32: A Change Of Heart

11.7K 260 45
                                    

A X L

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

A X L

"Oh, bakit biglaan naman yata?" tanong ni Brent pagkabukas ko ng pinto. Nakapambahay lang siya at mukhang bagong ligo pa. Kasama niya rin si Jolo na tahimik lang na nakatayo sa likuran niya at gaya niya ay may yakap-yakap din na paper bag.

"Wala lang," matipid na sagot ko.

Pareho silang may mga dala-dalang alak na binili nila sa 7-Eleven sa baba. Mabuti na lang at mabilis silang nakapunta kahit na dis-oras na ng gabi.

"Girl problems?" tanong ni Jolo, sabay ngiti nang nakakaasar.

"Mayroon ba tayo no'n?" Iwas na pagtawa ko. Tulad ko, kakahiwalay lang din ni Brent at no'ng ex niya. Si Jolo naman ay may natitipuhan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin.

Umupo ako sa sahig sa sala at saka ipinatong ang lahat ng mga pinamili nila sa center table. Dumiretso sa banyo si Brent, habang si Jolo naman ay rumekta sa kusina para kumuha ng mga baso at yelo.

"May crush si Brent, hindi sinasabi sa akin kung sino. Ikaw nga magtanong," mabilis na tsismis ni Jolo pagkalapit niya sa akin.

"Haha. Crush? Paano mo nalaman?"

"No'ng wala ka, parang lagi siyang may sinisipat."

I skipped school for two weeks after my mom passed. Excused ang lahat ng mga absences ko at pinag-take naman ako ng special exam ng mga prof para ro'n sa mga nakaligtaan ko.

Lumabas si Brent mula sa banyo at mukhang narinig 'yong naging usapan namin ni Jolo. "Ikaw, kahit kailan ka talaga, Panganiban. Wala 'kong crush, wala na sa isip ko 'yan," mabilis niyang pagtanggi.

Tumingin sa akin si Jolo at pinanlakihan ako ng mata upang ipakita na hindi siya naniniwala sa naging pahayag ni Brent. "Magugulat na lang tayo, ninong na tayo sa binyag ng anak niyan," sambit niya. "Baka mamaya, 'yong babae sa picture niya sa ML, baby pic pala 'yon ng crush niya."

"Haha, gago ka talaga." Tawa ni Brent, sabay batok nang mahina dito. Ilang linggo na kasi namin siyang inaasar dahil sa cute na batang babae na ginawa niyang avatar sa Mobile Legends.

Bukod kay Denver, silang dalawa lang ang tinuturing kong kaibigan sa Dawson. Hindi ko nga akalain noon na makakasundo ko sila. Si Brent kasi ay mukhang responsable at ulirang anak, habang si Jolo naman ay mukhang puro kalokohan lang ang alam sa buhay.

Sobrang magkakaiba ang mga ugali naming tatlo kaya nakakatuwa na hanggang ngayon ay magkakaibigan pa rin kami.

"Pero serious mode. Kung liligawan ko si Chloe, may pag-asa kaya 'ko?" tanong ni Jolo, sabay tanggal ng takip ng isang bote ng Red Horse gamit ang ngipin niya.

"Oo, pero hindi mataas," sagot ni Brent, na nagbukas naman ng isang balot ng Chicken Skin ni Mang Juan.

Kaunti lang ang mga babaeng Engineering students sa Dawson kaya talagang lahat sila ay parang campus celebrity kung ituring ng ilan. Kabilang na ro'n si Chloe.

Tumawa lang si Jolo at saka kinuha ang remote ng TV para buksan ito. "Hinahanap ka pala lagi no'ng kabanda mo. Iyong magandang vocalist niyo na Educ," kuwento niya sa akin.

Napahinto ako sa pag-inom. Hindi ko na sana papansinin 'yong pagche-change topic niya. Pero si . . . Pat? Hinahanap ako ni Pat?

"Oo, no'ng hindi ka pa nakakabalik, dumadaan siya sa building natin tapos hinahanap ka," pagsang-ayon naman ni Brent.

"Paano niyo nalaman? Kinausap kayo?" mabilis na tanong ko. Akala ko kasi ay masama ang loob niya sa akin mula no'ng narinig niya 'yong usapan namin ni Nica no'ng lamay ni Mommy. Iyon pala ay hinahanap niya ako.

"Hindi, pero ano namang gagawin niya sa building natin? Eh, sa kabilang zone 'yong building ng Educ," paliwanag ni Jolo.

"Baka si Denver ang hinahanap. O si Kara," sambit ko. Hindi ko alam kung bakit pa ako interesado, eh napagdesisyunan ko na ngang hindi ko na siya guguluhin pa.

"Hindi. Binabati niya lang sila Denver kapag nakikita niya, pero hindi naman sila 'yong sadya niya," sagot naman ni Brent.

Napabuntonghininga na lang ako.

Biglang bumalik sa akin lahat ng nangyari kanina at mas lalo ko unti-unting napagtatanto na kasalanan ko ang lahat ng nangyari.

Umalis siya, hindi dahil ayaw niyang makinig sa paliwanag ko. Umalis siya, dahil hindi ko muna ipinaliwanag sa kaniya 'yong sitwasyon bago ko pa siya dalhin dito na siya namang dapat ko talagang ginawa. Nabigla siya sa nangyari at natural lang ang naging reaksyon niya. Sino ba namang matutuwa kung bigla na lang may ibang taong susulpot sa kalagitnaan no'ng nangyari sa amin, 'di ba? At hindi lang basta-basta ibang tao, kung hindi mismong ex-girlfriend ko pa.

Hindi kaya masyado akong naging mabilis sa pagsuko sa kaniya? Dapat kaya ay sinubukan ko munang kausapin siya at ipaliwanag ang lahat?

Ipinikit ko ang mga mata ko at nilagok ang shot na inabot ni Jolo sa harapan ko. Huli na para magtanong pa 'ko dahil malamang ay kasama na niya ngayon 'yong ex-boyfriend niya at itutuloy na nila 'yong plano nilang pagpapanggap.

I was her first damn kiss.

Ako.

Of all the men in the world who would fall in line just to get to be with her . . . she chose me. And this is how I'm handling things.

Damn, I really am a jerk.

Pursuing Pat (Dawson University Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu