Thread II

327 145 32
                                    

Ni minsan ay hindi ko naisip na magkakaroon ako ng kaaway sa loob ng club. Maayos naman ang naging pagsasama namin, naging mabuti kami sa isa’t isa.

Pero, lahat ng iyon ay parang nagbago, ang mga magagandang kaisipan sa kanila ay nadungisan ng salita ng isang tao.

Tama nga siguro ang sinabi ni Oliver, paano ako makakasigurado sa lahat kung nawalan ako ng alaala. Ipinapahiwatig niya lang marahil na ang mga kilos o gawa na inilalahad ng mga taong nakakasalamuha ko— mabuti man o hindi, ay posibleng hindi totoo. Na hindi dapat ako agad mag-tiwala. Maging sa aking sarili.

Pagkatapos ng nangyari sa loob ng restroom ay hindi na ako bumalik sa club. Pakiramdam ko naman ay ganoon din ang ginawa ng iba. Nagsisimula na silang humanap, magsaliksik at gumawa ng mga artikulong makakatulong upang sila ay mapasama sa Board.

Katulad ko, ngunit imbis na ako ang magpapakapagod, magsasayang ng oras, magpapatalsik ng pawis— pupuntahan ko na lang ang direktor. Ang opisina niya ay hindi nalalayo sa aking kinalalagyan. Ikatlong palapag, sa mismong puso ng Leon Building, pagitan ng Conference Hall at Teacher’s Faculty.

Tatlong katok at bumukas nang kusa ang unang pinto. Sinalubong ako ng pangunahing silid, may tatlong sofa at sa gitna nito ay bilog na coffee table, sa tigkabilang sulok naman ay may malaking paso at halaman. Sa ding-ding nakalatag ang mga litrato ng direktor, mga naging tagumpay ng paaralan.

Ngunit sa kabila ng pag-o-okupo ng mga gamit ay nanatili itong maluwag. Naging malawak dahil sa walang tao ang silid, maliban sa akin na nakatayo sa harap ng kahoy na pintuan.

Kung kaya’t tinahak ng mga paa ang katapat na pinto na magbubukas sa akin sa panibagong silid. Pinilit kong pihitin ang busol ngunit hindi nagbubukas. Minabuti ko na lamang na kumatok. Hindi pa man nagtatagal ay nakita ko ang direktor, nakaupo sa kaniyang lamesa, tutok sa computer.

Suot niya ang madalas niyang purong-puting Wrap Dress na pinaparesan ng itim na Gladiator Sandals, meron din siyang beret hat sa tuktok ng kaniyang kulot na buhok. Ang damit ‘man niya ay mukhang bata, sa likod nito ay kaniyang katawan na matagal ng nabubuhay.

“What do you need, Mr. Stanford?” Tutok pa rin ang mata sa kaniyang ginagawa. Ako— na nakatayo sa labas ay pumasok at umupo sa harap na silya ng kaniyang lamesa.

“Kailangan ko po ng tulong,” dahan-dahan kong sambit habang inilalapag ang kwaderno sa’king hita.

Nagbigay siya nang mabilis na sulyap at nagsalita, “You’re studying here to learn. Why would you need my help?” Natahimik ako sandali.

Pero hindi niya natiis ang katahimikan. Tumigil siya sa kaniyang ginagawa at itinuon ang atensyon sa binatang nasa harap. Ipinatong ang parehas niyang kamay sa lamesa at saka ipinag-ugnay. “Hindi mo ako kinakausap sa bahay, hindi nga kita nakikita sa loob. How do you expect that I will help you? If you— yourself is holding a grudge against me?” Tumingin siya sa’king mata, ngunit nag-iwas ako. Mas hinigpitan ko ang paghawak sa kwaderno. Naghintay ng ilang saglit. Naghanap ng tamang salitang ipapan-depensa. Pero wala akong nagawa.

Mabilis at marahas akong tumayo habang inililiko ang ulo palabas. Tama siya, hindi ko siya magawang kausapin at kitain sa loob ng bahay, pero ngayon ay nagagawa kong humingi ng tulong. Ang kapal ng mukha ko.

“Maupo ka, hindi karapat-dapat ang pagtalikod kapag nagsasalita ang matanda.” Napalingon ako sa kaniya ngunit hindi ako umupo. “Akala ko ba ay kailangan mo ng tulong? Inabala mo ako sa aking ginagawa. Let’s talk about this.”

“I don’t want to force you. And pardon me if I wasted your time,” mabilis kong sagot.

Kinunutan niya ako ng noo at nagwika, “Stop giving me that attitude.” Mababa ang boses niya, ngunit ang bawat salita ay binigkas nang purong diin.

Red Thread (Under Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon