CHAPTER 003

1 0 0
                                    

So without further ado ....

Pauwi na ako galing sa opisina ni sir Galvez, the struggle is real talaga ang papunta at pauwi ko. Akala ko nga kanina hindi na ako makakarating sa office niya, kung hindi ko lang kinapalan ang mukha ko para mag tanong tanong baka nasa police station na ako at nagapapahatid sa mga pulis..

Pagdating ko sa gate papasok ng compound binati ako ni kuyang guard at nginitian, ngumiti naman ako pabalik dito kasi may kausap siyang visitor siguro yun.

"Hey!! You're here too??" tawag sa akin ng kaninang kausap ni kuyang guard, huh??kilala niya ako??Kailan?Saan?Paano? Iilan lang naman ang mga babae kong kaibigan at sigurado akong wala sila dito. Mas nagulat pa ako nang lapitan niya ako at hawakan sa kamay, bat anlambot ng palad niya?

"Kilala niyo po siya mam?" tanong ni kuyang guard sa akin.. Napakunot naman ang noo kong nilingon yung babae..

"Yes, we're classmates before, right?" sabay ngiti nito na tila kinukumbinsi akong umu'o. Anong gagawin ko? O'oo ba ako?Paano kung killer toh?Edi nadamay pa ako? Oh di kaya miyembro ng sindikato, pero hindi naman siguro. Wala naman sa itsura ihh. Bahala na nga, sana lang tama ang maging desisyon ko.

"Ah, opo, kilala ko po siya." pagsisinungaling ko ,sorry kuyang guard.

"Ganun ho ba ba? Wala kasi siyang maipakitang ID mam kaya hindi namin mapapasok basta-basta. Alam no na mahigpit si sir Galvez, kahit pa pwedeng magpapasok ng bisita sinisigurado niyang kakilala talaga ng mga tenant for safety narin ho." paliwanag nito saka kami iniwan dahil sa pagtawag ng kasama niya sa kanya.

Mukhang ako pa yata ang malalagay sa alanganin nito ah. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at pumayag ako? Madalas talaga akong napapahamak sa ganito eh..

"Thank you, don't worry I'm not a bad person. I just want to visit my brother, I just escape from my bodyguards and went here just to see him." she explained. Oh, rich kid. May bodyguards, pero bakit naman nandito yung kapatid niya? Bakit kaya hindi sa condo? Ganun naman kapag rich kid kasi afford na afford nila yun, barya lang nga sa kanila yung presyo ng mga condo ihh. Di naman ako usisera kaya tumango lang ako rito.

"I'm Winter, and you are?" she asked habang inilalahad ang kamay. I don't want to be rude so I accepted her hand.

"Neziah." I answered and continued to walk. Andami niya pang dinadaldal ngunit hindi ko na iyon binigyan ng pansin dahil gusto ko na talagang magpahinga at isa pa english siya ng english kaya mas lalo akong nai'istress sa kanya.

"Wait." pigil nito sa akin. Nilingon ko naman siya ng nakakunot ang noo.

"This is the F building, where are you going?" she asked in confusion. Heto na naman ako, magpapaliwanag na naman ba ako? Nakaka stress naman ng araw na toh. Gusto ko lang namang makabalik ng apartment at magpahinga.

"Uhm, long story." sagot ko nalang tsaka diretsong naglakad, napansin ko namang naghabol ito kahit naka heels. Bakit ba kasi siya naka heels? Model ba siya? Hindi ba siya nahihirapan diyan? Kung ako yan baka hindi na ako nakaalis sa kinatatayuan ko, natawa na rin ako sa pinag iisip ko kasi hindi nga pala ako nagsusuot ng heels.

"Do you have a boyfriend?" she asked me out of the blue, siraulo na toh?. Hindi ba siya napapagod magsalita? Kasi ako pagod nang makinig sa mga pinagsasabi niya. Hindi siya nauubusan ng tanong.

Hindi ko siya sinagot at wala rin naman akong balak na sagutin siya. Nakarating kami ng building M na hindi talaga siya tumigil sa kakasalita, hindi talaga siya nauubusan ng topic. Tulad ng dati bukas lang yung pinto at tingin ko may nakatambay na naman sa sala.

"I'll go ahead, myghaaad, I missed my lil bro." rinig kong sabi nito tsaka naunang pumasok, hindi talaga siya nahihirapan sa heels niya, hands down na talaga ako sa kanya. Ilang segundo lang ang lumipas nang pumasok ito.

Behind Every LIESWhere stories live. Discover now