"Ahh!!!" Parang gusto kong pumiga ng lalamunan ng bigla siyang tumili sa kabilang linya.

"Pennny!" Saway ko sa kanya

Di niya ako pinansin, "What if magpasundo ka kay Makoy?... Kahit sa kabilang kanto lang ganon?"

Hmm, good idea.

"Yah yah, paki text nalang siya. Look penny, Im so tired. Im so sorry about wh-"

Nang pinutol niya ang sasabihin ko,
"Okay, Like duh bwisit ka, bye" The she hanged up.

After the call, dumiretso na ko sa banyo para maligo. Humiga na din ako pagkatapos, hanggang sa hindi ko na namalawayan na nakatulog na ako.

-

Bumaba na ko pagkatapos kong mag gayak, actually its too early pa pero kelangan. Dahil maglalakad pa ako.

Nakita ko si daddy na nagkakape habang may hawak na libro. Lumapit ako sa kanya then i kissed his cheeks. Kahit naman galit si dad, mabait pa din siya. Though, di niya ko pinapansin but im used to it

Akmang aalis na ko ng mag salita ito, "Hindi ka mag aalmusal?" Nilingon ko siya pero nasa libro pa din ang mga mata nito.

"Sa school nalang po siguro, maglalakad pa po ko. Baka malate po e"  Mahinahon kong sinabi, sana mapansin niyang nagpapaawa ako.

"Okay." Saglit lang akong napatitig kanya, hindi parin talaga ako sanay.

Lumabas na ako ng kusina pero narinig ko parin ang sinabi nito.

"Go home before 6:00, or else isusunod ko ang phone mo and you can't  go to school for three weeks."

Hindi na ko nag abala sumagot dahil wala namang mangyayari.

Lumabas na ko ng bahay at nagsimulang maglakad. Buti nalang walang masyadong tao dito dahil 6 palang ng umaga. Hindi pa man ako nakakalayo nang tumunog ang selpon ko.

"Otw na ko." Then he hang up.

Nakalagpas narin ako ng isang kanto medyo masakit na din ang paa ko dahil sa suot na 2 inches black shoes.
Nang makahanap ako ng bench, umupo ako dito. Dito ko nalang siyang intayin. Kinuha ko ang phone ko para sana itext siya nang may isang motorsiklo ang pumarada.

Napatanga ako nang makita siya.

"Good morning, ganda" He said with full smile. He wiggled his eyebrows, inirapan ko lang siya.

"Seriously? Makoy?" I crossed my arms nang makalapit ako sa kanya.

"Why? This is cool kaya" Natatawang sabi nito. Nakakabwiset. Inabot niya sa akin ang helmet.

Akmang ibabato ko to sa kanya kaya napaiwas ito, "Alam mong takot akong sumakay sa motor tapos yan pa dinala mo, letse ka"

Bumalik ako sa inuupuan ko. Wow, nakuha mo pang mag inarte ha?
Pagkausap ko sa sarili ko. I don't care

"Hindi ako sasakay diyan." Inirapan ko nalang siya. Ang aga aga talaga nito mang badtrip.

"Hindi mo ba nakikita itong suot ko. Nakapalda ako" Dagdag ko. Napatingin naman siya sa suot ko.

"Osge, ikaw bahala. Nakita ko pa naman si Tito kanina na kausap yung yaya niyo. Osya, mauna na ko ganda" Sabi nito habang isinusuot ang helmet.

Para akong natauhan dahil sa sinabi niya. Kaya agad na akong tumayo na saka humarap sa kanya, kinurot ko siya sa braso. Napaigtad ito dahil sa ginawa ko.

"Helmet." Isinuot na niya ito sa akin. Sumakay ako patagilid, saka yumakap sa bewang nito. Hindi siya agad umandar, inalis niya ang kamay ko saka tinanggal ang jacket na suot niya.

OESTE, PLEASE STAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon