CHAPTER 009

7 0 0
                                    

Kinabukasan nagising ako dahil sa ingay sa labas ng room ko and hindi na ako nagtaka kung sino sino ang mga iyon. Malamang sina Yohan iyon at sinimulan nang iligpit ang mga kalat na naiwan kagabi.

I can hear them laughing you wouldn't even know they have big problems because they always laugh, they always jokes but it doesn't mean that they're perfect as what I've imagined them for. Hindi ako gaanong nakatulog kagabi pagkabalik ko ng room ko dahil sa andaming tumatakbo sa isip ko–3am thoughts. So I decided that from this day forward I'll make it up with them, I want them to know that I'm willing to lend them a hand whenever they needed one.

Nagtimpla na ako ng kape at kumain ng tinapay, hindi na rin ako masyadong nakakapag online this passed few days. I don't know why, basta nagising nalang ako na hindi na big deal sa 'kin kung makapag online man ako o hindi. If maka-online edi okay, if hindi okay parin. Tinapos ko na ang pag inom ng kape ko at nagsimulang maglakad patungong banyo. Mabilis lang akong naligo at nagbihis, naglagay ng kaunting liptint at pulbo. After kong mag ayos hinanap ko yung cellphone ko at lumabas na ng room. Naglakad ako pababa balak kong pumunta ng ground floor para tumambay doon gusto kong bumawi sa kanila, alam kong hindi sila pumasok dahil malamang sa malamang may mga hangover ang mga yun.

"Iah?" takang tanong ni Yohan at kinusot kusot pa ang mga mata nito. Natawa naman ako sa ginawa niya. Siraulo talaga toh kahit kailangan.

"O iah?bakit ka nandito?" tanong naman ni Jonas.

"Pshh, malamang nandito ang apartment ko." bigla namang natawa si stone sa tabi nito. Tingnan mo to parang hindi umiyak kagabi ah.

"Boom! Bumalik na rin si iah sa wakas." singit naman ni Joey habang pumapalakpak pa. Na-miss ko talaga itong asaran nila.

"Hoy bato! Bat ka tumawa jan!?" asik nito kay stone na kunwari ay umayos pa ng pwesto.

"What? Bawal na ba tumawa?" balik na tanong nito kay Jonas. At bago pa man sila magpikunan ay inawat ko na. Mamaya maging isa pa akong witness of crime dito eh.

"Magsitigil na nga kayo. Mga siraulo talaga."  awat ko sa kanila at saka umupo sa tabi ni stone.

"Eh iah bakit ka nga naman nandito?Wala ka bang pasok?" tanong ni Yohan bago uminom ng kape.

"Wala lang, day-off ko kasi ka–" malapit na talaga akong mainis dahil sa hindi manlang ako pinatapos na magsalita ng mokong na toh.

"Talaga!? So pwede pala tayong gumala ngayon?" putol ni Jonas sa linya ko,

"Oyy!! Baki– iah?" tanong ni Nathan na kalalabas lang ng kwarto nito. Agad naman siyang nilingon nila Joey at sabay-sabay na napahagalpak ng tawa. Maging ako'y hindi ko na rin napigilang matawa.

"What!?bakit kayo tumatawa?" inis na tanong nito. Seryoso ba siya? I mean hindi ba dapat una niyang gawin pagkagising ay pumunta ng banyo at manalamin manlang. Ganoon na ba siya kasanay dito at basta basta nalang siyang nalabas nang hindi tinitingnan ang sarili?

"Nathan minamantsahan mo naman ang pagiging gandang lalaki natin niyan eh." tatawa tawang sabi ni Yohan.

"Okay na sana eh, gwapo ka, mapera, matalino. Dugyot ka lang." komento rin ni Joey at saka tumawang muli.

"Iah? Pati ba naman ikaw?" baling nito sa 'kin.

"What? hahahaha. S..sorry haha. N..nakakatawa ka k..kasi talaga." saka ako tumawa. Si Jonas naman hawak na ang tiyan sa kakatawa ni hindi na nga magawang makapagsalita.

At nang mahimasmasan na si Joey ay saka niya lamang inabutan ng salamin si Nathan. Inabot niya naman ito ng may nagtatanong na mukha.

"What the f*ck.. #$@&kxnsyq.." sabi nito at dali-daling bumalik sa loob ng room nito. Kawawang Nathan napag isahan ng mga kaibigan niya. HAHAHA

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Behind Every LIESWhere stories live. Discover now