SS♡1

757 16 0
                                    

☆★☆★☆★☆

Cathy Montereal

" Hi cath " bati saakin ng isa kong kaklaseng lalaki.

Nginitian ko naman sya.

Bored na bored akong nakaupo lang dito sa seat ko hinihintay na dumating ang Prof namin para sa subject na'to.

Lahat na ata ng mga kaklase ko nandito except lang sa isa.

si Alexandra Fortez

Kungsabagay palagi namang late ang babaeng yun tsh.

Nagulat ako ng mag si upo ang mga kaklase ko dahil lang sa may taong paparating.

Its either yung principal ng school o si Alexandra.

Speaking of the devil, she's here.

Papasok na sya ng room ng mapatigil sya dahil may naapakan syang bagay.

Pinagmasdan ko lahat ng kilos nya ng pulutin nya ang isang papel.

Binasa nya ang nakalagay doon at nilibot ang tingin sa classroom, napapigil ako ng hininga ng tumigil ang tingin nya saakin.

Shit ba't sya nakatingin sakin?

At ba't sya naglalakad patungo saakin?!

Gustong gusto ko ng tumakbo pero di makagalaw ang katawan ko lalo na at nasa harapan ko na sya ngayon.

Itinaas nya ang kanyang kamay na ikinapikit ko ng mga mata ko dahil akala ko sasampalin o sasaktan nya ako pero....

" someone dropped a fcking letter on the floor" cold na sabi nya.

Iminulat ko ang aking mga mata at nakita syang itinataas ang isang papel.

Nagbulong bulongan ang mga kaklase ko kung sino ang may ari ng sulat na iyon.

"WALA BANG AAMIN KUNG KANINONG BASURA 'TO?!"

Napapikit kaming lahat sa sigaw nya. Base sa boses nya alam mong galit o hindi kaya naiirita sya.

"Ah eh... Akin po yan" sabi ng kaklase kong lalake.

Sya yung kaninang bumati sakin.

" Ako pa ba ang magbibigay nito sayo?" Kalmado pero nakakatakot na sabi ni Alexandra sa lalake.

Nanginginig na lumapit ang lalake sakanya pero mas nanginig ako na ewan ng umupo sya sa mesa ko.

Hindi ko maiwasang di mapatingin sa legs nya dahil sa iksi ba naman ng school uniform namin, langya ang kinis halatang alagang alaga, nahiya naman ang legs ko sakanya.

Pagkatingala ko sakanya nakatingin na din pala sya saakin shit.

Nakita ko syang nag smirk at binalik ang tingin sa lalaking nasa harapan nya.

" Ibibigay mo ba 'to sakanya?" Tanong ni alexandra.

Tumango lang ang lalaki at tumingin saakin.

Nakita kong pinunit ni alexandra ang letter daw , as in yung punit na punit yung pira piraso talaga! Itinapon nya pa ito sa lalaking nasa harapan nya.

Ang sama talaga ng babaeng to.

" linisin mo yan at umalis ka na sa harapan ko" ma awtoridad nyang sabi.

Hindi ko na talaga kayang makita ang mga pang aapi nya sa kung sinong wala namang kalaban laban sakanya!

Tumayo ako bigla na nakatawag sa attensyon ng lahat ng mga kaklase naming nandito.

SHE'S MINE. (OnGoing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon