40 - Calm (Part 2)

Start from the beginning
                                    

"Tanga, hindi nun natulungan ang argument mo," naiiling na sabi ni Leanne. "Pero, thanks. If Yuan can pitch with her left hand, she'll still be a great asset for my team."



"Bakit ba parang MLB Drafts 'to?" nakangiwing pag-singit ni Yuan sa usapan. "Titignan lang naman natin kung sino sa inyong dalawa ang makakapagpalipad sa bola ng mas malayo, diba?"



"But we still need our teams," paliwanag ni Warren. "Great batters can hit to the outfield no matter who the pitcher is."



"Kaya nga sakin ka." Hinawakan ni Leanne ang kamay ng kapatid saka inirapan si Warren. "I need a good pitcher and not someone who'll just give Wawie a meatball. Si Lucas sana kaso hindi daw siya confident magpitch."



"I was trying to say Yuan would be no good pitcher if she's not with Kuya Warren." Humakbang ng isa palapit si Kenzo upang makuha ang atensyon ng iba. "Her throws won't even reach the plate if it's not Kuya Warren catching for her."



"Kasi si Kuya Warren ang nagturo sa kanya?" tanong ni Jet.



Lumingon lamang si Kenzo kay Yuan at hinayaan na ang dalaga ang sumagot. "I'm kinda motivated and more focused kapag alam kong si Kuya Wawie ang babatuhin ko."



Sa isang iglap ay biglang nagtawanan ang lahat maliban sa nakangiwing si Warren at sa inaantok pa rin na si Lucas. Si Kevin naman, bagamat papikit pikit pa din ang mga mata, ay napahagikgik din.



"Whatever." Umiling iling si Warren at itinaas ang magkabilang kamay upang patahimikin ang mga tumatawa. "I hate it but enough reason naman na siguro 'yon para ibigay niyo na si Yuan sa team ko."



"Alright. I want to see the ball hitting your face more than winning this bet," natatawa pa din na sabi ni Leanne.



"Bet?" nagtatakang tanong ni Yuan. "What's at stake?"



Lalong nagtaka ang dalaga ng tila namula ang kanyang nakatatandang kapatid at nag-iwas ng tingin. Maging ang iba ay nagkatinginan ng mahalatang biglang naging awkward sina Leanne at Warren.



"S-Since Yuan's in my team, akin din si Lucas," pag-iiba ni Warren sa usapan saka hinila ang dalawa patungo sa tabi niya.



Walang ibang nagsalita at muli lamang binigyan ng makahulugang tingin ang dalawa.



"W-Wait! T-That's unfair!" ani Leanne bago pa man may makapagsalitang muli ng tungkol sa pustahan nila.



"Kaya nga ipinagising ko din si Kevin," kaswal na paliwanag ni Warren. Tila normal lamang ang takbo ng usapan kung papakinggan itong magsalita. Ipinagpatuloy nila ang usapan na para bang walang nangyari. "Akin si Lucas, sa'yo si Kevin. Parehong galing Scitus University. Fair."



"Where the hell did you get that logic?" nakangiwing tanong ni Leanne.



"But, I'm not a varsity player like him," mahina at mabagal na sabi ni Kevin. Muli pa siyang naghikab.



"Dude, you're a varsity player?" namamanghang tanong ni Kenzo kay Lucas. Tumango lamang ito bilang sagot.



"I've watched him play before," nakapikit na sabi ni Kevin. Tila nahihirapan ang binatang labanan ang antok.



"We never watched baseball games," mahinang komento ni Mariz.



"Kasi palagi niyo akong pinapanood manglampaso sa basketball court," taas noo at nakangising sabi ni Jet. Agad siyang nakatanggap ng mga hampas at mura mula sa kanyang mga kaibigan.



2025Where stories live. Discover now