“Pasok na Kayleen.”

“A-Ah. Sabi ko nga.”

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at umupo sa tabi ni Gio sa backseat. May chauffeur sya na naka-dresscode. Mayaman pala sina Gio. Bakit hindi halata sa kanya? Palagi kasi nya akong hinihingian ng pagkain, akala ko naman nagtitipid sya ng allowance. Para nga syang ligaw na pusa na nanghihingi ng isda tuwing nakikita ako.

Tahimik kaming bumyahe patungo sa bahay namin. Naiilang ako. Ang ganda kasi ng interior ng sasakyan, sumisigaw ng mamahaling brand ng auto. Nahiya naman ang flip flops ko na umapak dito. Parang di talaga ako belong.

Ten minutes later, pumarada na ang kotse sa tapat ng bahay namin. Nahiya tuloy ako bigla na papasukin ‘to si Gio. Hindi naman maliit ang bahay namin, hindi naman kami makakatira rito sa Westwood kung wala kaming pera. Pero kakaiba rin pala ang pamilya nina Gio, sigurado na milya ang layo ng yaman nila sa amin. Kahit ang chauffeur nila ang sosyal ng dating. Pang-hollywood. Kahawig talaga nya si Jason Statham!

“P-Pasok kayo sa loob,” sabi ko nang mabuksan ko na ang gate ng bahay namin.

“Hindi na amoy cookies,” ang unang puna ni Gio sa bahay namin. Medyo malayo sa sinasabi ng ibang tao na ‘ang ganda ng mini garden nyo’ o ‘nasaan ang maid nyo?’ Pero si Gio mukhang cookies lang talaga ang napapansin sa mundo.

“Matagal kasi akong di nakagawa ng cookies.” Isang linggo na rin pala na hindi ako nakakapunta kina Ashton. Isang linggo na akong tumigil sa pag-bake.

Pumasok kaming dalawa sa bahay at sinalubong naman kami ni Kuya Dylan sa may pintuan. Nakahalukipkip sya at nakatingin kay Gio nang nanunuri.

“Sino sya Kay?”

“Kaibigan ko si Gio.” Tumingin ako kay Gio. “Gio, si kuya Dylan.”

“Hi,” bati ni Gio.

Tinanguan sya ni kuya Dylan. Pumunta kami sa kitchen at nilapag sa lamesa ang mga pinamili ko. Mabilis lang naman gumawa ng cookies. Kung minsan nakakagawa ako nito within ten minutes lang. Pero kung gusto ni Gio ng marami (halata naman ang sagot) aabutin siguro kami ng kalahating oras.

“Nasaan ang parents mo?” inaantok syang umupo sa high stool chair sa tapat ng bar table. Ipinatong nya ang isa nyang pisngi sa nakasaradong kamao nya at pinanuod ako.

“Nasa clinic sila,” sagot ko habang iniisa-isang ilabas ang mga pinamili ko mula sa grocery paper bag.

“May sakit ba sila?”

“Wala. May dental clinic kami sa bayan.”

“Santos?”

“Yep!”

“Sa inyo pala ‘yon.”

“Nakapunta ka na ba don?”

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon