Chapter 21

48 14 8
                                    

TRIGGER WARNING!
This  chapter may tackle sensitive issues that are not suitable to all types of readers.
TRIGGER WARNING!

Jershey's POV

Iniisip ko pa din 'yong nakita ko kanina. Paanong nangyaring nandoon din siya? Nagkataon lang ba o talagang sinundan niya kaming pasadya ni Blythe? Pero bukod doon, mas iniisip ko kung bakit ganoon na lamang ang kabog ng dibdib ko nang makita ko siya. Ano na namang ginawa ko Ian? Ano ba talaga itong ginagawa mo sa akin?

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi sa bahay ko. Pagkaalis namin sa cafe nila JM ay agad na kaming umuwi. Sa karinderya na lang ako ni Ate Grace nagpababa dahil ayaw ko naman nang ma-hassle ang driver niya. Ligtas naman sa kanila ang pumunta sa lugar namin dahil nakapunta naman na siya ng ilang beses at siguradong mamumukhaan na siya ng iba. Ang problema lang ay baka may siraulong mangharang sa kanila na hindi siya kilala. Mahirap na. Madami pa namang loko-loko dito.

Masiyado na ding madilim ang paligid dahil sa nagbabadyang malakas na ulan. Kanina pang ganito ang kalangitan pero hanggang ngayon ay hindi pa din bumabagsak ang mga tubig. Sana mamayang gabi na lang para masarap matulog.

"Crush!" narinig kong sigaw malapit sa bahay ko.

"Oh Ace," saad ko at nagmadaling lumapit. Anong ginagawa niya dito? "Anong balita? Anong ginagawa mo dito?"

"I've been waiting for you here since afternoon," nakangiting sabi niya. "Ako na ang humihingi ng sorry sa nangyari kanina on behalf of Ian."

Unti-unting pumatak ang mabibigat na tubig galing sa langit. Agad kong pinapasok si Ace sa bahay ko para patilain ang ulan.

"Pumasok muna tayo," sabi ko.

Iginaya ko siya papasok sa bahay ko at pinaupo sa may sala. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig at biscuit na assorted. May ready akong biscuit lagi dito sa bahay dahil kapag wala na akong oras kumain dahil sa kamamadali o dami ng ginagawa ay ito ang pang-substitute ko.

"Pasensya ka na kung pinaghintay kita," saad ko. "Hindi ko naman kasi alam na nandito ka. Sana tinext mo na lang ako."

"No worries. It's okay."

"Pasensya ka na sa tubig at hindi malamig."

"Kanina ka pa nagso-sorry. Hindi ba dapat ako ang magsorry dahil pumunta ako ng hindi nagsasabi?"

"Walang kaso sa'kin 'yon. Mabuti nga at may ibang bumibisita," sabi ko.

Iilan lang naman ang bumibisita sa'kin dito sa bahay. Kung hindi si Jahzzel, ay si Ate Grace. Minsan naman mga kasamaan ko sa karinderya pero madalang lang mangyari. Minsan dumadaan din sila Bryan at ang iba pa naming tropa.

"May iba ka pa bang gusto? Palitan natin ng may kulay 'yang tubig mo." Kinuha ko ang payong sa bag. "Bibili na lang ako ng soft drinks. Anong gusto mo?" alok ko.

"No need, Jershey crush. Masaya at kuntento na ako dito sa binigay mo.  Basta't galing sa'yo, espesyal na para sa'kin."

Napangiti ako sa sinabi niya. How down to earth this man could be. Ibinalik ko ang payong sa loob ng bag ko.

"Pagpasensyahan mo na at wala akong ref." Natawa ako sa sinabi ko. "Ano nga palang ginagawa mo dito?" pag-uulit ko sa tanong ko.

"Let's go out of town," nakangiting sabi niya.

"Ha?" Hakdog. "Anong out of town ang pinagsasasabi mo?" tanong ko. Out of the blue ay nag-aaya siya. Hindi ko naman hinihiling pero nakakagulat lang para sa akin.

"Ako na ang babawi sa iyo sa lahat ng ginawa sa'yo ni Ian." Tumawa siya. "Narinig ko ang lahat ng sagutan ninyo kanina malapit sa parking. Nagkataon lang na nasa loob ako ng isang classroom malapit sa inyo."

Waves Of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon