TREINTA Y SYÉTE

98 9 14
                                    

Thirty-seven

"WHY do you like to paint?"

Mahina lang ang mga boses ng lahat habang nag-uusap kaya hindi masyadong naiistorbo ang iba. Naka-record ang sagot namin sa kanilang mga cellphones. Tumingin ako kay Simon na nakangiti lang habang nagtatanong.

"I don't just like it. I love it. Ever since I was young, gusto ko na talaga ang pagpipinta. Parang nakatatak na kasi sa puso't isipan ko na mahal na mahal ko talaga ang pagpipinta. Gusto ko ang pagpipinta dahil nailalabas ko ang narramdaman ko at ang emosyon. Painting is not just all about your skills kase eh. Nailalabas din nito ang personality mo at ang nararamdaman mo," ngumiti ako pagkatapos kong sabihin iyon.

Mangha naman na tumingin sa akin si Simon. "Nice, Caina. You're really good at this—"

"Tanong lang walang compliments," singit bigla ng nilalang sa gilid ko.

Pinahalalahanan niya na ako kanina. Alam ko na iyon. Isa pa, wala nang gusto sa akin si Simon. We're just friends.

Lumingon ako kay Quing na relax na relax sa kanyang upuan at nagtanong na ulit ito kay Elliene na kumikinang ang mga mata habang kausap siya. Binalingan ko na lang ulit si Simon na nagtataka na ang mukha.

"Okay? N-next question... what inspired you to paint?"

"Hmm. Ang Ate ko kasi mahilig magpinta noon, na-inspired ako sa kanya para magpinta. Growing up naman kasi, mahilig na talaga akong mag-kulay kulay sa papel. Alam mo 'yon?"

Bahagya akong natawa. Natawa rin naman siya pero nawala iyon nang makarinig ulit kami ng tikhim.

I looked at him with a bored face. Pa-inosente naman siyang tumingin sa amin.

"What?" Sinamaan ko siya ng tingin. Umiling ako at ibinalik ang tingin kay Simon.

"So I was saying, simula bata ay mahilig na akong magkulay, pero habang lumalaki ay na-discover ko si Laùve Sinatra. Alam kong alam mo na mahal ko talaga si Laùve right?" Nakarinig na naman ako ng nakakalokong tawa sa gilid. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy. "Isa rin siya sa mga inspirasyon ko. That's all."

Tumango-tango siya. " Lastly, if you will be given a chance to be a member, give the club and members a message. I, Caina Villamor?"

"I promised to be a good and dedicated member of the Arts Club. I am more than willing to learn and explore more of my skills with my fellow members and instructors. I am looking forward to the activities and events that can enhance my skills in painting. This is a chance that I cannot lose. I am one of those people who are willing to fight for their dreams even in a lot of circumstances. Painting makes me. My loyalty and love for painting will grant you a big asset to your club and for the future. I promised that," I smiled as I said all those words with all my heart.

Pinatay niya naman ang record. "Nice one, Caina! Ang galing mo. Natural na natural lahat ng pagsagot mo."

"Okay done!" Biglang tumayo ang nasa gilid ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Binigyan niya ako ng let's-go-look.

Kumunot ang noo ko. Sinenyasan ko siya na mauna na. Umiling naman siya. Para kaming mga pipi kung mag-usap.

"Ayos na ba?" biglang sabi ni Sir. Napa-upo naman si Quing pabalik sa puwesto niya.

"Yes, Sir!"

"Okay, ma-po-post ulit sa bulletin board ang final thirty. Pero wala pang date. So that's all for now, thank you all guys for participating. You may go."

Mabilis naman akong tumayo at nagligpit ng gamit.

"Sabay na tayo lumabas?" Tumingin ako kay Simon na nakapamulsa at nakangiti sa akin.

Almost Escape (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon