Isang Gabi

287 3 0
                                    

Isang gabi nanaman ang lumipas
pero pagmamahal mo sa kaniya'y di pa rin kumukupas.
Kitang-kita ko mga mata mong kumikinang tuwing nakikita mo siya,
pero agad napapalitan ng lungkot kapag mayroong kasamang iba.

Isang gabi nanaman na puno ng kuwentuhan,
isang gabi nanaman na pagpapanggap na hindi ako naaapektuhan.
Makikitawa sa mga kuwento mo tungkol sa babaeng mahal,
at kung gaano kayo naging masaya at nagtagal.

Isang gabi nanaman na hindi makatulog kaiisip sa'yo,
habang ika'y mahimbing na natutulog at nananaginip tungkol sa mahal mo.
Isang gabi nanaman na pagpapaalala sa aking sarili,
na tumigil na dahil kahit kailan, ika'y hindi mapapasakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Midnight ThoughtsWhere stories live. Discover now