VÉINTE CUATRÓ

108 24 5
                                    

Twenty-four

"HEY, natulala ka." Napabalik ako sa sarili nang biglang magsalita si Terrence.

"I'm sorry. Let's go back."

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. "You fine?"

Dali-dali ko naman itong binawi. Mukhang nagulat rin siya sa naging reaksyon ko.

"I'm sorry. I-I'm fine." Ngumiti ako at nauna na akong naglakad pabalik sa kabanya hut.

"Oh tapos na kayo? Tinawag kasi ako ni mommy kaya hinayaan ko na muna kayong dalawa. Ayos na ba? Maganda ba ang mga shots? Parang namumutla ka, anong ginawa sayo ni Rence?" Akma naman niyang susugurin si Terrence pero pinigilan ko ito.

"No! Nothing. Bigla lang sumakit ang ulo ko. You'll swim now?"

I wanna go back to our room. I'm not dreaming! He's here! But why? Para tulungan si Ramil?

Of course! Why do I think that he's here because of me?

Tumango siya. "Balak sana naming mag-night swimming kaso gabi na kaya bukas na lang ng umaga."

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

Bigla naman siyang tumawa. "Joke lang! Oo mag-na-night swimming kami ngayon. Masakit ulo mo? Gusto mo ng magpahinga?"

"Oo eh. Sorry Shen. Mag-enjoy ka na muna ngayon with your cousins."

"Okay! Ipapasa ko sayo 'yung mga pictures natin kanina para may mai-post at story ka!" Tumawa ulit siya.

"Nice. Thanks!"

Nilakad ko na ang daan pabalik sa kuwarto namin. Saan kaya ang villa nila? First day pa lang namin ngayon bakit nandito na agad sila?

Pumasok na kaagad ako sa kuwarto namin ni Shen at nag-lock ng pinto. Sinalubong kaagad ako ng lamig dahil hindi ko pala pinatay ang aircon.

Hininaan ko ito at umupo sa kama. I checked my phone. There's one message from him.

From Quing

I'm going with Ramil today. We are on our way to Morong. See you.

Shit! Hindi ko nga pala dinala ang phone ko. Ang daming missed calls galing kay Ate and she's calling again!

"Hello! Ikaw talaga! Ang kulit mo! Hindi mo sinasagot ang tawag ko! Nako! May boys na siguro kayong kasama ano?"

"What?! Wala! Mga pinsan lang ni Shen iyon."

"Send me some pictures! Anong suot mo? Nagdala ka ng suimsuit? Huwag mo munang isuot! Hindi mo ako kasama! Nakalimutan kong ihabilin sa iyo!"

Ang dami n'ya pang sinabi. 'Yung iba hindi ko na maintindihan.

"Okay. Okay. Oo natatandaan ko lahat ng sinabi mo. I will rest now."

Natahimik naman ang kabilang linya. "I'm sorry. Oh sige mag-enjoy ka na dyan."

Pinatay niya ang tawag. Medyo nakonsyensya ako. Alam kong nag-aalala lang si Ate sa akin.

Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Bakit hindi ko nga ba naisip na maaaring isama ni Ramil si Quing? Malamang at ako ang kilala ni Quing. Hindi pa kami nagkausap ni Ramil kahit minsan kaya tama lang na 'andyan siya para matulungan nya akong i-set sila.

Bumuga ako ng marahas na hininga. "Naloko na!" Napakamot ako sa ulo ko. Hinubad ko lahat ng damit ko. I need to take a bath.

Naiisip ko, siguradong magkikita at magkikita kami. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ngayon lang kami ulit nagkita simula noong gabi sa picnic park. But I can't deny the fact that I'm happy 'cause he's here.

Almost Escape (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن