Tula

316 5 0
                                    

Isang pasada bago pumikit aking mga mata,
uupo saglit para sumulat ng isang tula.
Isang tula na naglalaman ng aking damdamin,
mga salita na kahit kailan ay di ko maaamin.

Nagsimulang sumulat sa kapirasong papel na napulot,
at ibubuhos lahat ng pagmamahal at lungkot.
Lungkot na nadarama tuwing ika'y nakikita,
at pagmamahal na pilit tinatago tuwing nariyan ka.

Habang sumusulat, mga mata mo'y aking naiisip,
at ang iritado mong mukha tuwing ika'y naiinip.
Ang mga tawa mong nakahahawa,
at boses mo na kahit kailan ay di nakasasawa.

Marami akong ibig sabihin sa iyo,
ngunit tuwing susubok na, ako'y nabibigo
dahil hindi mawala-wala
kaba na aking nadarama.

Napapikit at tumigil sa pagsusulat,
at unti-unti mga mata ay minulat.
Para saan pa ang pagsulat ng mga talatang ito?
kung kahit kailan ay wala namang balak ibigay sa iyo.

Midnight ThoughtsWhere stories live. Discover now