CHAPTER 001

26 0 0
                                    

Neziah's POV

Mamaya na ang alis ko papuntang Maynila and halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kagabi ko pa tapos ang pag impake ng mga gamit ko, hindi naman kasi siya ganun kadami sakto lang dahil uuwi din naman ako, wala akong balak na manirahan doon.

So naihanda ko na rin yung ticket ko, 2GO ang sasakyan ko, hanggang Batanggas lang yun after nun magco'commute na ako papuntang Makati, doon ko kasi balak maghanap ng trabaho.

Yung tatay ko pinatay pa ang alaga naming manok para may ipambaon ako sa biyahe, sabi ko naman wag nang mag-abala pa kasi hindi rin naman ako kakain pero, mapilit eh kaysa naman sa masermonan pa ako bago umalis ayun pinabayaan ko nalang.

So si nanay naman panay bilin lang, ganito, ganyan wag daw basta magtitiwala sa kung sino-sino kasi lungsod daw yun madaming mapagsamantala. Ako naman oo lang ng oo kasi ayoko namang mag alala pa siya sa pag alis ko. Pritong manok at kanin ang laman ng baunan ko, backpack lang dala ko kasi ayoko ng madaming dalahin, mas nakakapagod kasi kapag marami pa akong dinala. Mamayang 7pm pa ang departure na nakalagay sa ticket ko , 3pm palang ay naghanda na ako para maihatid nila nanay sa bayan.

Malayo kasi sa bayan yung bahay namin sa bundok pa. Hinintay nila akong makasakay ng van bago umalis, mahiluhin ako sa biyahe kaya uminom ako ng bonamine. Mahigit kalahating oras ang biyahe papuntang terminal.

"Nandito na po tayo sa terminal." sabi ng driver ng van.

"Kuya bayad po,isa lang." sabay abot ko ng bayad sa driver at hinintay ang sukli ko.

Pagbaba ko nagtanong agad ako dun sa information desk kung nasaan yung lane papuntang Maynila kasi iba yung terminal para sa mga tatawid papuntang Boracay. Agad naman niya itong itinuro sa 'kin.


Pagkatapos kong ipa-validate yung ticket ko ay dumiretso na ako sa terminal since Aklanons are exempted in paying terminal fee they only ask for my ID which proves that I am an Aklanon.

It's quarter to 5 na, maghihintay pa ako ng dalawa at kalahating oras bago makasakay ng barko at pabor naman sa akin yun kahit papaano kasi pagod din naman ako sa biyahe. I kept on scrolling in facebook and nagcha-chat din ako sa mga friends ko para hindi ako ma-bored.

It's already 7:00pm at narinig ko na andyan na yung barko. Sa tingin ko naman mga 7:30 kami tatawagin so hinanda ko na yung gamit ko which is, isang backpack lang naman pero kahit na malay makalimutan ko parin ito.

Maya-maya pa ay tinawag na ang mga pasahero ng 2GO pinapila na rin kami, at separate parin yung lines ng aklanon and non-Aklanon passengers.

Ramdam ko yung lamig paglabas namin ng terminal paakyat ng barko dahil tabing dagat and gabi na rin. After ko maka'akyat hinanap ko na yung bed number ko na nakalagay sa ticket. Agad ko itong nakita at inayos ang gamit ko doon.

Ito na talaga yun bye Aklan na talaga ako. Sana lang maging maayos ang pagdating ko sa Maynila.

"Hi, papunta ka rin bang Manila?" tanong ng isang lalaki sa kabilang side ng higaan ko.

Hindi ako sure kung ako ba kausap niya o baka naka headset siya, so lumingon lingon pa ako bago nagtanong.

"Ako ba tinatanong mo?" sabay turo sa sarili ko.

"May iba ka pa bang kasama?" tanong niya habang pinipigilan ang pagtawa.

At aba'y uso pala talaga ang siraulo sa panahon ngayon. Napabuntong hininga na lamang ako bago sumagot.

Behind Every LIESWhere stories live. Discover now