CHAPTER 007

1 0 0
                                    

Hindi na ganun kasakit ang katawan at ulo ko. Bigla akong napamulat ng mata at agad na tiningnan ang paligid. Puti?Bigla kong naalala si – ate. Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin siya.

Naramdaman kong tila may pumatak mula sa mata ko. Agad ko iyong pinunasan at pinilit na bumangon. Inilibot ko ang paningin ko at pilit na inalala ang lahat. Teka? Bakit nandito ako?Huli kong naalala nasa pantry ako at....at wala na. Nasa ganoon akong pag iisip nang bumukas ang pinto at pumasok si ..

"Sir?" takang tanong ko. Bakit siya nandito? Sh*t bigla akong napahawak sa ulo ko dahil sa biglang pagpintig nito.

"Are you okay? May masakit pa ba sayo? Damn it, bakit ka pa pumasok kung alam mo namang may sakit ka!?" halos sunod sunod na tanong nito sa akin na tila frustrated na naman. Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"I'm okay, I can handle myself." I answered habang iniiwas ang tingin ko sa kanya.

"Handle yourself? Naririnig mo ba ang sarili mo?What the f*ck, you have a damn fever! At hindi ka pa kumakain, are you trying to kill yourself!? " muli nitong sabi na tila pinipigilan ang sarili sumigaw.

"I said I'm okay, thank you for your concern." akmang tatayo na ako nang pigilan niya at napasuklay sa buhok nito.

"I.. I'm sorry, 'kay?Now eat this." he give up at inayos ang pagkain sa table.

I'm so tired, I don't have time to argue with him anymore kaya sinunod ko na lamang siya at kinain ang pagkain na hinanda niya. Tahimik lang akong kumakain habang may kausap siya sa cellphone nito. Nakokonsensya ako kasi nakaabala na naman ako ng ibang tao.

"After mo kumain inumin mo na rin yung gamot." he said nang ibaba ang tawag.

Tumango lamang ako bilang tugon, ramdam kong binabantayan niya lang ang bawat galaw ko. Hindi na ako nag abala pang tingnan siya, at ininom yung gamot.

"Okay na po ako sir, medyo masama lang pakiramdam ko kanina pero, kaya ko naman na. Marami pa akong kailangang i-encode eh." baling ko sa kanya matapos kong inumin ang gamot.

Sandali niya akong tinitigan na tila, pinag iisipang mabuti ang sasabihin.

"Umuwi ka nalang muna after nito, don't worry about the hospital bill, the company will shoulder it. Magpahinga ka at magpagaling." tuloy-tuloy na sabi nito.

"Bu–"

"And No buts please.. Pwede ka nang lumabas anytime from now." mas mahinahon nitong sabi.

Paalis na siya nang mapahinto ito saglit habang may kinukuha sa bulsa, bago lumingon at naglakad pabalik sa higaan ko.

"At saka ito nga pala yung cellphone mo, may tumawag kanina and sorry sinagot ko. Sinabi kong nasa hospi–" I cut him off.

"Teka sino daw po? " biglang putol ko rito, please sana hindi si Gab ayokong dumagdag sa problema niya ngayon, not now–not never. Marami nang naaabala nang dahil sa 'kin.

Sandali siyang napaisip na tila inaalala ang pangalan ng tumawag.

"I think his name was, Gabriel?" sh*t, no. Bigla akong napapikit sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim bago siya sinagot, at itinago ang pag aalala ko.

"Okay sir, thanks." pasalamat ko sa kanya.

Inalok pa niyang ihatid ako pero sabi kong kaya ko naman, alam ko kasing marami rin siyang kailangan gawin sa office niya. Naalala ko pa ang gabundok na folders sa table niya kanina. Kalahating oras after niya umalis, agad kong tinignan ang oras pasado alas dos y medya na ng hapon, halos isa't kalahating oras akong nakatulog.

Behind Every LIESWhere stories live. Discover now