Chapter 2

366 14 4
                                    

Chapter 2

JM's POV

Pagkalabas ko ng office hinatid na agad ako ng kuya ko sa room ko. 183.

"Oh, pa'no ba yan baby----..." -di ko pinatapos sa pagsasalita si kuya. Mabuking pa kami, tsss.

"Ah, uhmm. Sige, pasok ka na BRO." sabi ni kuya na pinagdiinan pa talaga yung 'bro' sabay wink. Kakit kailan talaga. Nginiti-an ko na lang siya pagkatapos ay pumasok na.

Grabe! Grabe talaga. As in 'HUWAAAAAW'! Kung gaano ako na-amaze sa mga buildings at surroundings ng school na ito, ganun rin ang kataas ng pagka-disappoint ko sa room 183. Hindi dahil sa size ng room, ang lawak kaya. Ang kalat kasi! Tsk. Well, what do I expect from boys. Ang actions nila ay kasing dumi ng ugali nila. Ano pa nga bang pinagkaiba? No offense sa iba ah? Pero, ganyan ang karamihan eh. Ang hilig maglaro ng basketball kaya ginagawa ng pang-exercise sa umaga tapos kung tapos na maglaro, uuwi at hihiga diretso. Seriously, di ba nila naisip? Ambaho kaya.

Ang Room 183 parang storage lang yung dating eh. Madumi, ang kalat. Parang pag nalagay ka dito, patapon na buhay mo. tsk. Parang, walang matino dito kahit isa eh. Pero, mabuti na rin. Parang ang motto sa room na 'to ay, 'mind your own business'. Weeeeeeee. Kung ganito lang yung ibang schools ko, edi, ang saya sana. Tss.

I didn't mind introducing myself sa harap nila. Kahit gawin ko yun, wala naman silang pakialam eh. I ain't one of their business or something so better shut up na lang ako. Naghanap ako ng vacant seat. Saktong may vacant seat sa may likod tabi nung bintana. That place caught my attention not because of the view na pwede kong matanaw sa labas kundi dahil sa isang guy na nasa harap nung vacant seat na yun. May headphones siya tapos nakaharap lang siya sa labas dala yung gitara niya. I can simply call him a calm and mysterious guy. Ang peaceful niyang tingnan di tulad nung iba, parang baliw.

Nagtungo na ako sa vacant seat na yun. Alam kong nakikita ako ng mga bago kong classmates but they seemed to pay me no attention. Haha. Well, that's better. :)

Naupo lang ako sa chair na yun ng biglang may lumapit sa'ken.

"Bago ka lang dito?" may mabait at matino pa rin naman sa kanila kahit papano.

"Ah, oo." matipid kong sagot sa kanya. Hindi naman sa snob ako but it's just that nabo-bother ako dun sa mysterious guy kasi parang walang lumalapit sa kanya kahit calm naman siya eh. Nahihiwagaan lang ako.

"Ah, by the way, Alex nga pala." Alex. atleast may makaka-usap na ako dito except sa brother ko. haha. Mabait niya sa'kin eh.

Nag-abot siya ng kamay kaya tinanggap ko, baka mangawit pa 'to.

"Jed Merlyn Scott. JM na lang. :) " yun lang sinabi ko. di naman talaga ako snob. Pramis yan. Matipid lang ako sumagot. Sa bahay lang ako nagiging madaldal.

"From what school ka galing?" tanong niya. Kahit papano di na ako na'o-OP sa room na'to.

"Ah, sa, ano, Truth Academy." ngumiti lang ako sa kanya.

"Ah, galing ka pala sa isang mixed school? Ba't ka naman nagtransfer dito sa Clifford? tanong niya sa'ken. Di ko pa ba nasabi yung pangalan ng school ni kuya na bagong school ko?

Ah, sorry kung ganun. Clifford High. Pramis ko sa inyo, maganda 'tong school na'to. May mga ka-partners ang school na'to. Parang business lang noh? Pero, ang maganda diyan eh yung mga partners na'to ay nagbibigay daan sa mga students na ma-share sa bansa, ay, de joke, di lamang sa bansa kundi sa buong mundo ang talent ng mga students dito. Sa sports at modeling ang talagang nagco-compete. Pati na rin pala ang music industry tsaka yung pagsasayaw. I swear na talagang ang mga nakakapasok sa school na'to ay blessed. Swerte nila kasi baka one day, isa sa friends nila ay makilala sa buong mundo, oh, di kaya baka once upon a blue moon, baka sila pa mismo ang sumikat. HS pa nga lang pero may future na. Ang hirap kaya makapasok dito. Kailangan magaling ka kahit isa lang sa mga yun. Buti na nga lang at gifted ako kaya naman nakapasok ako. Sa pagkanta at pagsayaw ako napasok. Para ngang timang eh kasi school naman papasukan ko pero parang nag'au-audition ako sa isang talent show. Nakwento lang ni kuya 'to, at dun ko lang nalaman kung bakit kailangan ang ganun sa school na'to. Ano kasi, may mga clubs din dito as usual at kung maging, you know na, maging sikat ka baka may kukuhang company sa'yo or sponsors para sumikat ka. Sila ang susuporta sa'yo sa career mo. Ang gandang opportunity diba?

"Ah, ano kasi, bully. Oo, nabu-bully ako dun." totoo naman kasi. Nabu-bully ako dun. Di mga lalaki ang bully dun, kundi mga babae.

"Haha. Nabu-bully ka sa old school mo? Ba't dito ka pumasok? Di naman mga babae ang bully sa old school mo, eh noh?" tanong niya. Tumango lang ako.

"HAHAHAHA! Seryoso?! Nagpa-api ka?! Ang lalaki mo kaya! HAHAHA!" sabi nito na may dalang hampas sa likod ko. Hala sige, tawa pa hanggang malagutan ka ng hininga at mamatay ka na. Tss. Di ko naman pwedeng sabihin sa kanya na babae ako kaya tumungo na lang ako. tsk. Pinagtitinginan kaya kami dahil sa tawa nitong si Alex.

"Joke lang yun pre. Di ko lang kasi ine-expect na ganun pala. Haha. Pfffft. Sareeeh." sabi niya. Ngumiti na lang ako.

"Baka ma-bully ka rin dito. Tsk. Sana may connections ka sa school para nobody will dare to bully you. Marami-rami pa naman ang bully dito. tsk. tsk." sabi niya sabay iling-iling.

"I'll be fine. I can handle them. I can take care of myself." -sagot ko sa kanya.

"Yeah. I'll help you with that as well. Teka, ano nga ulit ang name mo? Haha. Nakalimutan ko eh. Haha." sabi niya sa akin. Napakamot siya sa batok niya. Haha.

"JM Scott. Makalimutin ka pala eh. Ulyanin 'to. Haha." sabi ko sa kanya pero di siya umimik. Nung tiningnan ko siya, halos magulat ako sa mukha niya. Onti na lang at lalabas na yung mga mata niya. Grabe naman. Sabihan lang na ulyanin ganun na agad ang reaction? Sorry naman.

...KATAHIMIKAN...

"Whaaaaat?! SCOTT?!!!

"Yup. Scott."

Are you related to JR Scott?" tanong niya. Haha. Nakakatawa, JR tawag nila kay kuya dito. Hahahaha. Jayd nga tawag ko dun kay kuya eh. Haha.

"He's my older brother." sagot ko sa tanong niya. Nanlaki pa ng sobra mata niya. Gusto ko na talagang tumawa pero, wag na. Hahahaha.

"What?!!! ARE YOU KIDDING ME?!" napasigaw ata siya. Bakit? May mali ba dun?

"Nope. I'm not. He's my brother." di talaga ata siya makapaniwala. Parang kung ano yung nakita niya. He's so U-G-H. Anyare?

"You're so blessed to have him as a brother. I swear, nobody will dare to bully you here. Good choice that you transferred to Clifford." sabi niya sa akin sabay tap sa likod ko. Aypoooosha pink. Ang lakas makahampas ng mokong, kanina pa talaga 'to.

"What? I don't know what you're talking about." Honestly, di ko siya maintindihan. tsk. Ang gulo.

"What? Weh? Di mo alam kung gaano ka respetado ang kapatid mo dito?" huh? Seriously BRO, anong nakain nito? grabe namaaaan.

"No. I don't know anything about my brother being so respected here to the fact na para na siyang hari dito." siya naman, di talaga ata maniniwala. tsss.

"Parang ganun na nga. Para nga siyang hari dito. Di siya kinakatakutan kasi kung siya magiging hari, di siya brutal sa mga nasasakupan niya." -uh, okaaay?

"Seriously? Anong pinagsasabi mo? I know my brother well, he's caring ang supportive. Pero, wala pa akong naririnig na parang hari-hari o ano." sagot ko sa kanya.

"Ambading mo naman magsalita. Para kang babae. Haha." Tsk. I should watch out for those demeanors of mine.

"Oy, wag ka nga. Upakan kita diyan eh." sabi ko sa kanya.

"Haha. Joke lang." sabi niya tapos nag peace sign pa.

"Pero, ano ngang meron sa kuya ko at respetado siya dito?" nacu-curious talaga ako.

"Di mo talaga alam?" tsk. Tinatanong nga eh.

"Magtatanong pa ba ako kung alam ko. Isip naman." Naman oh. tss.

"Haha. Sabi ko nga eh. Haha. Ano kasi, ang kuya mo ay-----------" naputol ang sasabihin niya. Pumasok na kasi ang 1st class prof namin.

"Aish... Mamaya na lang. Cafeteria tayo. Sasabihin ko sa'yo. Lahat-lahat." sabi niya tapos bumalik na siya sa seat niya. One seat apart lang kami. Nasa pinakalikuran din siya.

"Good Morning, class." -sabi ng prof. namin. At nagsimula na ang first class namin sa school year. I'm officially a student sa All Boys School na Clifford High. :)

~~~~~~~~~~~~~~~~

Editing.

All Boys School's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon