CHAPTER 005

0 0 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon, mas maaga pa sa alarm na sinet up ko. Ang alarm ko ay naka set ng 6:30 pero nagising ako ng 5:30. Sobrang napagod talaga ako kahapon pero nagawa ko pang magising ng maaga ngayon. Nagtimpla na ako ng kape at umupo sa mini sala ng apartment ko. Nag open ako ng tweeter, wala lang gusto ko lang magbasa ng mga tweet and siguro magti-tweet na rin. Okay lang namang magdrama ako dito wala namang makakakilala sakin kasi imbento ko lang yung name ng account ko.

@KYC tweet
Ang hirap naman ng sitwasyon, kung saan kailangan mong mamili. Lalo pa at alam mong may masasaktan kahit ano piliin mo.

@PlisInYou tweet
Appreciate the things you have before its turned out to be the things you had.

@Thoughts tweet
Learn to love yourself, accept the fact that you makes mistakes sometimes.

Alam ko namang hindi lang ako ang may problema sa mundo, nakadepende sa akin kung paano ko ito ihahandle. Magti-tweet nalang din ako para mabawasan kahit papaano tong dinadala ko. Maaga pa naman maliligo nalang ako pagdating ng 6:20.

Sobrang feeling down ako kagabi, alam mo yung okay ka naman ng umaga pero may mga pangyayaring hindi naiwasan. Though hindi naman natapos ang araw ko na bad day. Thank you sayo rock.
tweet

I hope this day won't be a bad day for me again.
tweet

I know this won't be easy but.. I'll try harder this time. I need to be brave, I need to survive in this city. Not just for myself but for my family. Fighting!!
tweet

After kong mag tweeter inubos ko na yung kape ko at hinanda ang susuotin ko ngayon. Sando at blazer ang isusuot ko ngayon with black pants and doll shoes. Wala naman daw kaming uniform sa company ID lang and formal attire.

Mabilis lang akong natapos mag ayos well 6:00am palang nang maligo ako and natapos akong mag ayos bandang 6:35 palang. Mas aagahan ko nalang lalo ang pagpasok para hindi ko na kailanganin pang mag overtime. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba siguro tulog pa sila. Nasa huling baitang na ako bago tuluyang makababa nang may lumabas sa kwarto.

"Uh, hello? Good morning." bati ko rito, papikit pikit pa itong napalingon sa akin.

"iah?" tanong nito saka napatingin sa orasan na nasa sala.

"Aalis ka na? Ang aga naman." komento nito.

"Ah, oo baka kasi maipit na naman ako sa traffic. Sige Nathan una na ako." paalam ko at hindi na hinintay ang sagot nito.

Mabilis lang akong naglakad dahil ayokong may madaanan na naman akong tsismisan. Ayokong masira ang araw ko kaya para maiwasan iyon mas aagahan ko na lagi ang alis ko. And hanggang sa makarating ako sa gate wala naman akong nakita siguro tulog pa.

"Good morning po mam, mas maaga po yata kayo ngayon kaysa kahapon." bati ni kuyang guard.

"Good morning po, ah opo kuya kailangan kasi." sagot ko at ngumiti bago nag abang ng masasakyan.

After ilang minuto nakasakay na ako ng jeep. Madali lang namang mag abang ng jeep dito tuwing umaga.

Nakarating ako ng opisina bandang 7:10 akala ko may aabutan na ako pero ako palang pala, bukas na yung office kaya tuloy-tuloy lang akong pumasok at pumunta ng locker para iwan doon ang mga gamit ko. Nagdala ako ng biscuit at tubig, para mamaya hindi na ako pumunta pa ng pantry. Binuksan ko na yung computer tsaka sinimulan ang pag backup ng mga files, tama nga si Mr. MP halos isang oras.

Remaining time to back up files.......
45minutes and 10 seconds

Isinandal ko ang ulo ko sa upuan at kinuha ang folder na ini'encode ko kahapon. Binasa ko ito para libangin ang sarili habang hinihintay na matapos ang files.

Behind Every LIESWhere stories live. Discover now