One

151 91 5
                                    


-

Mabilis akong umakyat ng puno na malapit sa veranda ng kwarto ko. Sinilip ko muna kung bukas pa ang ilaw ng sala dahil sign yun if gising pa ba si Daddy. And luckily, patay na so it means tulog na siya.

Agad akong tumalon mula sa puno hanggang sa veranda. Isa isa kong tinanggal ang suot ko na 3 inches heels habang nag lalakad. Itinapon ko na lang ito kung saan, saka patakbong pumunta sa walk-in closet.

"Saan ka nanggaling!?" Puno ng maawtoritado at bakas sa boses nito ang gigil at pag titimpi.

Paktay na

Isang hingang malalim ang pinakawalan ko bago nakayukong humarap sa kanya. Nang biglang siyang tumikhim, agad na akong tumingin sa kanya dahil masyado itong mainipin.

Bagamat blanko at walang ekspresyon ang mukha niya bakas parin dito ang galit.

"Where have you been?" Ulit nito.

"S-sa school po." Napalunok ako.

"Wag mo kong pinag loloko, school? Seriously, young lady?" Sunod sunod akong lumunok dahil nanginginig na ang tuhod ko. Pakiramdam ko anytime babagsak na ako sa kaba. Pati ata singit ko e nag papawis na.

"Bukas ang school niyo gayong 11 pm na?!" Halos mapatalon ako nang bigla itong sumigaw, yumuko ako dahil di ko kayang salubungin ang mga mata nito.

Parang gusto kong batuk batukan ang sarili ko dahil sa idinahilan ko. What the fudgebar naman kasi, school? Totoo naman kasi. School ng mga bampira nalang ata bukas ngayong oras na to.

"Keys and wallet" Sabi niya habag nakalahad ang mga kamay nito.

Ito na ang pinakakatakutan ko. Ang mga baby ko mawawalay nanaman kayo sa akin.

Nag lakad ako para kunin ang bag ko. Inabot ko sa kanya ang wallet ko. Binuksan niya pa ito para silipin kung kumpleto ang cards at cash ko dun. Sana makali-

"Keys." Akala ko pa naman.

Inabot ko na ito sa kaniya saka siya lumabas ng kwarto ko. Napaupo nalang ako sa edge ng kama. Paano nanaman ako neto, tumayo ako saglit para ilock ang pinto. Delikado na baka bumalik pa siya tapos maalala niya na 'di niya nakuha ang phone ko.

Papasok na sana ako ng banyo nang tumunog ang selpon ko.

Si Penny.

Mukang alam ko na to.

"Hello"

"Ghoooorl!! Your daddy called me awhile ago. He said I'm bad influence to you so I make layo layo na daw sayo. I'm crying right now, you innocent bicthy baby! What did you do this time? Huh? He even said na 'wag kitang susunduin kung magpapasundo ka man daw bukas. Did he kuha kuha your babies again?" Tuloy tuloy na sigaw niya sa kabilang linya. Hays, nadamay ko nanaman siya. Next time talaga pag nahawakan ko ang phone niya, buburahin ko number nila doon.  

"What now, ghorl?" Mahinahong tanong niya ulit.

"Sorry Penny."

"Yah, Alright. So paano ka tommorow?"

Oo nga pala, may pa bukas. Well, nasanay na din naman ako kaso nakakapagod yun. Malakas loob ni daddy na pag lakarin ako kasi 5 kanto lang naman ang dadaanan bago makarating sa LU. Oh shookt

"Hmm alay lakad again." Sanay na ko, alay lakad ganon kulang nalang e magdasal ako habang naglalakad. Minsan naman eh naisasakay ako ng mga schoolmates na kakilala.

Humiga na ko sa kama, "Its so nakakahaggard" Natawa nalang ako dahil sa arte niya magsalita. Saglit akong pumikit dahil tumahimik na sa kabilang linya.

OESTE, PLEASE STAY Where stories live. Discover now