40 - Calm (Part 2)

Start from the beginning
                                    

"I... never watched any of your games," halos ibulong ni Yuan kay Jet ngunit narinig din naman ng iba.



"Gaga! Kelan ka ba umattend ng Scitus Games?" ani Mariz. "Diba hibernation week mo 'yon?"



Muling nagtawanan ang lahat.



"Oh, wait! Bago magkalimutan," awat ni Leanne sa tawanan. Itinuro niya sina Warren at Lucas. "Dalawa kayong naging varsity player, hindi kayo pwedeng magkakampi."



"Pwede namang si Yuan na lang ang mag-pitch para sa inyong dalawa, diba?" suhestiyon ni Rina. "Ano bang position mo sa field, Lucas?"



"First baseman," tipid na sagot ng binata.



"Oh, kaya din namang sumalo niyan," pagpapatuloy ni Rina. "Siya na lang ang catcher."



"Oo nga," nakangising pag-sang ayon ni Gian. "Si Yuan pa ba ang hindi masalo niyan?"



Napailing na lamang si Yuan sa mga makahulugang tingin na ibinibigay sa kanya ng lahat sa gitna ng tawanan.



"Sayang naman ang sigawan namin ni Wawie, pwede naman palang walang teams," naiiling na sabi ni Leanne matapos humupa ng tuksuhan.



"Start na ba?" tanong naman ni Kevin. "Palitan ko muna bandage sa kamay ni Yuan."



Gumawa ng makeshift mound sina Warren at Jet habang hinihintay na makabalik sina Kevin at Yuan. Ang iba naman ay nag-set up ng table at mga upuan upang mapwestuhan ng mga hindi kasali.



Habang nag-aayos ang lahat ay lumabas ang apat na batang lalaki.



"Magbe-baseball kayo?" nakangiting tanong ni Harry. Napakagat pa ito sa labi ng lingunin ni Warren, tila nahihiya.



"Oo." Napangiti din si Warren. "Marunong ka ba nito?"



"Ako po marunong! Ako po!" Nagtaas si Liam ng kanang kamay. "Can I play? Can I play?"



"I want to play, too!" Nagtaas din si Yohan ng kamay.



"But we won't play the real game." Napahimas si Warren sa kanyang batok, nag-iisip kung paanong ipapaliwanag sa mga bata ang gagawin nilang laro.



Natawa ang nakikinig na si Jet saka nag-squat upang mapantayan ang mga bata. "There will be no teams. Ate Leanne and Kuya Warren will just hit the ball."



"Who will run?" kunot-noong tanong ni Mazon. "Diba they should run din po?"



"Walang tatakbo," sagot ni Warren. "Kasi--"



"I will run! I will run!" Muling nagtaas ng kamay si Liam. Talon pa ito ng talon hanggang sa tumango sa kanya si Warren.



"Alright. After each hit, you will run on the bases," nakangiting sabi ng binata.



Nagtatalon-talon ang mga batang lalaki. Natawa na lamang sina Warren at Jet saka nag-set up ng apat na base paikot sa damuhan.



Nang makabalik sina Yuan at Kevin ay nakaayos na ang lahat. Nakapwesto na sa mga upuang nakapalibot sa mahabang mesa sina Kenzo, Mariz, Rina at Gian. Maging sina Gibo, Carlo, Kyla, at Bea ay naroon din kasama ang batang si Sarah. Malapit naman sa pinto ng bahay ay nakaupo din sa inilabas na mga upuan sina Lucia at Mara na bitbit pa ang kanyang anak. Tila isang normal na umaga ang nangyayari at naipon ang buong pamilya upang magsaya.



Hawak na ni Warren ang sariling baseball bat habang bitbit naman ni Leanne ang kay Lucas. Nakasuot na sa kamay ni Lucas ang nagiisang mitt. Naupo si Kevin katabi nila Kenzo at hinayaan si Yuan na lumapit sa gitna ng ginawang field.



"Ako ang referee," anunsyo ni Jet. Nang makitang nagtaka si Yuan noong mapatingin sa mga batang nakapwesto malapit sa home base, hindi niya na ito hinintay na magtanong. Itinuro niya ang mga inilagay na plate gamit ang mga bato. "They volunteered to run through the bases."



"Wow, Yuan, may mitt ka din pala," ani Warren noong makalapit ang dalaga. Nakatingin siya sa kamay nitong nababalot ng makapal na benda.



Pinaningkitan ni Yuan ng mata ang binata. "Nakakatawa 'yon?"



Tumawa lamang si Warren at pinanood ang dalaga na lumapit sa magsisilbing catcher.



Iniabot ni Lucas ang bola kay Yuan. "Don't force yourself. You should still be resting right now but I know you want to play. We'll stop if your hand hurts."



Napangisi lamang si Yuan. "Make good calls."



Bahagyang natawa si Lucas dahil matapos ang mga paalala niya ay iyon lamang ang sinabi ng dalaga. Nakangiti niya itong pinanood noong tumalikod at pumwesto sa mound.



"Batting first, Warren Mercado!" sigaw ni Jet.



Naiiling na natawa na lamang si Yuan ng maghiyawan ang mga nanonood habang naglalakad si Warren palapit sa batter's box. Maging ang kalaban na si Leanne ay hindi napigilan ang sariling matawa.



Pumwesto na si Warren ngunit bago iangat ang hawak na bat ay sumigaw muna ito kay Yuan. "Hoy, gago! Wag sa mukha!"



Nag-make face lamang si Yuan. Nilingon niya si Lucas at hinintay ang senyas nito. Sandaling tinitigan ng dalaga ang mitt bago umatras ng bahagya para bumwelo. Unang tatlong pitches at na-strike out si Warren.



Panay ang tawanan at panunukso ng mga nanonood sa nakasimangot na si Warren. Lalo silang natawa noong tila nagalit ang mga bata sa binata dahil hindi sila nakatakbo. Pinakamalakas ang tawa ni Leanne.



Hanggang sa pumwesto ang dalaga sa batter's box ay tumatawa ito. Sandali lamang ay nawala ang saya sa mukha niya ng ma-strike out din.



Nakasimangot na ang apat na bata at masasama ang tingin na ibinibigay kay Warren dahil hindi pa rin sila nakakatakbo. Natatawang itinuro ng binata si Yuan. "Siya ang sisihin niyo! Masyadong ginagalingan!"



"Not my fault if you can't hit." Nagkibit balikat ang dalaga at si Warren naman ang nag-make face.



Ilang rounds pa ang lumipas at nababagot na ang lahat sa paulit-ulit na strike outs. Halos umiyak na din ang mga batang nakaabang para tumakbo. Naroon na din sa likod-bahay sina Gov. Sebastian, Rio, Conrad, Henry, Antonio at Jules. Maging sina Annie at Pia ay nanonood habang nakasilip sa bintana ng kanilang kwarto. Malapit na sanang mag-alisan ang lahat ng biglang lumipad ang bola.



After two consecutive strikes, naka-hit si Warren.



Napatahimik ang lahat habang sinusundan ng tingin ang bolang lumilipad patungo sa harapan ng bahay. Nang mawala iyon sa kanilang paningin, nagtayuan ang mga nanonood at naghiyawan. Maging si Sebastian ay nagsasaya kahit rinig na rinig ang pagtama ng bola sa bubong ng kanyang bahay. Tuwang tuwa namang tumakbo ang apat na batang lalaki paikot sa field. Nagsisisigaw si Warren habang naiiling na nakangiti naman si Leanne.



Sa gitna ng pagsasaya ng lahat, tumakbo din ang batang si Sarah upang kuhanin ang bola. Natagpuan niya iyon malapit sa bakod na kadugtong ng gate.



Nakangiti ang bata ng makuha ang baseball at babalik na sana sa likod bahay ng marinig ang mahinang tunog ng tila kung anong bagay na tumama sa gate. Naulit pa ang tunog hanggang sa naging sunod-sunod na ito.



Nagtataka kung ano ang kanyang naririnig, lumapit ang bata sa gate. Dumapa siya sa semento upang silipin ang bagay na iyon mula sa ilalim ng gate na gawa sa maninipis na bakal na naka-ayos tulad ng sa mga rehas.



Mas lumapit ang bata upang maaninag ang nasa labas at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang isang pares ng duguang paa ng tao. Napasigaw siya ng malakas.

;










2025Where stories live. Discover now