SS♡12

208 6 0
                                    

☆★☆★☆★☆★☆★

"Alex! Please let's talk!"

Napatingin kaming lahat sa classroom nang marinig ang sigaw ni Celestine na kakapasok lang sa room nakasunod kay Alex.

Hindi parin siya pinapansin ni Alex na prenteng nakaupo na ngayon sa sariling upuan.

" I said let's talk "

Kitang kita ko ang inis sa mukha ni Alexandra dahil sa ginagawa ni Celestine. Hindi ko alam kung anong nangyare pero siguro nag away silang dalawa,  tanga ka Cathy obvious naman diba.

Pero ano kaya pinag awayan nila?

Bakit ba ako nangingialam hays

" shut the fck up and sit " cold na sabi ni Alexandra na ikinagulat ni Celestine.

Pati kami dito nagulat, nasanay kaming lahat makitang laging alagang alaga ni Alexandra si Celestine at hindi ganito ka cold sakanya.

Sobrang tindi ba ng pinag awayan nila para magkaganito si Alexandra sakanya?

" KAYO?! MIND YOUR BUSINESS PEOPLE!"

At dahil sa sigaw ni Alexandra na iyon,  lahat ng mga kaklase ko natakot at nagsibalik sa kani kanilang mga upuan at nagkunwaring may mga ginagawa.

Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko kaya napansin niya ako pero isang malamig na titig at irap ang ginawa niya saakin.

Naupo na din si Celestine sa upuan niya at nagsimulang humikbi kaya nainis at napamura na si Alex.

Padabog siyang tumayo at hinila ang umiiyak na si Celestine palabas ng room, nakasalubong pa nila ang first subject naming prof ngayon.

Matapos mag attendance ng prof ay nagpaalam ako sakanya para mag banyo, hindi ko naman inaakala na sa madadaanan kong locker room ay dun pala sila Alex at Celestine nag uusap.

Napahinto ako sa labas nung narinig kong may kumalabog sa loob at iyak galing kay Celestine.

"Tangina you lied to me!"

Dinig kong sigaw ni Alex. Hindi na ako nakuntento makinig sa labas kaya  pumasok ako ng locker room. Buti nalang at nasa loob looban pa sila pero enough na na makita ko silang dalawa.

I saw Alexandra's fist bleeding, sinuntok niya ata ang pader shit. Nakita ko ding nakatayo sa harapan niya si Celestine iyak parin ng iyak.

" I'm... I'm really sorry Alex, please forgive me Hindi ko intensyong lokohin ka"

" Hindi lang ako 'yung niloko mo! Pati pamilya at mga kaibigan ko! Masaya ka ba kasi nauuto mo kaming lahat gamit 'yang sakit sakitan mo ha?!?!"

" MAHAL KITA KAYA KO NAGAWA 'YON! Bakit?  Kung nagmakaawa ba akong bumalik ka saakin Alex babalik ka? Babalik ka para alagaan at mahalin ulit ako? Diba hindi?!  Pinapakisamahan mo lang naman ako  Kasi buong akala mo I have some cancer! AWA LANG NARARAMDAMAN MO SAAKIN KAYA KA ANDITO KASAMA AKO! Pero tiniis ko 'yon mas pinamukha kong kawawa ako basta andito ka lang sa tabi ko! Mahal kita! Mahal na mahal kaya nagawa ko iyon. I'm sorry I'm really sorry Alex"

SHE'S MINE. (OnGoing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon