutan yung about sa papers ko dun sa Principal's Office. Second, pagpasok ko sa room ko, kahit umagang-umaga, ang kalat na, yung mga upuan, kung saan-saan na lang nalalagay. Third, isa lang nagawa kong kaibigan, well, kasalanan ko naman kasi di ako masyadong vocal. Fourth, pinagtitinginan kami kanina nung lunch break like celebrity which I don't like. Fifth, nawala yung papers ko kani-kanina lang. Sixth, na-lock up pa kami sa room. Seventh, sinubukan kong i-contact si kuya, pero, wala din pala sakin ang phone ko. Eighth, kino-contact namin si kuya through Alex' phone pero di sumasagot. Ninth, kung walang makakahanap sa amin dito, dito talaga kami matutulog. And TENTH! Kung dito kami matutulog, walang maayos na parte ng room ang pwede matulugan tapos ang kalat-kalat at ang dumi pa! Sinong matinong tao di mababaliw pag ganitong kamalasan maranasan sa isang araw?! Ehdi, ako. Tss. Ako na nagjo-joke ng walang benta.

"Para namang may choice pa tayo diba? Haha. Kasi yang kuya mo, di sumasagot. Baka kung ano-ano na pinanggagawa nun."

"Di mo naman siguro pinapalabas na may kabulastugang ginagawa kuya ko diba?" I said while shooting him a death glare.

"Hoohooo. Chill JM. I didn't say that...AND, I'm not going to say that." he said making an "X"-sign with his two hands. Taga-Wakanda ba 'to? Seriously, para talagang bata 'tong lokong 'to. Haha. Baliw lang.

"Tss. Subukan mo ngang i-contact ulit si kuya, baka naman kasi nag-aral lang kanina kaya di sinagot yung tawag mo kasi unknown number rin at di gusto ng may distractions." -napatango naman siya dun sa sinabi ko.

"Oo nga noh? Haha. Text ko muna tapos tawagan ko."

"Mabuti pa nga."

Nagpipindot na si Alex sa phone niya tapos biglang nagda-dial na. Tumatawag na siguro. Sana naman sumagot ang magaling kong kapatid.

Maya-maya pa...

"Ano, uhm, kuya JR, si Alex to, kaklase po ako ni JM. Uhm, na-lock kasi kami ni JM sa room namin eh..." ni loud speaker niya ata kaya rinig na rinig ko ang OA na reaction ng mabait kong kuya. Hanewbeyeeen. at teka, nakiki-'kuya' tong si Alex ah.

"Whaaat?! Okay lang ba kayo? Eh, si little s---, si JM?! Okay lang ba? Ba't kayo napag-sarhan? Ano ba kasi ginagawa niyo diyan? Alam niyo na naman siguro na ni'la-lock yung mga rooms at 6 diba?"

Ta'mo to. Muntikan pang mabuking. Si kuya talaga, ang OA pagdating sa akin. Haaay. Pero, at least, caring siya.

"Okay lang naman kami kuya JR. We're fine. Yun nga lang, nasarhan nga kami tapos wala ng ibang taong pwedeng tumulong sa amin kaya naisipan naming i-contact ka pero ngayon ka pa kasi sumagot eh."

All Boys School's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon