SS♡10

242 5 0
                                    

☆★☆★☆


" Hi babe,  sorry natagalan lika na handa na yung meryenda" sabi sakin ni Ethan sabay halik sa noo ko.

" are you okay?" he ask,  kasi nung hinalikan nya ako sa noo nagulat ako na ikinakunot naman ng kanyang noo.

" uhm oo,  sorry haha " sabi ko nalang pero ang totoo nanginginig yung kalamnan ko sa ginawa ni Alex kanina. 

Nanghihina ako na ewan...

Hawak kamay kaming pumuntang dining room nila Ethan, nakita ko ng nakaupo yung Mom nya.

" sit iha," sabi ng Mom nya saken, mentioning the chair na nasa right nya. 

Ang daming hinandang meryenda, halos lahat ay baked. Cookies, cupcakes and Cake.

Tinikman ko yung cupcake na nasa platito ko at sobrang sarap nito, did his mom baked this?

" uhm tita kayo po ba gumawa neto? "
Hindi ko na napigilang itanong na ikinatawa bahagya ni Ethan na nasa harapan ko.  Which is nasa left side sya ni tita nakaupo.

" yes iha, with the help of my pamangkin Alex, oh by the way...  yaya?  Pakitawag nga si ma'am alex nyo,  sabihin mong kumain muna dito"
Sabi nito,  na agad namang sinunod ng Yaya nila.

Napahawak ako ng mahigpit sa tinidor ko, trying to make myself calm as possible.  Kasi yung thought palang na malapit sya sakin o makita palang nawawala na ako sa wisyo,  kinakabahan na parang nababaliw na ewan. 

" Masarap ba yung cupcakes iha ?" tanong ng Mom ni Ethan.

Tumango nalang ako at ngumiti... 

"yes po tita masarap po"

" im glad you liked it,  I'll give you some later para iuwi mo " sabi nya at kitang kita sa mga mata nya yung saya.   Napatingin ako kay Ethan at ngumiti sya saakin sabay kindat at kumain na ulit ng piece of cake sa plato nya.

From their dinning room tanaw ang pool Side Kung saan naroroon yung isang yaya at si Alex na nakababad parin sa pool.  Tinawag sya nung yaya kaya ilang minuto lumipas ay nilapitan nya rin ito.  Nag usap sila ng konti at umahon narin si Alex sa pool, kinuha yung towel at dinampi sa mukha nya.  Nakita ko rin ang pag kuha nya ng phone nya at pagtipa doon.

Hindi ko alam pero agad kong chineck yung phone ko. Okay shit?  What did I just do?  Ano Ine-expect ko?  Na itetext nya ako ganon?  Hahaha nakakatawa ka Cathy. Malamang itetext non ay si Celestine. 

Naglakad sya papasok ng Dinning pero agad din napatigil nung biglang nag ring ang phone nya, agad naman nya sinagot ang tawag at labas na naman ng dinning. 

Who is she talking to?

Napatingin nalang ako kila Ethan at sa Mom nya na seryosong nag uusap about business I think. Hindi ko na naiintindihan I'm literally spacing out.  Ibinalik ko na naman ang mga mata ko kay Alex na may kausap sa phone sa labas.

Nung pumasok sya lumapit sya saamin para magpaalam...

" Tiya lalabas Lang ako saglit. " paalam nya sa Mom ni Ethan.

" where are you going Alex? " tanong naman ni Ethan,

Yumuko ako kasi feeling ko nakatingin saakin si Alex... Hindi sya sumagot sa tanong ni Ethan. 

And then nagsalita ulit si Tita,

" Kay Celestine ka ba pupunta? " Tanong ni tita sakanya...

Napatingin ako Kay Alex at saka naman sya nag iwas ng tingin at tumango nalang sa tanong ni Tita sakanya.

" kung ganon dalhan mo sya ng cupcakes , you know it's her favorite lalo na kasi gawa mo hahaha " pangaasar sakanya ni tita.

Sumakit ata yung tyan ko, pati puso ko kumirot.

Natawa na din si Alex at nakita kong namumula sya... And it hurts more.

"yes tita,  I'll be back before 7pm"

It's 3pm...

" nah it's okay,  enjoy kayo ni Celestine. Ingat kayo ah" sabi ni tita sabay beso Kay Alex.

Lakad Takbo yung ginawa ni Alex matapos mag paalam. Is she that excited para makita si Celestine?  She missed her that much?

Matapos ng ilang minutong pakikipag kwentuhan sa Mama ni Ethan napag pasyahan namin ni Ethan na manood nalang ng movie sa living room nila.

Nakaupo na kami sa couch saka naman pagbaba ni Alex ng hagdan mula sa ikalawang palapag ng bahay.  Her hair were blown dry,  naka simpleng black croptop at loose high-waisted jeans Lang sya. Kahit natakpan ang kalahating tyan neto na dedepina parin ang lines ng abs nya. She's so damn hot...

" babe anong genre ng movie gusto mo? " tanong ni Ethan na nasa tabi ko.

" uhmm... Romcom? Or horror nalang" sabi ko naman at ibinalik ang tingin kay Alex na kakagaling lang ng kitchen kasi dala dala na nito yung box na sa tingin ko ay cupcakes yung laman.

"Ethan si Tiya?" tanong ni Alex Kay Ethan. Itinutok ko nalang ang atensyon ko sa pinapanood naming movie na kakasimula palang.

" Nasa kwarto nya ata lex, nagpapahinga. Hayaan mo na nakapag paalam ka na din naman kanina" sabi ni Ethan,  naramdaman ko ang paghawak nya sa batok ko na parang nilalaro ito.

"uhm sige mauna na ako," sabi ni Alex  kaya napatingin ako sakanya. Nakita ko syang nakakunot noong nakatingin saakin at tipid na ngumiti bago umalis.

"Babe,  about sainyo ni Alex? " panimula ni Ethan na ikinalamig ng buong katawan ko.

Alam nya ba?  Sinabi ni Alex sakanya?

" Anong nakaraan nyo ni Alex? " tanong ni Ethan at hinarap ako sakanya.  Kalmado sya,  wala akong nakikitang kahit anong emosyon. Nakatingin sya sa mga mata ko at ganoon din ako.

" Please?  Tell me..."

Umiwas ako ng tingin sakanya, at tiningnan ang paligid na parang naghahanap ako ng irarason at tinitingnan Kung may mga tao bang nakakarinig saamin. Pero buti nalang ay wala...

Huminga ako ng malalim,  sa totoo Lang hindi ko alam Kung sasabihin ko ba ang totoo, like Kung ano nangyare saamin ni Alex dati. Ni hindi ko alam Kung anong meron saamin,  we're just friends... Friends na may kasamang halikan??? Of course I can't tell that to Ethan kasi ayokong magalit sya sa pinsan nya at ayokong ma awkward  sya saakin o sa pinsan nya...

" We're... Friends dati"

Yon ang sinabi ko. Nakatingin Lang sya saakin na parang nag aantay pa ng  sasabihin ko, so I continued...

" we're friends dati, kasi magkaklase kami. And she invited me to her condo kasi may inaasikaso kaming proj noon. Incharge kasi kami sa isang group proj so kami na nag effort doon para masimulan. Naging close din naman kami kahit papaano,  naimbitahan pa nga ako sa party ng kaibigan nya kaya nakilala ko din si Seth." kwento ko nalang sakanya.

" Bakit Hindi kayo nagpapansinan ni Alex? " usisa na naman ni Seth

" Sa totoo lang nagtampo kasi ako,  bigla nalang syang nawala ng ilang weeks na walang paalam. Akala ko kasi kaibigan nya ako,  pero bakit ganon diba?  Umalis nalang sya bigla.  Kaya nung bumalik sya dito Hindi ko na pinansin kasi hindi naman nya ako pinapansin haha sorry matampuhin talaga ako" sabi ko na sa wakas ay ikinatango nya.

" don't worry,  it'll be fine. Andito naman na ako,  hindi kita iiwan" sabi ni Ethan at niyakap ako at hinalikan sa tuktok ng ulo.

"I love you Cath"

Sorry Ethan.

☆★☆★☆★☆★☆★

SHE'S MINE. (OnGoing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon