Chapter 4

4.3K 144 6
                                    

                                 Panay ang sulyap ni Lovely sa nakasarang pinto ng kwarto. Hindi siya nakatiis. Tumayo siya at pumasok sa kwarto. There,she saw the man she helped in the island sleeping peacefully on the her bed. Isang linggo na itong walang malay. Naalala niya ang nangyari sa isla. Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kanya at labis siyang nag-alala para sa lalaki. Hindi naman niya ito kilala. Napailing siya nang maalala ang mga ginawa niya para maialis niya ang lalaki sa isla. The man keeps mumbling na huwag niya itong ipunta sa hospital  kaya sa hotel na tinutuluyan niya ito pinatuloy. Nagtaka pa nga ang guard ng hotel pero tinulungan naman siya nitong magbuhat sa lalaki. Ang bigat,eh. Sumakit ang katawan niya.

Nagtataka lang siya kung ano ang ginagawa nito sa isla? Hindi naman itong mukhang masama. But looks can be deceiving 'di ba? Iniisip niya na baka ito ang may-ari ng mansion na nasa gitnan ng isla na pinasabog ni Agent Mik pero imposible naman.

Umupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang hitsura nito. The man was handsome. Sigurado siyang maraming babaeng nagkakandarapa dito. Napabuntong-hininga siya at inayos ang kumot nito. May benda na nakapalibot sa katawan nito dahil sa tama nito ng bala nito sa tiyan ay may mahaba pa itong sugat sa likuran. Sino naman kaya ang bumaril dito? At saan nito nakuha ang sugat nito sa likuran. Para kasing hiwa ito ng matalim na bagay. Nagpatawag na lang siya ng doctor para magamot ito dahil hindi naman niya alam kung paano magtanggal ng bala sa katawan at wala siyang tiwala sa sarili niya.

Pumasok siya sa banyo at tinignan ang sugat niya sa braso. Papahilom na ito. Mabuti naman. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa gilid ng sink. Tinignan niya ang sarili sa salamin. Napailing siya at lumabas ng banyo.

Tinitigan niya muna ang lalaki ng ilang segundo bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Something is bothering her about him. Hindi niya alam kung bakit siya nag-aalala para sa lalaki.

She blew a loud breath. Hindi na natuloy ang bakasyon niya dahil hindi naman niya maiwan ang lalaki na mahimbing na natutulog sa kwarto niya. Konsensiya niya rin 'yun.

Umupo siya sa sofa na nasa living room at kinuha ang laptop niya na nasa sofa rin. She search some hollywood movie. Manonood na lang siya to pass the time...dahil hindi naman niya alam kung kailan magigising ang lalaki na nasa kwarto niya.

She sighed.

"Ano bang nangyayari sa akin?" Tanong niya sa mismong sarili nang hindi siya makapagpokus sa pinapanood niya.

She shook her head. I-off niya ang laptop niya. Ibinalik niya ang laptop sa centertable. Humilig siya sa sofa at tumitig sa kisame.

Mabilis siyang napatingin sa pinto nang makarinig siya ng parang may nahulog na bagay. Tumayo siya at nagmamadaling pumasok sa kwarto.

"Mabuti at nagising ka na." Sabi niya sa binata na gulat na napatingin sa kanya.

Nakita niyang nasa sahig ang lampshade at basag ito. Mukhang ito ang narinig niya kanina na nahulog. She sighed. Lumapit siya sa binata at hinawakan ito sa magkabilang balikat at masuyong itinulak pahiga ulit sa kama.

"You need to rest." Kumunot ang nuo niya. "Ano palang pangalan mo?" Tanong niya.

Hindi nagsalita ang lalaki ay nakatingin lang sa kanya na parang hindi ito makapaniwala na nasa harapan siya nito. She can see many emotions in his eyes. Ikinaway niya ang kamay sa harapan ng mukha nito.

"Ayos ka lang ba?"

Napakurap ito. "O-oo...nasaan ako?"

Hmm...his voice is familiar.

"Dito sa tinutuluyan kong hotel dito sa Aurora. Nakita kita sa isla kung saan may mission kami. Hindi mo pa pala sinagot ang tanong ko,anong pangalan mo?"

Prince Zion's Mate (Incomplete)Where stories live. Discover now