"Sandali lang, sagutin ko lang to." Sabi niya at lumayo pa sakin para di ko marinig ang paguusapan nila. Nagkibit balikat na lamang ako at pinagmasdan si Jared na may kausap sa telepono. Nakakunot ang noo nito at mukhang naiinis sa kausap niya sa phone.

Ilang minuto niyang kinausap ang caller sa phone at sa wakas ay natapos narin silang mag-usap. Sinuksok niya sa kaniyang bulsa ang kaniyang phone bago tumingin sakin. Kumunot ang noo ko pero nginitian niya lamang ako at nilapitan.

"Tara," Aya niya at inakbayan na muli ako. Sabay naming tinahak ang daan papuntang canteen at bumili ng pagkain doon. Umupo kami ni Jared sa bakanteng table at nagsimulang kumain.

"Sino yung tumawag?" Tanong ko. Kating kati na kasi akong malaman kung sino yon. Mukha kasing may problema siya eh.

Ngumiti lamang si Jared sakin, "Wala lang yon. Wag mo ng pansinin."

Ilang sandali pa akong napatitig sakaniya bago nagkibit balikat. Hindi ko nalang siya pipilitin kung ayaw niyang sabihin. Baka nga wala lang yon.

Ilang minuto kaming kumain sa canteen bago umalis at bumalik sa klase. Pinagpatuloy na ulit ang page-exam hanggang sa magdismissal na. Napaunat unat pa ako ng matapos ang exam namin.

"Hays! Buti naman at natapos na!" Biglang sabi ni Evan. Napangisi nalang ako at inayos na ang mga gamit ko. Tumayo na ako at sakto namang lumapit sakin si Jared. Nagpaalam na kami ni Jared kila Evan at Xiela na mukang magkaaway. Hahahaha, iba kasi ang timpla ng nga muka nila eh.

"Nahirapan ka ba sa exam kanina?" Biglang tanong sakin ni Jared ng makalabas kami ng classroom.

Naningkit ang mata ko, "Hmm? Medyo. Sa Math at Science ako nahirapan."

"Hindi mo ba natandaan yung nireview natin?" Tanong niya.

"Natandaan—" Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng tumunog bigla ang cellphone ni Jared. Tinignan niya 'yon at ilang saglit siyang tumingin sakin bago nagpaalam na sasagutin lang ang tawag. Medyo lumayo pa siya sakin bago sinagot ang tawag.

Ilang minuto ko siyang inantay bago natapos ang usapan nila ng nasa kabilang linya. Lumapit na siya ulit sakin at nginitian ako.

"Sorry, ano nga ulit yung sasabihin mo kanina?" Tanong niya.

"Wala, nakalimutan ko na, eh." Natatawang sagot ko at tinignan ang kaniyang cellphone. Mabilis niyang sinuksok sakaniyang bulsa ang kaniyang cellphone ng mapansing nakatingin ako dito. Kumunot ang noo ko sakaniya ngunit ngumisi lang siya sakin at ginulo ang buhok ko. Inakbayan niya ako at sabay na ulit kaming naglakad.

Hinatid ako ni Jared sa aming bahay. Inaya ko pa siya na pumasok muna sa loob pero tumanggi siya.

"Sige, salamat sa paghatid ha." Sambit ko at bahagyang ngumiti sakaniya. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo.

"Alis na 'ko, I love you." Sabi niya at ngumiti sakin bago tuluyang umalis. Pumasok na ako sa loob ng bahay at nakita ko si mama at papa na naglalambingan sa sala. Dumiretso nalang ako sa aking kwarto at sumalampak sa kama. Pipikit na sana ang mata ko kaso narinig kong tumunog ang aking cellphone. Hindi ko na tinignan kung sinong caller basta ko nalang itong sinagot.

"Hello, sino 'to?" Bungad ko agad sa nasa kabilang linya. Hindi ito nagsalita kaya napakunot ang noo ko at napaayos ng higa. Tinignan ko kung sinong caller at unknown number ito.

"Hello? Sino 'to?" Paguulit ko pero hindi parin ito sumagot. Mukhang nakikinig lang siya sa boses ko. Sino ba 'to? Tumawag tas hindi magsasalita?

"Hoy kung sino ka man, 'wag mo kong pinagtitripan ha? Tinatanong kita kung sino ka tas di ka—" toot toot toot

Aba't! Bwisit 'to ah? Pinatayan ba naman ako ng tawag? Hindi ako papayag na ganunin ako ng kung sino na 'to.

Dinial ko ulit ang number na tumawag sakin pero di na nito sinasagot ang tawag ko. Bwisit, sino kaya 'to? Pinagtitripan lang ba ako nun? Oh baka namali lang siya ng number na natawagan? Ah ewan basta kung sino man siya, bwisit siya.

Bumuntong hininga nalang ako at tumayo para magbihis. Tinawag pa ako ni Mama para kumain pero sabi ko busog pa ako. Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama at may tumawag na naman sakin. Unknown number na naman ito. Baka ito na naman yung kanina? Sige sagutin natin para mapagsabihan narin.

Sinagot ko ang tawag at hindi ko na siya inantay pang magsalita dahil sinigawan ko na agad siya.

"Hoy ikaw! Ang lakas ng trip mo! Tatawag tawag ka tas di ka magsasalita tapos papatayan mo pa ako ng tawag? Sino ka para gawin sakin yun ha?" Sambit ko habang inis na inis. Ilang sandaling hindi nakasagot ang nasa kabilang linya at nagulat ako ng bigla itong tumawa. Pang lalaki ang tawa nito kaya paniguradong lalaki siya. Sino naman kaya 'to? Pano niya nakuha ang number ko?

"Hindi naman kita tinawagan kanina ah? Kakatawag ko lang sayo, Katrine."

Biglang napakunot ang noo ko sa sinabi nito. What? Hindi siya ang tumawag sakin kanina? Sino 'yon? At sino naman tong lalaking tumawag sakin ngayon? Atsaka bakit kilala niya ako?

"S-Sino ka?"

"Hindi mo na 'ko kilala? Kinalimutan mo na 'ko?"

Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Kung sinabi mo na kung sino ka edi sana naalala na kita ngayon!"

Tumawa siya ng malakas, "Hindi ka parin nagbabago, Katrine. Pilosopo ka parin talaga."

"Sino ka ba kasi? Tsaka paano mo nakuha ang number ko? Irereport kita sa pulis, sige ka!" Banta ko.

Mas lalong natawa ang nasa kabilang linya, "Hahahaha, si Sean 'to. Yung anghel mong manliligaw noon. Hindi mo na ko kilala?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at bigla akong napabalikwas ng bangon sa higaan ko, "What the fuck! Seryoso? Sean ikaw ba talaga yan? Teka, kung hindi ikaw yung tumawag sakin kanina, sino 'yon?"

"Yeah, it's me. And I don't know what you're talking about. Kakatawag ko lang sayo ngayon."

What? Edi sino kaya yun? Ah basta, ang mahalaga tinawagan ako ni Sean. Ang tagal narin simula nung umalis siya ng walang paalam samin.

"Wow! Napunta lang sa ibang bansa, iniingles mo na ko ha?"

Tumawa na naman ito, "I miss you."

Natahimik ako bigla sa sinabi niya pero dinaan ko nalang sa tawa.

"Syempre namiss din kita, Sean! Buti nakatawag ka sakin? Hindi ka ba mahuhuli jan?" Tanong ko.

"Nagagawa ko na kung anong gusto kong gawin, Katrine. Isang taon at ilang buwan narin ang lumipas simula ng makarating ako dito sa Canada. Sa loob ng isang taon na 'yun, puro pagsunod lang kay Dad ang inatupag ko. Naging sunod sunuran ako sa gusto niya. But my tita saved me. Basta mahabang kwento. Kwento ko nalang kapag nakabalik na ko jan sa pinas."

Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya, "Anong sabi mo? Babalik ka dito sa pilipinas? Oh my god!"

Tumawa siya ng malakas at sinabi ang mga salitang nakapagtigil sakin.

"Yes, babalik ako jan Katrine. Babalik na ako sayo kaya maghanda kana."

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now