CHAPTER 004

0 0 0
                                    


Hindi na sila nakalapit sa akin dahil kinausap sila nang mga lalaking kinamayan nila kanina. Narinig kong pumito ang isa sa kanila siguro magiging referee sa laro nila. Sana naman maganda yung magiging laro nila.

5 vs. 5 ang labanan ganun din sa kabila. Magsisimula na ang laro, si stone ang magto' toss ball hindi na masama dahil mataas naman siya, at hindi rin naman magpapahuli yung kabilang team. Mukhang magandang laban toh.

Nagsimula na ngang ihagis yung bola pataas, nice one team agad nila stone ang unang nakahawak sa bola. Nakakatuwa may ibubuga naman pala sila, ambilis tumakbo ni Yohan at nagshoot. Okay 2-0 na agad yung score. Nasa kabilang team yung bola sumenyas naman yung may hawak ng bola kung anung formation yung gagawin nila. Medyo may iilang nanood ngayon sa kabila pero, bilang lang.

Ang galing nila pareho, kapwa ayaw magpatalo, fight-fight, talagang dikit ang laban, 24-22 na ang score. Hawak na ni joey yung bola ngayon, What?? Ang layo niya masyado sa ring, papasok kaya yan? May mga sinenyas siya kay stone at hindi ko na nasundan ang sumunod na nangyari dahil nagring yung selpon ko, wrong timing naman, tumatawag si Gab.

Agad kong sinagot yung tawag at tumalikod sandali.

"Hello?" bungad ko dito.

"Oh? Mag online ka na magvi-video call na tayo. Sandali...teka asan ka ba? Ba't ang ingay?" tanong nito.

"Ah nasa-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil sa pagsulpot nina Yohan, tapos na yata yung game.

"Neziah, nanalo kami. That was so clo-" sinenyasan ko itong tumahimik dahil may kausap ako sa selpon na mukhang na gets niya naman at kunwaring nagzipper ng bibig.

"iah?? Sino yun?nasan ka ba talaga?" tanong ulit ni gab.

"Nasa BGC kasi ako." nakita ko ang pigil na tawa nila Yohan at Jonas. Mamaya kayo sakin, tumawa lang kayo jan.

"Saan naman yan? Sinong kasama mo?" tanong ulit nito, nakita ko namang sinenyasan ako ni Nathan na aalis na kami kaya't hindi ko na nasagot yung tanong ni gab at nagpaalam sa kanyang ibababa ko muna yung tawag.

Naglakad kami palabas ng court at panay kwento lang si Yohan, Jonas at Nathan. Nakikinig lang ako sa kanila at nakikitawa kung may nakakatawa. Hanep kasi magkwento tong sina Yohan at jonas kailangan with demonstration?Parang elementary lang.

"Maiba nga ako neziah--" I cut him off, masyado nga namang mahaba yung neziah, dapat sabihin ko na yung palayaw ko sa kanilang lahat.

"Wag na neziah, iah nalang." agad kong dugtong dito.

"Okay? iah... Whatever by the way, sinong kausap mo sa phone kanina?" ulit na tanong ni Yohan.

"Ah, si Gab." tipid kong sagot.

"Oh? boyfriend?" sunod niyang tanong.

"Hindi, kaibigan ko." sagot ko rito.

"Okay, so you don't have boyfriend??" tanong niya ulit. Ba't ba andami niyang tanong ngayon?

"Wala,sakit lang yan sa ulo." sagot ko habang patuloy kami sa paglalakad.

Hindi ko na siya narinig pang nagsalita ulit hanggang sa makarating kami sa... okay? Restaurant? Really?Wala pa naman akong pera ngayon.

Hindi na ako nakapagsalita pa nang hilahin nila ako papasok. Bahala nga sila. Naghanap na sila ng pwesto at umupo roon.

Bagsak balikat akong umupo doon at hinintay kung anuman ang sunod nilang gagawin.

"So? What do you want iah?" tanong ni Nathan.

"Wala akong pambayad ngayon, wala pa ako--" di ko na rin natapos ang sasabihin ko nang sumabat si Yohan.

Behind Every LIESWhere stories live. Discover now