Zamiel face palmed to ease his infuriation while Ridge scowled at him when the lad parted from their holding hands. Tapos ay pinanood niyang ipagkrus ni Zamiel ang mga bisig at matamis siyang nginitian.

Ah, pikon na kaagad ito samantalang wala pa nga sila sa mismong bahay. Napalitan tuloy ng mapanudyong ngisi ang kaninang simpleng ngiti niya.

"Ridge..." He trailed off, "Sasakalin kita 'pag ipinilit mo na 'yan magiging hiding place natin."

Ridge protruded his lips. He also frowned as he took a deep breathe and stared at Zamiel, like he was pleading. Titignan lang naman nila iyong bahay. Edi kung may mangyari, eekisan na niya iyong lugar na iyon.

"Ang kulit mo! Mas makulit ka pa kay Zach!"

Napasabunot si Zamiel ng sariling buhok bago nilagpasan si Ridge. Pinanood pa niya itong maglakad paalis hanggang sa napansin niya na papunta ito sa abandonadong bahay na itinuro niya.

"Zamiel, akala ko ba ayaw mo riyan?"

Naiinis siya nitong nilingon, busangot pa rin at hindi maipinta ang mukha.

"Sasama ka ba o hindi?! Iiwan kita!"

Oh. Oh. Lihim siyang napangiti bago hinabol ang kaibigan. Gusto rin sana niyang asarin ito pero baka bawiin ni Zamiel ang pagpayag.

Nang makapasok sila sa abandonadong bahay na gusto niyang gawing hideout nila, pinanood ni Ridge na mauna si Zamiel.

Nagvolunteer kasi itong tignan kung safe ba ang dadaanan nila. At sa tuwing ayos naman, tatawagin siya nito at susuportahang makalapit sa kanya.

Pero noong umakyat sila sa hagdan, natigilan si Ridge. Tinitigan niya lang ang kamay ni Zamiel na naghihintay sa kanya, kaya naman sumimangot ang isa.

"Nag-iinarte ka ba? Ikaw nagsabi na tignan natin dito."

"Ito na. Kikilos na, excited."

"Itulak kita eh!"

Mahina siyang natawa bago inabot ang kamay ni Zamiel. Matapos noon ay sabay silang umakyat sa second floor ng bahay.

There is nothing much in there, just a few doodles from trespassers like them. Napansin din ni Ridge na napaatras si Zamiel bago siya matalim na tinignan.

"Kapag nalagot tayo rito, sasabihin ko ikaw may kasalanan."

Marahang tumango siya, "Sabi mo 'yan, gusto ko ako lang mapapagalitan mamaya."

"Ikaw lang talaga. Ikaw nagsabi na tignan natin dito eh."

"Sabi mo eh, 'wag kang talk shit," Natawa si Ridge bago naunang maglakad para gumala pa sa lugar. Hila-hila niya si Zamiel, "Baka mamaya saluhin mo rin tapos tabi na naman tayo habang napapagalitan."

"Ikaw lang ngayon!"

Hindi kumibo si Ridge. Sa halip ay lumapit siya sa frame na para sana sa bintana ng bahay, namangha dahil kita niya ang buong street nila kahit na hindi kataasan ang bahay.

Sumandal rin si Zamiel sa tabi niya, kaya noong napansin ni Ridge na naroon ito ay nilingon niya ang kaibigan.

Only to have his breath hitch right after he saw how Zamiel stared at him, even genuinely smiling at him. And Ridge knew that he is still young but then, his heart knew better as it began to beat erratically.

"Titig na titig ka Zamiel?" Pilit niyang nginisian ang kaibigan, iwinawaglit ang nararamdaman, "Crush mo ba 'ko?"

Mabilis na napalitan ang ngiti nito nang sabihin niya iyon. Inabot din ni Zamiel ang pisngi niya at saka mariing kinurot, at hindi niya maintindihan kung bakit mas bumilis lang ang pagwawala ng puso noya.

Idiots in Love (BxB, COMPLETED)Where stories live. Discover now